CHAPTER 44 - Pay the Bill

1686 Words
ALAS syete ng gabi… Nasa White Devil Bar si Luna kasama ang kaibigan niyang babae na bagong dating mula sa Amerika. Inaya siya nito na mag-unwind dahil bukod sa namimiss na nito ang Pilipinas, nabalitaan din nito ang nangyari kay Luna. "I heard from Uncle Mayor na kailangan mo nga daw ng kasama." Sabi nito bago sinipsip ng kaunti ang margarita nito sa harapan. "Yes, I am so happy that you are here, Janice…" "...There is a new girl in my school na masyadong pabibo. I really hate her dahil halos inagaw niya sa akin ang lahat. I am a Mayor's daughter, the one and only Princess in this City and she was just a commoner." Halata pa rin kay Luna ang galit kapag naaalala ang maamong mukha ni Prin. Nang mga nakaraan ay inaabangan niya na paalisin si Prin sa school dahil sinaktan nito ang Professor ng school. The students are cursing Prin and they want her to leave the school.  Kaya matiyaga siyang naghihintay na mabura ang pangalan nito sa school registry nila. Pero sa hindi niya malaman na dahilan, dumoble pa ang mga estudyante na bumait sa dalaga. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga regalo na binibigay ng mga ito kay Prin.  Samantalang siya, si Luna na anak ng Mayor ay ni hindi man lang nakaranas ng ganoon sa mga ito. Kaya lalo siyang nagagalit kay Prin.  Ano pa, ni hindi man lang pinansin ni Master Cloud ang hiling niya na makausap ang pamilya nito. Pakiramdam niya ay natapakan masyado ang ego niya.  Katulad ng sabi ng Daddy niya, aabangan nito ang sagot ni Master Cloud. Kapag wala pa rin silang makuhang sagot, ilalabas nila sa media ang nangyari.  Naghanap na siya ng tao para burahin ang CCTV sa restaurant nang araw na iyon at sinabi nga nito na deleted na ang file ng CCTV at maari na siyang makahinga ng maayos.  Kaya alam niya na walang magagawa ang pamilya ni Cally kung hindi ang panagutan siya. Dalawa lang silang tao sa kwarto na iyon kaya walang witness. Isa pa, laging nasa babae ang pabor kapag usaping pangmo-molestiya. Nakikini-kinita niya na ang sarili na makasama si Cally sa bahay nito. Ayos lang sa kanya kahit hindi muna siya mahalin ng lalaki, pasasaan ba at magugustuhan din siya nito. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng interes sa lalaki. Isang pangarap kasi si Cally sa pananaw niya. Ang awra nito na parang Prinsipe. Sa paglakad, sa pagsasalita, kahit sa pag-upo at pagsubo ng pagkain. Lahat-lahat ng kilos ay aral. Sa gilid ng mata niya ay natanaw niya si Prin na bagong pasok sa White Devil. Ngumiti ito sa Waiter at kinausap iyon. Sa tingin ni Luna ay iinom din doon si Prin. "Look who's here? That is the girl we are talking about." Nakangiti si Luna na parang maldita habang turo sa kaibigan na si Janice ang kapapasok lang na babae. Napangiti rin si Janice at nakaisip ng hindi maganda.  Kinuha nito ang kopita ng margarita na limang libo ang halaga at sinalubong si Prin na papuntang opisina ng Daddy niya. May pinapakuha kasi na files si Rob, ang Monthly report sa Bar na iyon. Nagpahatid siya kay Cally na kasalukuyang naghihintay sa kanya sa sasakyan nito. Nagulat si Prin dahil binangga siya ng babae, agad siyang nakaiwas dito. Pero tumapon pa rin sa mamahalin na damit nito ang inumin na bitbit.  Nagtataka si Prin sa reaksyon nito. Inisip niya na baka lasing na ang babae kahit alas syete pa lang ng gabi.  "Miss, Are you okay?" Tanong niya dito. Nagulat siya nang bigla siya nitong sininghalan. "You are so idiot!!! Alam mo ba kung gaano kamahal itong suot ko? Hindi mo ito basta-basta mababayaran!" Galit na sabi ni Janice. Manghihingi sana ng paumanhin si Prin pero nakalapit na si Luna dito. "Janice are you okay?" Hinarap agad siya ni Luna at halata ang disgusto sa mukha nito. "You are so clumsy!" Tahimik lang si Prin at clueless sa nangyayari. Gusto niyang manghingi ng sorry pero galit na galit sa kanya ang dalawa.  Tiningnan siya ni Janice mula ulo hanggang paa. Isang simpleng babae at naniwala ito kay Luna na isang ordinaryong mamamayan lang si Prin. Nakashort lang kasi si Prin, snickers, simpleng puting Tshirt at naka Cap pa ng Mickey mouse. "Bayaran mo ang damit ko pati ang alak na ininom ko. Hmp! Siguradong wala kang pambayad."  Lumapit si Zico sa kanila, ang manager ng White Devil branch na iyon at kakambal ni Zuki.  "Miss, ano pong nangyayari?" Tanong nito kay Janice. Mabuti at hindi pa ganoon karami ang customers dahil medyo maaga pa. "Paalisin mo ang babaeng iyan, sigurado na wala siyang pambayad dito. Look at her, kailangan na pabayaran mo sa kanya ang bill namin! Tinapon niya ang mamahalin na alak na iniinom ko tapos nasira pa ang damit ko! Maglabas ka na ng pera at bayaran mo ang Bill ko!" Napatanga si Zico sa pahayag ng babae. "Yes, Get out of this place kung wala ka namang pambayad!!!" dagdag pa ni Luna. Napangiti si Prin. May ideya na siya na mukhang binu-bully siya ng dalawang babae kaya wala siyang nagawa kung hindi ang makisakay sa mga ito. NAGULAT si Zico sa mga pahayag ng dalawang babae na gusto ng mga ito na paalisin si Prin.  "Miss, she doesn't need to pay" sagot ni Zico. "No! she has to pay my dress and our bill!!! Kung hindi siya magbabayad, tumawag kayo ng pulis dahil wala siyang perang pambayad dito sa Bar niyo!" Galit na sabi ni Janice. Magsasalita pa sana si Zico, pero pinigilan ni Prin. "Paano na iyan? Wala talaga akong pera. I don't have any cash or credit cards in me. I remember na nagpupunta lang ako dito. Then, wala pa akong nabayaran ni piso sa mga nainom ko na wine or champagne." Napapaisip si Prin.  "See? Siya na mismo ang umamin na tinatakbuhan niya ang bill niya dito, Mr. Manager." Isang simpleng babae lang kasi talaga ang tingin ni Janice kay Prin. Karamihan ng nagpupunta sa lugar na iyon ay may sinasabi sa buhay. Napatulala si Zico at hindi alam ang sasabihin. Kailangan ba na magbayad si Prin sa mga iniinom nito kung anak ito ng Boss nila na may-ari? Nakagawa na sila ng atensyon sa ibang mga parokyano. "Pay the Bill ang get out of here!!! Siguro, you are trying to seduce someone, ‘yung mayaman at mapera kaya ka nandito. You are slut!" punong-puno ng pangmamaliit ang tono ni Janice. Nag-iinit na ang ulo ni Zico dahil sa pahayag ng babae. "Miss, I think you should go." mahinahon na sabi ni Zico.  Iritable na siya sa dalawang babae. Bukod sa umaagaw na sila ng atensyon sa ibang parokyano, sinisigawan pa ng mga ito si Prin. Kapag nalaman ni Rob ang ginawa ng mga ito, siguradong pati siya ay mapaparusahan.  Akala naman ni Luna at Janice ay si Prin ang tinutukoy nito kaya natuwa ang dalawang dalaga. Wala namang makita na emosyon sa mukha ni Prin at tamang naghihintay lang na umalis ang dalawa.  "Narinig mo iyon? Get out of this place at huwag ka nang babalik pa!" sabi muli ni Janice.  "I'm not talking about her. I am talking about you two!" inis na sabi ni Zico. Nagulat ang dalawang babae. Never pa silang nakaranas na paalisin ng kahit sa anong Bar.  "Gumagawa kayo ng eksena dito at nadadamay ang business namin kaya mabuti pa ay umalis na kayo." dagdag ni Zico. Tumawag na siya ng bouncer para paalisin ang dalawa. "Bakit kami ang aalis? May pambayad kami! Siya itong walang pambayad!!!" galit ni Janice. Paanong nangyari na ang mukhang naliligaw lang sa lugar na iyon ang pinapaburan ng Manager. "It doesn't matter if she doesn't have any pennies. Tulad nga ng sabi ng Miss, wala pa siyang nabayaran kahit piso."  "See? See? Wala siyang pambayad! Kami ang meron!!! Bakit kami ang aalis?" si Luna.  Nakakahiya sa mga customer lalo at may mga nagvi-video pa. Kapag pinaalis sila doon, wala na siyang mukha na maihaharap dahil bilang anak ng Mayor, sigurado na laman siya ng balita kapag pinaalis siya doon sa White Devil ng Manager nito.  "it's because she owns the place, you idiots!" naiinis na si Zico.  Nanlaki ang mata ng dalawang babae lalo na si Janice. Ang simpleng babae sa harapan niya ang may ari ng White Devil? Ilan ang White Devil na meron sa buong mundo at pag-aari nito ang lahat ng iyon? Napag-alaman niya noon pa man na hindi nagbebenta ang White Devil Bars kahit na shares lang nito, kaya lahat ng White Devil na meron sa buong mundo ay iisa lang ang nagmamay-ari at nagpapatakbo -- si Rob Matsui. Masama ang tingin na pinukol niya kay Luna na halatang nagulat din. Hindi napakali si Luna lalo at mas masama ang tingin na ipinupukol sa kanilang dalawa ni Janice mula sa ibang mga umiinom sa lugar.  "Gosh… I can't believe these two girls"  "True, para na rin nilang pinapaalis sa loob ng bahay ang may-ari talaga ng bahay."  "si Ateng girl, akala mo naman mahal talaga ‘yung damit, mukhang imitation naman."  "Looks like she is Mayor Villanueva's daughter."  "Really? Masama pala ang ugali ng anak ni Mayor." Nagtatawanan pa ang iba habang nakatingin kay Luna at Janice.  "J-Janice…" nakaramdam ng panliliit si Luna mula sa ibang tao doon, lalo't puro socialites at celebrities ang umiinom sa lugar na iyon.  Inis na lumakad papalabas si Janice. Mukhang banned na siya sa kahit saang White Devil Bar. "Hey! You two!" tawag ni Prin. Napatigil ang dalawang babae at muli siyang nilingon.  "Ehh.. Zico, nagbayad na ba iyang dalawa?"  "Hindi pa Miss"  Hinarap ni Prin ang magkaibigan.  "O, hindi pa daw kayo nagbabayad. Wala rin ba kayong pera kaya aalis na lang kayo ng walang bayad? Zico, Exclusive member ba ang dalawang iyan para umalis na lang basta?" pang-iinis ni Prin.  "No, Miss Prin" sagot ni Zico.  Kapag exclusive member kasi sa White Devil . Monthly billing ang bayad sa Bar. Unlimited drinks and snacks kapalit ng sampung milyon na bayad kada buwan at kada member. Matalim ang tingin na ibinalik sa kanya ng dalawang babae. Kinuha ng mga ito ang mga wallet at naglabas ng lilibuhin.  "Keep the change!" galit na sabi ni Janice at taas noo na lumabas ng lugar.  Natatawa si Prin ng lihim. Hinarap niya ang ibang customers.  "Sa ibang customers, pasensya na kayo sa istorbo. We will give two bottles of beer every customer ng libre bilang pasensya." Natuwa at nag-palakpakan naman ang mga parokyano. Nakanood na sila ng magandang palabas, may libre pang alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD