CHAPTER 43 - Ana's Gift

1595 Words
"BY THE way Kai, can you tell me kung bakit ka nandito sa Pilipinas?" interesadong tanong ni Prin. Nag-excuse si Bella na magpupunta muna ng restroom. "To simply monitor you. Your husband asked me to enrol in that stupid school." tinuro nito ang school sa tapat.  "Sabi niya sa 'kin bantayan kitang mabuti dahil may makulit kang manliligaw at saka may manyak na Professor."  Natahimik si Prin. Hindi niya akalain na pababantayan siya ni Cally. Naawa siya bigla sa lalaki.  Sa isang banda, may ideya siya kung ano ang dahilan at kung bakit ito ang magbabantay sa kanya. Bukod kasi sa malakas at magaling si Kai, mayaman at gwapo din ang lalaki. Tingin niya gusto lang ipamukha ni Cally kay Sean na wala talaga itong sinasabi.  "Hindi mo naman kailangan na bantayan ako. Wala na ang manyak na Professor na sinasabi mo." Naisip niya na mahirap para kay Kai na umalis ng Camp at iwan ang trainees doon.   "Huwag kang mag-alala, gagawin kong makulay ang buhay mo dito sa Maynila. We can play basketball, bolleyball, tennis and so on." sabi niya. Napansin niya na mukhang nakuntento naman si Kai nang mabanggit ang mga laro na gustong-gusto nito. Sakto na nakabalik si Bella sa pwesto nila.  Halatang nag-retouch ng pulbo at lipstick ang kaibigan niya kaya ito natagalan. Nilipat ni Kai ang tingin kay Bella at huminto ang tingin nito dito.  "Bakit? Nagagandahan ka sa akin noh?!" niliyad nito ang dibdib at tila nanghahamon ng away. Hindi naman makapaniwala ang hitsura ni Kai. Napapailing at tinuro nito ang gilid ng labi ni Bella. Namula agad ang pisngi nito. Akala kasi ni Bella ay nanghihingi ng kiss ang lalaki.  "Tsk!" inis ni Kai.  Lumapit siya kay Bella para punasan ang lumagpas na lipstick sa labi nito. "I just don't get it. Bakit kailangan mo pang mag-lipstick kung lagpas-lagpas naman?" Natigil si Bella sa pagkilos nang sumayad ang hinlalaki ng lalaki sa gilid ng labi niya. Ang lapit pa ng mukha nito habang tinatanggal ang pink na lipstick doon.   "Ehem! Sa susunod, magpasintabi muna kayo ha. Pakiramdam ko ay third wheel ako dito." nakangising sabi ni Prin.  Hindi nawawala ang pagkapula ng pisngi ni Bella. Doon lang naisip ni Kai kung ano ang ginawa niya. Inilayo niya agad ang kanang kamay kay Bella. Binalik niya ang tingin kay Prin at tila balewala ang kung ano ang ginawa niya.  "May regalo ka pala mula kay GW10, hinatid ko sa bahay niyo kanina" pag-iiba nito sa usapan. Biglang na-excite si Prin. "Talaga?" naalala niya na may pangako nga pa lang regalo ang kaibigan na si Ana.  "Yes. Hindi ako sigurado kung ano ang laman ng box. Isang kahon iyon."  Naputol sila sa usapan nang mag-ring ang cellphone ni Prin. Tumatawag si Cally. Nagliwanag agad ang mata ni Prin.  "Yes, Husbie?"  "Where are you? Nandito ako sa tapat ng school. Sa bahay na tayo mag-aral." sabi nito sa kabilang linya.  "Okay… Kasama ko si Kai at si Bella. Nandito ako sa tapat na Bubble tea House. Lalabas na ako."  Tiningnan ni Prin ang dalawa.  "Pakihatid si Bella. May stalker siya na ex-boyfriend. Nandito na si Cally para sunduin ako, kaya pinapasa ko kay Bella ang pagbabantay mo. Bye!" sabi lang ni Prin at mabilis na lumabas. Excited na kasi siya na makita si Cally.  Nakaramdam ng inis si Kai. Akala niya kasi ay tapos na ang pagbabantay niya sa araw na iyon. May naiwan pa pala na 'sabit'. "Let's go!" tila iritableng sabi nito saka tumayo at tinalikuran si Bella.  Umakto ng pang-aamba si Bella sa masungit na si Kai. Biglang lumingon muli ang lalaki at nahuli siya nito na nasa ere ang kamao. Umakto agad si Bella na nag-iinat inat at kulang na lang ay umaktong mag-exercise.  Napapailing na tumuloy na si Kai sa paglabas ng Tea House.  NANG makarating ng bahay, excited si Prin na hinanap sa mga kasama sa bahay ang box na iniwan ni Ana.  Nagtataka si Cally kung bakit tila parang bata si Prin na hindi mapakali at unang hinanap ang regalo ni Ana. Gaano ba ka-importante ang regalo na iyon para pag-aksayahan nito ng panahon?  Tiningnan niya si Prin na abot tenga ang ngiti.  'This is not right!' Nakaramdam ng pagkainis si Cally.  'Why is she happy over Ana's gift?'  "Ito na po, Miss Prin." nilapag ng kasambahay ang isang box sa harapan niya. May isang talampakan ang taas ng box.  Inalug-alog muna bago binuksan ni Prin ang box. Nakiusyoso naman si Cally kung ano ang mga binigay ni Ana. Nanlaki agad ang mata ni Prin nang makita ang laman at agad na sinara iyon.  "what are those?" usisa ni Cally.  "No-nothing…"  Inagaw agad ni Cally ang box at binuksan. Sinuri nito isa-isa ang makukulay na laman. Inangat pa ni Cally ang isang piraso ng lace na underwear.  "are these... s*x toys?" tanong ni Cally.  Napakagat-labi si Prin, pinipigil ang sarili na mag-react at minumura niya sa isip si Ana.  Ngumisi si Cally. "Oh! then, let's go and use them all." "U-use your ass! I'm not gonna use them!" angil niya at pulang-pula ang pisngi dahil sa kahihiyan.  "Ehh, earlier, I saw how excited you are. I'm sure it's because you want to try them all." nilabas pa ni Cally ang isang piraso ng green na d***o at winagayway iyon sa harap ni Prin.  Hiyang-hiya naman si Prin. 'Anaaaaaa!!!!'  "DITO KA muna, kukunin ko ang sasakyan ko." paalam ni Kai kay Bella. Ramdam niya na inis pa rin ang lalaki.  Inirapan lang ito ni Bella. 'Parang pinaglihi sa init ng ulo. Mabuti at marunong pa magpaalam. Hmp!'  Pinagmasdan niya ang nakatalikod na bulto ng katawan ni Kai habang naglalakad ito papalayo. Napapansin niya pa na pinagtitinginan ito ng ibang estudyante lalo na ang kababaihan. Mga kinikilig.  Napansin niya rin na may lumapit na naman sa lalaki at hindi nito pinansin. 'Tsk! Hirap maging girlfriend neto' dahil sigurado na magseselos ang kung sino man na girlfriend nito. Isip-isip ni Bella.  Matyaga siyang naghihintay kay Kai nang biglang may humawak sa braso niya, si Josh ang ex-boyfriend niya.  "Hey! Let go of me!" singhal niya dito.  Umismid lang ang lalaki. "Ang swerte ko na natagpuan kita agad. Siguro talagang inaabangan mo na ako agad dito."  Masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng kamay nito sa braso ni Bella kaya napapangiwi siya. "Hinihintay ko ang boyfriend ko kaya ako nandito." Dahilan niya. "sino? ‘yung nasa picture? gagawa ka na nga lang ng kalokohan. ‘Yung hindi pa makatotohanan." Nagagalit na sabi nito sa kanya. Ayaw gumawa ng eksena ni Bella kaya binubulungan niya ang lalaki.  "Bitiwan mo ako!" Mahina pero matigas na sabi ni Bella.  Nabigla na lang si Bella nang may magtanggal ng kamay nito sa braso niya at hinila siya sa likuran, si Kai. "Back off!" Matalim ang tingin na binigay ni Kai kay Josh. Pinag-aaralan ni Kai ang lalaki. Mukhang pipitsugin ang lalaki at hindi maiwasan na mapa-isip siya kung bakit at paanong naging boyfriend ito ni Bella. Nabigla naman si Josh na makita sa akwal ang 'boyfriend' ni Bella. "Ikaw ang bagong boyfriend ni Bella?" Tumingin ng pailalim si Kai. "Ako nga" Akmang tatalikod na ito pero agad ding humarap para suntukin si Kai sa mukha. Nailagan naman agad ni Kai ang lalaki nang yumuko siya. Nasa magkabilang bulsa pa ang kamay nito at parang nabo-boring-an kay Josh. "Walang kwenta" sabi pa ni Kai.  Nag-init ang ulo ni Josh, sinubukan ulit nito na sumuntok pero nakailag muli si Kai at gusto na niyang pagtawanan ang lalaki.  "Missed again!" Si Bella sa tabi ay napabilib kay Kai. Gusto niya nang bigyan ng award ang lalaki. 'Most-impossible-Boyfriend Award.'  Dahil sa pagka-inis ni Josh, sunud-sunod ang suntok na ginawa nito kay Kai, nailagan naman nito ang lahat ng iyon. Dumeretso ang huling suntok nito sa mukha ng kalalabas lang na kainan, katabi ng tea house --si Sean. Dumilim ang tingin ni Sean at ginantihan din ng suntok si Josh sa mukha bilang ganti. Nag-init din ang ulo nito, hanggang sa ang dalawa na ang nagpalitan ng suntok sa isa't-isa.  Tila hindi na interesado pa si Kai kaya hinila niya si Bella at pinapasok sa nag-aabang na sasakyan.  Namangha si Bella sa sasakyan ni Kai, lalo na sa loob nito. Isang Lotus Elise cup 250 iyon. Bigla niyang nilingon si Kai. Akala niya kasi ay ordinaryo lang ang lalaki.  "You owned this car?" Hindi makapaniwala na tanong ni Bella. "Why?" Tanong ni Kai saka sinimulan na paandarin ang kotse. "No-nothing…" pinigilan niya na magsalita. alam ni Bella na mahal ang kotse na iyon. Naintriga tuloy siya sa pagkatao ng lalaking katabi. "Saan kita ihahatid?" Tanong ni Kai.  "Blue City Condo Tower. I owned a unit there." Simpleng sagot ni Bella. Naging seryoso ang mukha ni Kai, paano kasi ay doon din siya nakatira sa kasalukuyan.  Hindi siya pwedeng tumira sa bahay ni Prin at Cally, pero pinapili siya ng huli kung saan niya gustong tumira at napili nga niya ang Blue City Condo Tower. Pagdating sa lugar, nagtaka pa si Bella kung bakit paakyat sila sa parking ni Kai pero hindi siya nagtanong. "Siguro naman ay safe ka na dito." Sabi nito sa kanya. Ayaw pa sanang lumabas ni Bella ng sasakyan nito na sobrang bango. Kung pwede nga lang na doon na siya tumira sa loob ng sports car nito. Napilitan siyang lumabas at nagpasalamat dito. Nararamdaman niya na sumusunod sa kanya si Kai. 'Gosh baka gusto niyang malaman kung saan ako nakatira.' Sabi niya sa sarili. Kung anu-ano ang naiisip ni Bella Hanggang sa makatapat na sa elevator at pati sa palapag kung saan siya nakatira. Binubuksan niya na ang susi ng pinto, pinakikiramdaman pa rin niya ang lalaki sa likuran.  Naisipan niyang lingunin ito para sabihin sana  na maayos na siyang nakarating sa tinutuluyan niya at maaari na itong umuwi. "Kai Jeon Jang, you don't have to do… this." Agad na umatras ang dila niya dahil nabuksan na nito ang pintuan sa tapat na unit. "D-d'yan ka nakatira?" Tanong ni Bella na halatang hindi makapaniwala. "I don't accept visitors. Thanks!" Masungit na sabi lang nito sa kanya at saka siya sinaraduhan ng pintuan. Naiwan si Bella na nakanganga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD