CHAPTER 49 - You are the best

1503 Words
WALANG nagawa si Sean kung hindi ang gumastos ng singkwenta mil sa 20 books na hiling ni Crayon.  Bukod pa doon, binigyan din siya ng unlimited pass sa Library ng Book store na matatagpuan sa penthouse ng main building kaya masayang masaya siya.  Nakita kasi siya ng may-ari na kasalukuyang nanunuod ng laban nila ni Sean. Natuwa ito kung gaano ka-cool si Crayon at Crayola at kung gaano sila kahilig magbasa ng libro.  Walang nagawa si Sean kung hindi ang umalis ng mainit ang ulo dahil gumastos siya ng malaking pera.  Who wants to spend on books na halos kasing mahal na ng air ticket niya papuntang Amerika?  'Serves you right!' gustuhin man ni Prin na patulan ng lalaki. Sayang lang ang effort niya dito. Pasasaan ba't mananawa rin ito sa kalokohan nito. Tutal mukhang hobby na nito na ipahiya ang sarili.  Dinala niya si Crayon at Crayola sa isang Ice Cream House. Natutuwa si Prin sa dalawang kapatid ni Cally. Mabuti at hindi siya ang kalaban ni Sean dahil aamin na siya na posibleng talo siya sa lalaki. "Sabihin niyo sa akin kung ano ang gusto niyong regalo, ibibili ko sa inyo." ganado si Prin na magshopping sa araw na iyon. Nag-isip ang dalawang bata.  "hmm.. I want the katana in your house" sagot ni Crayon.  "Ah! Yes yes! I want that too!" ang katana na nasa General Hall sa Matsui Villa ang tinutukoy nito.  Napakamot si Prin sa pisngi. Sigurado na hindi niya iyon pwedeng ibigay sa dalawa dahil bukod sa pag-aari iyon ng Daddy niya, matalim at nakakasakit ang bagay na iyon para sa sampung taong gulang na bata.  "Saka ko na kayo bibigyan kapag naka-graduate na kayo okay? Sa ngayon, enjoy your time as a kid. Naiisip ko na ibigay sa inyo ay Treehouse. Gusto niyo ba ng Treehouse sa bahay niyo? You can play there, read books, rest and accept friends or visitors."  Napalitan ng excitement ang mukha ng dalawang bata.  "Oh! Yes I like it!"  "I like it too! You are the best, Ate Prin!"  Matapos nilang kumain ng meryenda, nagpunta sila sa bilihan ng relo. Wala pa siyang nabiling regalo kay Cally. Dalawang relo ang binili niya. Isa kay Assistant Xander at Isa para kay Cally.  Kailangan niyang magpasalamat kay Xander bilang maaasahan nila ito.  Dahil hindi niya alam ang pipiliin, parehas na lang ang relo na binili niya para sa dalawa.  Binilhan niya rin ng hairpin si Bella. Magandang ballpen at hand wrap naman para kay Kai.  Masaya silang tatlo hanggang sa makauwi ng bahay ni Cally. Sakto naman na kararating lang din nito mula sa opisina.  Masaya na nagtatakbo ang dalawang bata papasok sa loob. Nakakunot-noo na nilapitan siya ni Cally.  Inabot niya dito ang mga paper bags ng mga pinamili, hinalikan ito sa pisngi at saka sumunod sa dalawang bata papasok sa bahay.  "Honey, what are these?"  "Gifts. Halika. I bought something for you" hinila niya si Cally papasok sa loob ng bahay.  Nagliwanag ang mukha ni Cally nang sabihin niya na may regalo siyang dala para dito. Nakasunod lang si Cally habang pinanunuod si Prin na parang bata na nakasunod din sa mga kapatid niya. Inutusan niya ang kambal na maghilamos bago sila maghapunan.  Sumalampak si Prin sa sahig at nilabas ang mga laman ng mga paper bags. Inabot dito ang dalawang box ng relo.  "This one's for you, this one is for Xander." inabot ni Prin ang parehas na relo kay Cally.  Gusto sanang matuwa ni Cally dahil may natanggap siyang regalo mula kay Prin. Iyon nga lang, bakit parehas sila ni Xander? Parang sinabi na rin ni Prin na parehas lang ang tingin nito sa kanila ng assistant niya.  Nakikita niya sa mukha ni Prin na masaya ito sa nabili kaya gumaan kahit papaano ang kalooban niya. Inisip niya na baka mayroon pa para sa kanya.  "give me your hand." utos ni Prin. Inabot naman ni Cally ang kaliwang braso.  Noon lang napansin ni Prin na may nakakabit na relo na sa kamay ni Cally. Galing iyon kay Master Kent at sigurado na hindi iyon basta-basta tapos ay papalitan niya lang ng pitpitsugin na relo.  "Uhm… husbie, mukhang kailangan kong bawiin ang relo"  Cally "...."  Parang maiiyak si Cally sa sinabi ni Prin. Mas okay nang parehas sila ng assistant niya kaysa wala talaga siyang makuha na kahit na ano mula dito. Para na rin nitong sinabi na mas mataas ang tingin nito kay Xander kaysa sa kanya.  "Mayroon pa bang… iba for me?" tanong ni Cally.  Napakamot sa ulo si Prin. "Wala na e"  "Then, bakit dalawa ‘yung kay Kai?" reklamo ni Cally.  Hindi naisip ni Prin ang rason. Basta nakita niya lang ang mga bagay na iyon at natuwa siya kaya binili niya. Hindi niya akalain na magiging issue iyon kay Cally.  "Is there anything you want?" "You. I want you…"  MALE-LATE na si Bella sa school. Nag-aabang siya ng taxi para sa pagpasok nang mapansin niya ang sasakyan ni Kai. Nilagpasan lang siya nito na akala mo ay hindi siya nito nakita. 'Hmp! Tubuan ka sana ng butlig sa kili-kili, ‘yung madami!' Nakaramdam siya ng inis dahil alam niya na sa school din naman ang punta nito. Inabot pa siya ng ilang minuto sa paghihintay, wala pa rin siyang maarkilang taxi. Inis na inis siya lalo na kay Kai. Ilang saglit pa,  huminto sa harapan niya ang isang dilaw na sasakyan. Bumaba ang bintana nito at nakita niya si Ken na driver. "Bella, sakay na!" sabi nito. Nagliwanag ang mukha ni Bella. "Ken!" masayang bati niya dito saka niya binuksan ang pinto at pumasok. Sa kabilang sasakyan, Nagdadalawang-isip si Kai kung babalikan si Bella na mukhang naghihintay ng sasakyan sa tapat ng building ng condo nila. Ayaw niya sana ng pasakayin ang babae dahil parang namimihasa na ito sa pagsakay-sakay sa sasakyan niya. Gayunpaman, sinunod niya ang kung saan siya mapapalagay. Umikot ang sasakyan niya para balikan ang babae. Pero hindi pa siya nakakalapit dito isang dilaw na sasakyan na ang pinasukan nito. Nakakunot-no si Kai kung sino ang may-ari ng dilaw na sasakyan. Nakaramdam siya ng inis. Nag-alala pa man din siya na baka walang masakyan ang babae kaya niya ito binalikan. Iyon pala, nag-aabang ng sundo. Nilagpasan niya ang dilaw na sasakyan at dahil hindi naman tinted ang sasakyan nito, nakita niya na tumatawa si Bella pati na ang lalaki sa elevator ng nakaraang gabi. Mas dumoble ang inis ni Kai. Nasabihan niya na kasi si Bella na mag-ingat ito sa mga pagkilos nito bilang girlfriend niya. Pinaharurot na lang niya ang kotse hanggang sa eskwelahan. Napansin ni Bella ang sasakyan ni Kai na nag-overtake sa sasakyan ni Ken. inambaan niya ang sasakyan ni Kai mula sa likuran. Napansin siya ni Ken. "Is that your boyfriend's car? LQ kayo ngayon?" nakangisi na tanong nito. "Hindi kami LQ dahil hindi naman talaga kami." sabi niya dito. Naikwento niya na sa kaibigan kung ano talaga ang status nila ni Kai. "But I can really tell na gusto ka niya." Napalingon si Bella bigla sa kaibigan. Si Kai may gusto sa kanya? No Way! Baka gustong sakalin pwede pa. "Hay naku friend, I don't believe you. kasing-tigas ng bato ang puso ng taong iyon. Halos kulang na nga lang sabihin sa akin na burahin ko yung picture niya sa timeline ko. Hmp!" Ayaw niyang umasa. Mahirap nang mainlab tapos masasaktan sa huli. Pansin niya na mabenta si Kai sa kababaihan at sigurado na magkakaroon lang siya ng sakit ng ulo. "Hindi ko siya nakikita right now but I can feel that he is jealous." "Haay, kanina ang ganda ng usapan bakit biglang napunta sa kanya?" reklamo niya. Tumawa si Ken. "Let's bet? Sigurado ako na may gusto sa iyo ang boyfriend mo, tulad nga ng sabi mo kasing tigas siya ng bato kaya hindi pa siya umaamin." Inikutan niya ito ng mata. Kilala niya bilang babaero ang kaibigan pero tanging kapatid lang ang turingan nila sa isa't isa. Noon pa man alam niya na may gusto ang lalaki kay Maya, ang kapatid niya sa ama pero hindi naman ito sinusuklian. Isang kilalang aktor ang Daddy ni Bella pero hindi alam sa publiko na anak siya nito. Tanging ang Pamilya lang ng Daddy niya ang nakakaalam tungkol sa pagkatao niya bukod sa Mommy niya na may asawa na rin na iba at kasalukuyang nasa ibang bansa. Ang unit na tinitirhan niya ay pag-aari ng Daddy niya na binigay nito sa kanya ng lihim sa pamilya nito. She learned about Cally because MGM manages her Dad.  Naputol sa isipin si Bella nang huminto ang sinasakyan niya sa tapat ng school. "Pa'no, uuna na ako. See you later." sabi niya kay Ken. Isang saludo ang sinagot nito sa kanya bago umalis. Tumuloy lang siya hanggang sa klase. Late na siya. "Sorry Ms. I'm late." Nakasimangot ang instructor niya pero pinatuloy pa rin siya nito. Pagpasok niya sa klase hindi akalain ni Bella na may bago siyang problema. Kampante kasing nakaupo si Kai sa tabi ng upuan niya. Nilingon niya si Oscar na talagang katabi niya na napunta sa likuran malapit sa basurahan. Kumunot ang noo niya at nilipat ang paningin kay Kai. Pinaalis kaya nito si Oscar sa upuan? Umupo siya sa pwesto niya sa tabi ni Kai. Sabay ng pag-upo niya ang paglapag nito ng notes nito. "Simulan mo nang mag-take ng notes for me." "Why?" bulong niya dito. "Because you are my girlfriend. Nakalimutan mo na?" "Hmp! Kabago-bago, Bully" bubulong-bulong sa sarili si Bella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD