CHAPTER 48 - Brainless Sean

1521 Words
MASAYA si Prin na makita muli si Crayon at Crayola. Nagpunta sa Africa ang magulang ni Cally kaya sa kanila muna ang kambal. "Ate Prin, I have to buy a book. Let's go out" hiling ni Crayon. "Yes, ate Prin. I am going to buy colored pens too." sabi naman ni Crayola. Napakamot sa ulo si Prin. Umalis kasi si Cally dahil may biglaang inasikaso sa opisina. Bilang wala ang Daddy nila kailangan ang presensya ng asawa niya sa MGM. Hindi siya makapagdesisyon kung isasama niya ang dalawa. "Ate Prin, wala ka pang regalo sa amin" pangungulit ni Crayon. "Yes. I want a gift too." Sumakit bigla ang ulo ni Prin. Bigla niyang naisip na kahit kay Cally ay wala pa rin naman talaga siyang regalo. Tiningnan niya ang dalawang bata. "Sige, isasama ko kayo. Mag-sh-shopping tayo. Alam niyo ba kung ano ang gusto ng kuya niyo?" "Bakit kay kuya lang?" may pagtatampo sa boses ni Crayola. "Yes, we want something from you too." "And.. I want to eat ice cream." "I love banana splits." Hindi akalain ni Prin na ganito mangulit ang kambal. Halos parehas ang nasa isip ng mga ito.  Wala siyang nagawa kung hindi ang pasakayin sa sasakyan si Crayola at Crayon, at magpunta sa pinakamalapit na Mall. Sinabihan niya ang dalawa na huwag masyadong maglilikot at huwag lalayo sa kanya. Pagdating sa bookstore, napansin nila na may Quiz Bee na magsisimula sa sa loob ng kinse minutos. Nakatitig si Crayon sa maliit na stage na naroon sa gitnang bahagi ng malaking Book Store. Pwedeng manalo ng limang libro kung sakali na mananalo sa Quiz Bee. "Ate Prin, sali ka." biglang sabi nito sa kanya. "Yeah, sali ka sa Quiz Bee. para may libre kaming book." Prin "...." 'Please spare my life. Kung nasa digmaan tayo ay okay lang. My dearest babies… iba na lang hilingin niyo please.' nagmamaka-awa si Prin sa isip niya. Bigla niyang napansin si Sean sa loob ng bookstore "Oh! Look it's Prin!" masayang bati nito. Lalong sumimangot si Prin. "Who are these kids?" tanong nito at hindi siya interesadong sagutin. Masama naman ang tingin ni Crayon sa lalaki, sa tingin niya ay hindi maganda ang intensyon nito sa ate nila. "Who are you?" tanong nito kay Sean. "Manliligaw niya." makapal ang mukha na sagot nito. Pinukulan ni Prin ng matalim na tingin si Sean. Tama ba na sabihin na manliligaw niya ito sa harapan ng in-laws niya? "Hey! May I remind you, you are not even an acquaintance?" Nakangisi lang si Sean at hindi pinansin ang pagsusuplada niya. "Hey Mister! Papayagan kita na manligaw sa ate namin kung matatalo mo ako sa Quiz Bee" sabi ni Crayon habang turo ang stage. Tinimbang ni Sean ang batang lalaki na nakasalamin. He's a college student at hindi rin naman siya bagsak sa klase. Napangisi siya sa batang lalaki na mukhang nasa elementary. "Sure! Kapag natalo kita may kiss sa'kin ang ate Prin mo" mayabang na sabi nito. Naka-isip ng nakakaloko si Prin pero nagpanggap siya na kunwari ay natatakot siya para kay Crayon. Matatalino ang magkakapatid na Han at alam lahat ng malalapit na pamilya iyon. Simpleng bata lang si Crayon at Crayola at matindi mangulit pero advanced ng dalawang taon sa klase ang mga ito. "Are you sure Crayon? He is a big guy. For sure he knew a lot. Paano na si kuya Cally mo?" kunwari ay malungkot na sabi niya. "Ako ang magpapaliwanag kay Kuya Cally kapag natalo ako." Hinarap nito si Sean. "Kapag nanalo ako, you have to buy us 20 books." hamon ni Crayon. Nakangisi si Sean. naisip niya na mukhang kapatid ni Cally ang dalawang bata. Oras na para makaganti siya sa mga ito. "Sigurado ka na lalabanan mo ako?" Mayabang na tanong ni Sean. "Ganito na lang, how  about isama mo ‘yung kapatid mo, para dalawa kayo ang magtulungan. Nakakahiya naman kasi baka sabihin bully ako ng bata."sabi pa ni Sean. Natatawa ng lihim si Prin, kahit kailan talaga ay alam ni Sean kung paano ilalagay sa alanganin ang sarili at may pagka-mayabang din. "What about you, My darling? Pumayag silang dalawa na maka-score ako ng halik sa iyo kapag nanalo ako sa Quiz Bee. Siguro naman ay papayag ka at hindi mo ipapahiya ang mga kapatid ni Cally." "Naku.. pa'no na iyan Crayon, sigurado magagalit sa akin ang kuya mo kapag natalo ka." "'Wag kang mag-alala Ate Prin. I will definitely win against this Big guy!" SABAY na nagrehistro si Crayon, Crayola at Sean sa Quiz Bee. At hiniling nila na kung maaari ay silang dalawa lang ang maglaban. Si Sean laban sa kambal. Pumayag ang coordinator, pero nag-aalala ito kay Crayon at masama ang tingin kay Sean. Sinabi ni Sean na hindi siya interesado sa premyo ng Bookstore pero gusto niyang talunin ang batang si Crayon. "Kasali naman po ‘yung kambal niya." sabi ni Sean. "He will give me 20 books as a reward. I want you to prepare your most limited edition books." utos ni Crayon. Nabigla ang coordinator sa utos ng batang lalaki. Isang may-edad na nakasalamin ang pumukaw sa atensyon ni Crayon. Dahil sa paraan ng pag-utos nito.  Sisiguraduhin ni Crayon na tatalunin niya ang lalaking makapal ang mukha na balak manligaw sa ate Prin niya.  Kalmado lang si Crayola sa tabi ni Crayon at tila inosente ang tingin ni Sean dito. Naka tirintas ng maayos ang buhok nito na si Prin ang gumawa. Kaiba sa hitsura ni Crayon ang hitsura ni Crayola.  May awra si Crayon ng tunay na Kent kapag seryoso. Samantalang tila inosente at walang alam si Crayola, mukhang madaling utuin.  Tulad sa normal na Quiz Bee, mayroon ding buzzer na pipindutin. At sasagot ang makakapindot.  "Okay, we have 20 questions. First ten question is one point each. Then, two points on the last ten questions. Posible na hindi na matapos ang lahat ng questions kung sa palagay natin na wala nang pag-asa ang kalaban. Okay?" sabi nito. Nilingon pa ni Crayon ang ate Prin niya bago sa nakangising si Sean. "Crayon and Crayola, tuturuan ko kayo ng Karate kapag nanalo kayo. Kaya galingan niyo, okay!" Nagsimula ang laban. "Okay, first question. What is the smallest Province in the Philippines?" tanong ng gumaganap na host. Unang pumindot si Sean. "Camiguin." sagot nito. "Correct!"  Binelatan ni Sean si Crayon. Inismiran lang ito ni Crayon dahil mukhang natutuwa na ang lalaki sa one point. Nasa easy questions pa lang sila, niyayabangan na siya nito?  "Second question. A handheld tool used to strike another object and most common tool in carpentry." Naunang pumindot muli si Sean. "Hammer." tulad ng nauna binelatan muli nito si Crayon. Naiinis na si Prin sa lalaki, pero kalma lang ang kambal. "The group of Filipino fighters that opposed the Japanese occupation during 1940."  Pumindot muli si Sean. "Hukbalahap."  "Who is the first Marvel Avenger?"  "Captain America." Nakaramdam na ng inis si Prin. inabot na kasi ng sampu at nasagot ni Sean ang lahat. Pati ang ibang manonood ay naiinis na kay Sean sa pagiging mapagpatol nito sa dalawang bata. Nagkakataon lang na mas mabilis si Sean sa pagpindot. Nagsimula ang second round na 'di hamak na mas mahirap kumpara sa naunang sampung tanong.  "Who is the main antagonist in the animated film Moana?" Pumindot muli si Sean. "Te Feti" sagot nito. "Wrong!" "Te Kā" sagot ni Crayon. Sa unang sagot nakadalawang puntos agad si Crayon. "What metal constitutes most of a penny?" ikalawang tanong sa second round.  "Tin!" sagot ni Sean. "Wrong!" "Zinc" si Crayon.  "Correct!" "Who is the person who is often called England's national poet and the 'Bard of Avon?" Ramdam ni Prin na pinagpapawisan si Sean. Dahil hindi alam ng lalaki ang sagot, si Crayon ang pumindot. "William Shakespeare" Hanggang sa sunud-sunod na nasagot ni Crayon ang tanong.  "Which one of Snow White's seven dwarfs most likely suffers from aphasia?"  "Dopey" "An orthopedic doctor treats what part of the human body?" "Bone" sagot ni Sean.  May 12 points si Sean at eight ang kambal.  "Who is the three-year-old bengal tiger in the movie 'Life of Pi'?"  "Richard Parker" sagot ni Crayon.  "Hey! Madaya! Hindi pa sumasagot ‘yung babae." sabi ni Sean. Hindi niya kasi akalain na matalino ang batang lalaki. Sa tingin niya mas mahina si Crayola.  "Dahil dalawa kayo, dapat lang na ‘yung isa naman ang sumagot" reklamo ni Sean.  "Are you sure Mister?" tanong ni Crayola.  "Of course!" sigurado si Sean. "Doon ka na sa baba." pambu-bully pa nito kay Crayon.  Kusa namang sumunod si Crayon para tumabi kay Prin. Nakangisi lang si Prin. Akala siguro ni Sean ay makakalusot na ito kay Crayola.  May 10 points na ang kambal at 12 points si Sean.  "what is the first book printed in the philippines?"  Sean "...."  "Doctrina Christiana, printed in 1593" sagot ni Crayola.  "Correct!" Parehas na silang naka12 points. Tinaas ni Crayola ang kamay "I have a suggestion"  "How about we ask each other one last question? Whoever got the correct answer will win. Deal?" mungkahi ni Crayola.  "Deal! Pero gusto ko na ako muna ang magtatanong" mayabang na sabi ni Sean. Nasa isip ni Sean na mas maganda kung sa kanya manggagaling ang tanong. "Deal"  "How much does the earth weigh?" tanong ni Sean.  "Are you sure that is your question?" parang hindi makapaniwala si Crayola.  Nasa isip ni Sean na walang bigat ang earth kaya sigurado na hindi iyon masasagot ng batang babae na mukhang inosente. "I'm sure!"  Binigyan siya ni Crayola ng are-you-an-idiot kind of look, kaya nakaramdam siya ng inis. "The earth weighs 5.972 x 10^24 kg, or around 6,000,000,000,000,000,000,000,000 kg." mahabang bigkas ni Crayola.  "Correct!"  Nagulat si Sean at hindi siya makapaniwala.  "Now it's my turn. tell us the digits of Pi. You should continue until where it stops." hamon nito.  Sean "...." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD