Pagdating ni Selena sa Mansion mabilis na pinarada ni selena sa garahe ang kanyang sasakyan at umikot siya sa likod para doon pumasok sa pinto sa kusina.
Ganon ang trabaho ni Selena pag tumatakas siya doon siya dumadaan sa likod!
Nang makaapsok na siya ay dahan dahan siyang humakbang papunta sa hagdan para makapanhik sa kanyang silid na nasa ikalawang palapag ng mansion.
Paakyat na siya ng biglang!!!
"Selena! where have to been?" Matigas at galit na boses ng kanyang ama na nasa likuran!
"Paano na andito na siya eh wala pa ang sasakyan niya sa garahe? " tanong ni Selena sa kanyang sarili ng pabulong.
"Da'dad.... I... love... you..." malambing at nagpapacute na bigkas ni selena sa ama ng nilingon niya ito.
"Selena! di mo ako makukuha sa pacute cute na yan! saan ka na naman nanggaling at tinakasan mo pa talaga ang bodyguard mo?"
Galit na tanong ng kanyang ama!
" Dad, please wag ka ng magalit! Promise huli na to' napasubo na kasi ako kay derik Bobby eh hindi ko na mahindian. But I promise na huling phootoshoot ko na yon and i told them that i quit!"
Paliwanag niya habang nakayapos sa ama kayat medyo kumalma saglit ang ama.
"Talagang last na yan Selena dahil ipapadala kita sa US para magtanda ka!" Banta ng kanyang ama!
" No! ayaw ko doon dad, subukan niyo akong ipadala doon at maglalayas talaga ako promise!"
Sagot ni Selena habang nagpapadyak ang mga paa na parang bata!
" Wag mong inuubos ang pasensiya ko Selena! I will hired a new driver body guard mo and this time i will make sure na mapuputol na yang sungay mo!" Huling salita ng kanyang ama at tumalikod na!
"Ok fine di mag hire ka at tatakasan ko ulit!" bulong niya ng tumalikod na rin at umakyat na sa hagdan papanhik sa kwarto!
"Senator andiyan n po yong mag aapply na driver bodyguard ni ma'am Selena." bungad ng secretary ni Senator ng pumasok ito sa kanyang opisina.
"Ok good' let him come in". sagot niya habang nakatingin parin sa binabasa niyang news paper.
Maya maya may pumasok na sa opisina.
"Good morning po Senator' sir!" at nagsaludo pa ang isang to!
"Good morning' so what's your name boy?" Deretsahang tanong ng Senador sa kanya.
"I am Sebastian Ali sir, 28 years old from Tondo Manila, Criminology undergraduate hanggang 3rd yr college lang po inabot ko!"
Pakilala ni Baste sa kanyang sarili..
Tiningnan naman siya ng mabuti ni Senador Inriquez mula ulo hanggang paa at nakahawak iton sa kanyang baba!
" Alam mo bang kong hindi ka lang nerekomenda ni Hepe na kumpari ko ay di katangap tangap yang itsura mo! At di ba nasabi sayo ng kumpare ko na anak ng Senador ang babantayan mo dika man lang nagbihis ng maayos!"
Ninong kasi ni Baste ang Hepe sa tondo kaya malakas din ang loob niya na manghuli ng mga barumbado at kawatan dahil sagot siya ng ninong niya pero ganon paman hindi naman yon ang dahilan ni baste ayaw lang talaga niya sa maling gawain lalo na ang nanlalamang ng kapwa!
" Pasensiya na po Sir' diko po alam na kailangan pala magbihis nag maayos na damit at wala na man po akong ganun, ganito na talaga ang ayos ko sa araw araw." Pangangatwiran ni Baste dahil naka ripped pants lang kasi siya at nka polo shirt ng kulay blue tapos naka rubber shoes.
"Para kang mag aapply sa construction!" dagdag pa ni Senator!
Napakamot lang ng ulo si Baste dahil sa sinabi ni Senator Inriquez!
" Sege susubukan kita sa loob ng isang buwan, 20,000 ang magiging sahod mo libre load at pagkain, magiging duty mo ay friday to saturday! Sunday pwedi kang mag day off pero twice a month lang. Alas 5 ng umaga dapat nasa bahay kana at sa gabi kong kaylan uuwi ang anak ko ay dun na ang uwi mo, pero pag lumampas ng alas 5 ng hapon ang uwi niyo my overtime fee kana 500 per hour! Kung saan ang anak ko ay dapat andun ka rin pag hindi ka matakasan ng anak ko within one month tanggap kana!
After one month na ok ang lahat dadagdagan ko ng another 5,000 ang sahud mo with complete benifits kaya daapt may SSS, Pag-Ibig at Philhealth kana, My ibibigay din akong motorsiklo sayo magiging service mo pag uuwi ka sa bahay mo pwede ka rin mag stay in after one month kong gustuhin mo!" mahabang paliwanag ni Senador.
"Pumunta ka sa secretarya ko at ibibili ka niya ng damit na nararapat mong suotin, hindi yang ganyang... hay' mga kabataan talaga ngayon!"
Turan ni Senator na pa iling iling!
"You may go now!" dagdag pa nito".
Yumuko na rin si Baste tanda ng pagalang at tumalikod na.
Paglabas niya ng pinto papunta sa table ng secretary ni Senator ay sakto ding my nakasalubong siyang babae!
" Wow' kiliit ba naman ng mundo!" mahinang bigkas niya.
" You!!!" sabay turo ni Selena sa kanya! pati ba naman dito makikita ko yang pagmumukha mo?" Duro ni Selena sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa na nakataas pa ang isang kilay!
"Magandang araw magandang binibini" bigkas ni Baste na nakangisi!
"Mawalang galang na po pero ako ang nauna dito kaya malamang ako ang sinusundan mo!"
" At sasagot kapa antipatiko!" pagalit na bigkas ni Selena na itinaas ang kanang palad akmang sasampalin ang lalaki ng biglang lumabas si Senador sa pinto!
" Selena! umiral na naman yang pagka brutal mo!" sabay tingin ng masakit kay selena at napalipat naman ang tingin niya sa magiging bagong body guard ng anak!
" At parang magkakilala na kayo?" paninigurong tanong ni Senator.
" Ngakasalubong lang po kami kahapon Sir' pero hindi nagkakilala!" sagot ni Baste..
"Ok.. yaman lang din at nandito kana Selena I'd like you to meet Sebastian Ali your new Driver Bodyguard!"
"What?" tanong ni Selena na may pagka gulat!
" But daddy' i don't need a bodyguard! kaya ko ng sarili ko at kong bibigyan niyo parin ako bakit tong antipatikong ito pa? Ne-ver daddy!"
Maktol ni Selena habang nakatingin kay Baste na tila lalamunin na ang lalaki sa galit pero nakangisi lang ang lalaki dahilan kayat lalo siyang mainis!
"Nag usap na tayo Selena may isang buwan si Sebastian para patunayan na kaya ka niyang protektahan at hindi matatakasan! Pag nabigo siya automatic padadala kitsa sa Amirika at ikaw!" sabay turo kay baste. "Mawawalan ka ng trabaho, kaya pag butihin mo! Ikaw ng bahala paano mo pasunurin yang brat woman na iyan basta wag lang masaktan!"
Paalala pa ni Senator!
" Lila' pumunta ka muna sa mall, isama mo yung driver ko at bumili ka ng 5 pares ng damit para kay sebastian! Here's the money at ibigay mo lang yan mamaya sa driver para madala sa bahay". Sabay abot ng siguroy nasa sampong libo sa secretary niya!
Samantalang si Selena ay tumataas parin ang kilay at tinititigan ng masakit si Baste ngunit di siya pinansin ng lalaki kaya lalo siyang naiinis!
"Ikaw Sebastian mag uumpisa na ngayon ang trabaho mo pag alis ni Selena dito sa opisina ko ay dapat magkasama na kayo!
"And you" sabay turo kay Selena, "remember what I said, makipag cooperate ka at maging mabait sa bodyguard mo oh papadala kita sa U.S! Maiwan ko na kayo may meeting pa ako!"
Paalam ng Senador at deredretso ng uamlis papunta sa elevator!