CHAPTER 42 - Popular Guy

1481 Words
MATAPOS ang klase ay dumeretso si Prin, Kai at Bella sa isang Bubble Tea House na nasa tapat ng school. "Naguguluhan ako. Bakit bigla mong naging boyfriend si MB5? I mean, si Kai?" Panimula ni Prin kay Bella habang inutusan niya si Kai na umorder ng Milk Tea. Nakayuko si Bella at hindi maiangat ang ulo. "‘Yung ex-boyfriend ko kasi Prin. Ginugulo pa rin ako. sinabi ko na pinagpalit ko na siya sa iba. Naghanap ako ng picture sa internet at nagustuhan ko ‘yung picture niya." Bulong nito sa kanya habang nakatingin kay Kai na naiinip sa pila. Halatang iritable ang lalaki dahil ang babagal ng crew. Makahulugan naman ang tingin ni Prin kay Bella. Nginisian niya si Bella. "Oh! So, nagustuhan mo?" "Y-yung picture." Mariin na sabi nito. "Yes. I am talking about the picture." Nakangisi si Prin. Lumingon si Kai sa gawi nila na matalim ang tingin at agad na nagtakip si Bella ng mukha at halos magtago sa mesa. Naaaliw si Prin. "Huwag kang matakot kay Kai. Ako na ang nagsasabi sa 'yo na bukod sa walang girlfriend iyan, lamang iyan ng sampung paligo sa ex mo" "Kaya lang mukhang masungit!" Sagot ni Bella. Naniniwala siya na lamang na lamang ang lalaki sa ex niya. Kaya nga ito ang napili niya na maging 'boyfriend' Napaisip si Prin. Noon niya lang napansin na masusungit ang mga kasama niya sa Dark Guards. Si Cally na nangunguna sa listahan ng masungit, si Lorenz ay masungit din. Si Kai ang pumapangatlo sa kasungitan. "Alam mo Dear, naniniwala ka ba na si Master Cally ang pinaka -masungit? pero napa-amo ko siya..." Tinapik-tapik niya ito sa balikat.  "...Kaya kapit lang, maiinlove din iyan sa iyo"  "S-sinong mai-inlove?" Biglang namula ang pisngi nito. Nakabalik na si Kai na may bitbit na tray. May laman itong tatlong baso ng milktea.   "Mga order niyo mga prinsesa." Tila hindi interesadong sabi nito. "You?!" Hinarap ni Kai si Bella. "Anong palabas 'yung kanina?" Matigas na tanong ni Kai. Napalunok si Bella. Hindi niya pwedeng i-delete ang picture dahil siguradong hahanapin iyon ng ex-boyfriend niya. Mas maganda pa nga na aktwal na nasa harap niya ang lalaki sa larawan para hindi isipin ng iba na gumagawa siya ng kwento.  Bukod pa doon, napakilala niya na ang lalaki bilang boyfriend. Wala siyang choice kun'di pakiusapan ito na ipagpatuloy kung ano ang nasimulan niya. Nagsinungaling man siya, okay na iyon kaysa naman bwisitin siya ng ex-boyfriend niya. "M-magpasalamat ka nga na natipuhan kita bilang boyfriend ko."  Nagtaas ang kilay ni Kai. "Ah! at kailangan magpasalamat ako?"  Naputol sila sa usapan dahil may lumapit na dalawang babae dito na halatang sa parehas na school nila nag-aaral. "Kyah! Pahingi naman ng number mo, o" sabi ng isang babae na halatang kinikilig. Hindi ito pinansin ni Kai.  "Kyah na pogi, sige na" sabi ng isa. Pinukulan ni Kai ng nakakatakot na tingin ang dalawa kaya bigla itong napaatras at umalis na. "Sungit pala" bubulong bulong na sabi habang palabas ng tea house. Humarap sa kanya si Kai.  "Alam mo Prin, what kind of school is this place? 'Yung mga babae, parang ngayon lang nakakita ng lalaki. ‘Yung mga lalaki naman, bully." Tumingin ito kay Bella.  "And don't forget that we have a liar here." Halata sa mukha nito ang disgusto.  Iniisip ni Kai kung paano niya ma-eenjoy ang pagtigil niya sa Maynila kung unang araw pa lang ay gusto na niyang bumalik sa Camp. Natawa si Prin sa aksyon ni Kai. Hindi pa rin nagbabago ang leader nila. Nasanay kasi ito sa Camp nila at walang ginawa ang lalaki kun'di mag-training ng mag-training. Hindi uso dito ang salitang girlfriend o babae lalo na pahinga. Hindi ito nakaranas ng panliligaw. kahit pa maraming Dark Guards, lalo na mga baguhan ang may gusto kay Kai. Halong Taiwanese-Korean ang lahi nito at hindi rin basta-basta ang background ng lalaki. Hardwares ng computers at Cellphones ang business ng pamilya ni Kai na nakabase sa Hsinchu City sa Taiwan.  Ang Lolo nito ang nagpumilit na ipasok si Kai sa trainees ng Dark Guards noon. May lumapit na namang babae kay Kai. "F*ck off!!!!" Angil nito agad. Natatawa si Prin. Bibihira kasi na makalabas ng Camp nila ang lalaki. Akala siguro nito ay puro trainees nito ang nasa paligid kaya ganoon na lang kung mag-sungit. May lumapit muli na bagong pasok. "Kuya, artista ka ba? Pa-picture po." sabi ng bagong pasok na babae na kanina ay napapansin niya lang sa tapat ng tindahan. 'Iba na gwapo!' Napapailing si Prin. Wala na silang maayos na kwentuhan dahil sa mga lumalapit kay Kai. "Kung gusto mo magpa-picture, magpaalam ka sa girlfriend ko!" Singhal nito habang turo si Bella. PINATAWAG si Cally ng Daddy niya sa opisina nito kaya naroon siya sa Building B ng MGM kung saan niya ito matatagpuan.  He met his Mom sa elevator habang paakyat sa palapag kung nasaan ang opisina ng Chairman.  "Ma, hindi ka ba pinapagod ni Daddy? Busy ka na sa bahay, nagtuturo ka pa sa school tapos kailangan mo pang magpunta dito." nag-aalala na sabi niya.  Halata naman na hindi pagod ang Mommy niya at mukha pa ngang energetic kumpara sa iba na nagtatrabaho doon. Hindi niya lang talaga maiwasan na mag-alala.  Makahulugan ang ngiti ng Mommy niya. "Nag-aalala ka sa akin pero kay Prin, hindi? Imagine your wife… Busy rin sa bahay sa pag-asikaso sa 'yo, nag-aaral sa school tapos kailangan din na puntahan ka dito sa opisina to continue your 'love session'." sabi na hindi nawawala ang matamis na ngiti.  "Tsk tsk! What's strange is that you also have this clueless expression around your face. Yes my dear! Namana mo sa Daddy mo ang pagiging possessive niya with his wife." napapailing si Ginny.  "By the way babyboy, your Dad and I will be going to Africa this weekend. Pababantayan ko sa inyo ‘yung kambal. Sa bahay mo muna sila."  Tatangihan sana ni Cally pero inunahan na siya nito agad.  "Oh look! We are here!" sabi nito saka lumabas ng elevator.  'Damn!' hindi na siya nakatanggi dahil umiwas agad ang Mommy niya. Ibig sabihin ay wala siyang choice kung hindi ang patuluyin ang dalawang kapatid sa bahay.  Nakasunod lang siya sa Mommy niya na lumabas ng elevator.  "Hello Drake, tapos na ang meeting ng Master mo?" tanong ni Ginny pagkalapit sa table ng Assistant ng Daddy niya.  "Yes, Miss Gin. Tuloy na lang po kayo sa loob"  Sa hindi malaman na dahilan, ramdam ni Cally na mukhang hindi maganda ang balita ni Master Cloud.  Tumuloy sila ni Ginny na pumasok sa loob. Inangat agad ng Daddy niya ang mukha nito mula sa binabasang mga dokumento nang marinig nito ang pagbukas pintuan.  Lumapit ang Mommy niya dito at hinalikan ito sa pisngi. "Cloud Han, bakit nakasimangot 'yang mukha mo? I'll get you some water mukhang pagod ka na sa trabaho" Kinuha ni Ginny ang tasa na nasa gilid ng malapad na office table, lumayo muna ito at sinalinan ng tubig mula sa water dispenser na nasa loob ng kwarto. Seryoso ang Daddy niya na nakatingin lang sa kanya.  "Why are you calling me Dad?" tanong ni Cally. Sigurado na importante ang kailangan nito base lang sa ekspresyon na binibigay nito sa kanya.  "I asked you to come here because of Mayor Villanueva." panimula ni Cloud Han. Halata agad na hindi siya interesado na marinig kahit ang pangalan ng Mayor.  "Ilang beses na siyang pabalik-balik dito sa opisina at humihingi ng oras na makausap ako. He said you did something to her daughter."  "Pft!" naibuga ng mommy niya ang tubig na iniinom nito sa kasalukuyan. Nabigla si Cally sa impormasyon ng Daddy niya. Akala niya ay wala na sa eksena ang Mayor na iyon, hindi niya akalain na hindi pa pala tapos ang panggugulo nito sa kanya. "Ano ang kwento niya?" halatang iritable at kaunting pagkabalewala kay Cally ang narinig.  "Wait there Cloud Han! and you actually believed it?" tanong ni Ginny na kababalik lang sa table. Ibinagsag nito ang tasa na may tubig.  "Just to clarify, hindi ako naniniwala doon. I just called your son so he can do something about it and to know what exactly happened  during that afternoon."  Alam ng Dad niya na pinatanggal niya sa trabaho ang direktor ng binubuo nilang pelikula dahil nakipag-sabwatan ito sa Mayor.  "Her daughter said you molested her."  Tumiim ang bagang ni Cally. Mukhang hindi siya titigilan ng babaeng iyon.  "Mabuti pa Dad, huwag mo nang pansinin pa ang mag-ama na iyon. Prin was there because I invited her. I can also provide a video for whatever happened in that room. That girl sucks, ni dulo ng daliri niya ay hindi nakalapit sa akin even if she tried to seduce me." "Good. Posible kasi na madamay ang kumpanya kaya kita pinapunta dito. Alam mo naman kung gaano ka-tuso ang Mayor na iyon. It's not surprising kung ilabas niya sa publiko that you raped her daughter or something…" paliwanag ni Cloud. "You already knew that she did something to Prin. I am gathering evidence for all of his criminal activities. Hihintayin ko na lang ang kung ano ang gagawin ng Mayor na iyon at sisiguraduhin ko na babalikan ko siya ng sampung beses." "Ngayon pa lang ay sasabihin ko na Dad na madadamay talaga ang stocks ng kumpanya but I'll make sure to doubled the income afterwards" makahulugan na sabi ni Cally. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD