"Itaas konti ang chin....
ayan,, smile yong half lang then liyad at hawak sa kapartner mo ang left hand and itaas ang sakong na right.. and... click! then reverse... and click!
Ayan na perfect!!"
Sigaw ng director sa photographer na kumukuha kay Selena dahil nasa photoshoot siya ng isang magazine.
"Bravo!!!!!! Galing Selena the best ka talaga! Ang bilis ng pictorial pag ikaw ang model.." Papuri ni Derek Bobby sa kanya!
" Of course naman me pa ba derek?" sabay turo ni Selena sa kanyang sarili!
But remember last na to' ayaw na ng Daddy na mag model pa ako eh, focus daw sa business hayssss kakainis!" maktol ni Selena!
" Sayang talaga my dear namamayagpag na sana ng carrier mo ngayon ka pa papatigilin ng dad mo, hays si Senator talaga! "
Panghihinayang din ng baklang si Bobby!
3 taon palang si Selena bilang isang Model, at madami na siyang commercial sa tv at ilang taon na rin magazine cover ng isang sikat na inumin, mga damit at sapatos!
Naging magazine cover na rin siya sa ilang fashion magazine sa ibang bansa gaya ng France at Austria. May nag offer na din sa kanya na gawing lading lady sa isang pilikula hindi lang pinayagan ni Senator Inriquez ang ama niyang number one senator sa bansa!
"Derek I'll go ahead see you nalang sa launching"...
Paalam ni Selena sabay beso beso sa bakla!
"Okay dear.... see you soonest!" at kumaway kaway pa ang bakla ng sumakay na si Selena sa Sports Car niya..
Mag isa lang kasi siya ngayon dahil tinakasan niya ang bodyguard niya na itinalaga ng kanyang daddy sa kanya!
For sure masisisanti na naman yon! Ilang driver body guards niya na ang natanggal sa trabaho dahil natatakasan niya!
"Peeep....peeeeep...peeeeeep!!!" malalakas at sunod sunod na busina ng mga sasakyan dahil da trapik.
"O s**t mauunahan pa yata ako ni daddy sa bahay! Lagot ako nito!" pabulong ni Selena habang nagmamartsa ang kanyang kotse nag biglang!!
"Bog!!!!"
Malakas na lagabog ng kotse niya sa likod parang may tumama na kung anu!
Tiningnan niya sa side mirror at nakita niya ang isang lalaki na my sinusuntok sa likod ng kotse niya at sumandal na ang taong iyon sa kanyang latest model na sports car worth 7.5 million lang naman!!
Napataas ang kilay niya ng makitang tila gigil na gigil ang lalaki sa kaaway nito at di pa umuusad ang mga sasakyan kaya agad siyang bumaba pero nilock niya ang pinto ng kotse mahirap na baka ma budol siya. My voice command ang kotse niya at tinig niya at finger print ang nakakapagpabukas nito!
"Hey you!!! my car is not a boxing ring! you know how much its costs para gasgasan lang ninyo sa pag babasagan ninyo ng mukha?"
Sigaw ni Selena na galit na galit!
Napaangat na man ang mukha ng lalaking nanbubugbog sa isa at binitawan yung binubogbog niya na tila kahit gumapang di na magawa!
"Hi miss' alam mo bang tong P*t**g inang ha**p na to ay magnanakaw? At kaya ko binubogbog dahil hinipuan pa niya ang ninakawan niya!!"
" So what? I don't care and none of my business! So get lost or I will call a cop and both of you will put in jail!"
Sigaw ni Selena na nagkasalubong na ang kilay!
" Hoy miss englisera tigilan mo ako kaka english mo dahil hindi kita maintindihan!" Pasigaw din na sagot ni Sebastian!!
"Sayang ka maganda ka sana, bagay ka sa kagwapuhan ko pero parang di bagay ang ugali mo sa mukha mo!"
Madiing Sambit ni Baste na nilapit pa ang mukha sa mukha ni Selena kaya nagtama ang mga tingin nila.
Natigilan sila pareho!
Si Selena habang tinitingnan ang mga mata ni Sebastian dahil bukod sa Black Eyes nito at bilog n bilog ang mata ay mataas ang pilik mata nito at makapal ang maiitim na kilay!
Matanhos ang ilong at moreno, may katangkaran din ang lalaki nasa 5'8". May dugong Arabo kasi si Basti dahil anak siya ng kanyang ina sa anak ng amo nito dati sa Saudi.
Kung marunong lang sana mag ayos itong si Baste ay siguradong dudumugin ito ng mga babae kaso mahilig sa maong pants na faded o minsan naman naka maong short lang na hanggang binti ang taas tapos laging nkasando lang ng maluwag na kulay itim, bihira lang din magpagupit ng buhok at mag ahit. Laging naka stenelas at may nakasampay pang maliit na tuwalya sa batok!
Si baste naman ay napatingin sa maamong mukha ni Selena, manipis na mapupulang labi, matangos pero maliit na ilong, pabilog na mukha at makinis na makinis! Maganda din ang natural na pilikmata!
"You' gwapo? haha,, are you dreaming? Look at yourself in the mirror o baka wala kayong salamin sa bahay niyo punta ka sa luneta at manalamin sa tubig doon sa fountain!"
Nakataas kilay na saad ni Selena.
"Hoy ano ba kayo kong my LQ kayo wag sa kalsada! trapik na nga haharang harang pa kayo sa daan!" Sigaw ng isang motorista na nakasunod sa sasakyan ni Selena! Umusad na pala ang mga sasakyan at di niya namalayan yon!
"Oh miss mayabang na masungit nakakaharang na yang sports car mong ipinagmamalaki, baka pweding dumeretso kana at dadalhin ko pa sa presinto itong magnanakaw na ito!" Sabi ni Baste habang hinahawakan sa kwelyuhan ang binugbog niyang halos di na makatayo!
"Whatever! you ruined my day!
Grrrrrrr pag ako naunahan ni daddy sa bahay babalikan talaga kita!" sigaw pa ni Selena na dinuduro ang lalaki habang pabalik sa harap ng kotse niya.
"Hinhintayin ko ang pag babalik mo baby.."
Pang aasar pa ni Baste!
Nagkasalubong ang kay ni Selena at galit na tumingin sa lalaki habang papasok na ng kotse binuksan pa niya ang bintana at inirapan si Baste kayat nag flying kiss naman ang lalaki sa kanya kung kaya't bigla niyang sinara ang bintana!!
"Eewwww!" sabi pa niya na hinahampas hampas ang hangin na tila diring diri!
At pinaharurot na niya ang sasakyan niya dahil mabilis na ang usad ng trapik! May bangagaan lang pala kanina sa unahan kayat bumagsak ang mga sasakyan dahil sa nakaharang na dalawang kotseng nagkabanggaan, sabayan pa ng patrol car at ambulansiya na lalong nagpasikip sa daloy ng trapiko!
"Magkukrus parin ang landas natin miss at sa araw na yon sisiguraduhin kong kakailanganin mo na ako at hindi na pangdidirihan!
Mark may word haha!"
Bulong ni Baste sa sarili habang nakatanaw sa palayo ng sasakyan ni Selena!