Hindi na niya talaga pinansin pa ang tawag ni Jay, dahil sobrang sikip na ng kaniyang dibdib at parang hindi na siya makahinga. Kung kailan inamin na niya sa sarili niya ang naramdaman niya para dito saka naman nagkaroon ng interes si Jay sa ibang babae. Mukhang hindi talaga oobra ang feelings niya para dito. Kanina pa lang sa sagot nito sa kaniya, mukhang wala ng pag-asang magustuhan siya nito. Ang masakit ay hulog na hulog na ang damdamin niya ngunit ang turing lang pala talaga nito sa kaniya ay kaibigan lang at wala ng iba. Kung bakit ba naman kasi hinayaan niyang mahulog siya nang tuluyan sa lalaking ito. Hindi na niya sana dapat binigyang kahulugan ang mga kabutihang pinapakita nito sa kanjya. Ngunit kahit sinong babae ay mahuhulog din kapag pinapakitaan ng ganoon kabuti ng isang lala

