Friday na kaya excited na ang lahat sa open forum na gaganapin. May excited na magsorry, may excited na magpasalamat. Pero mas maraming excited sa mga pagbubunyag. Ngunit ano kaya ang kahulugan nito para kay Cissie? “Buo na ang pasya ko, ang gabing ito ang huling gabing makakausap ko si Jay. Ito na siguro ang pinakamagandang panahon para magpaalam,” wika niya sa sarili. Habang nasa hallway siya nakita niyang papalapit si Steph kaya umiba siya ng direksiyon ngunit hinabol siya nito. “Hey wait up,” sigaw nito. “Steph, please, I don’t wanna fight anymore.” “No. I mean yeah, I don’t wanna fight either. We’ve been friends since 1st year to 3rd year before Jay came in this campus, and I admit we had great timey together. Just that, things started to change when Jay chose you over me. I

