Episode 5 Job Offer

1942 Words
"Ha?? Lahat??" Medyo kinakabahang tanong ko. Nakaramdam din ako ng pag aalinlangan sa mga oras na yon. "Yep. Everything." Tipid na sagot niya. "As in, lahat lahat?" Muling tanong ko pa. Eh sa makulit ako eh. "Lahat lahat, everything." Muling sagot nito sabay humalukipkip at dumikwartro sa harapan ko. "Uhmm teka lang.." Sambit ko. Nag dadalawang isip kung tatanggapin ko ba o hindi yung offer niya sa kadahilanang nag aalangan ako sa kondisiyon niya kasi bukod sa pagiging maid, gagawin ko lahat lahat ng gusto niya, maski lahat ng naisin at maisip niya. Diba parang nakakatakot lang pakinggan? Aba malay ko ba kung ano ang biglang pumasok sa isip niya pag nag kataon. Talagang mapapa dalawang isip ka. "Parang hindi naman makatarungan yung everything na yan." Angal ko sakanya habang niwawagayway ang aking kamay. "Nasaan ang hindi makatarungan don? I'll pay you. Twenty five thousand a month. Kung gusto mo ibigay ko na yung paunang bayad sa unang araw ng pasok mo. Ano? Are you going to accept my offer or you will accept it?" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Pano naman kasi hindi ako makapaniwala sa babaeng to. Eh halos wala na kong choice eh, nag tanong pa kung wala naman don sa pag pipilian ang gusto kong piliin. Tsaka twenty five thousand a month? Malaki na yon. Hindi pa nga ko nakakahawak ng ganong halaga.   "Hey?" Nakabalik lang ako sa aking ulirat ng tawagin niya ko. "What's your decision?" "Uhmm.. aah.. pwede bang pag isipan ko muna? Hehe." Alanganing sagot ko at napakamot saking sentido. Mas mabuti naman talaga kung pag isipan ko muna yung mga bagay bagay lalong lalo na sa pag didesisyon para hindi mag sisi sa huli. "What?! Ayaw mo ba ng twenty five thousand? Okay, I will make it thirty." Sabi pa nito at may sinulat sa parihabang papel. Cheque ba yun? "Teka teka... Wala naman akong sinasabing ayoko nung presyo. I mean I just want to think about it first before I accept your offer ma'am." I said in a nice way. Ganon ba siya kadesperada mag ka maid? Eh may kasambahay naman siya dito eh. Dalawa pa! At sa tingin ko ay nagagawa nila ang trabaho nila ng maayos. Hindi ko tuloy maiwasang mag taka. Tumigil siya sa pag susulat at napaangat ng tingin sakin. Unti unti siyang sumandal sa kinauupuan niya at tinitigan ako ng mabuti. Napalunok ako ng wala sa oras. Kung ice cream lang ako kanina pa ko tunaw. Nakaramdam na din ako ng pag kailang. Nanlalambot na din yung tuhod ko sa way kung paano niya ko titigan. "Okay, pag isipan mo. Pag oras na nakapag desisyon ka na i-message or tawagan mo na lang ako." Kapag kuway sambit nito at napabuntong hininga pa sabay abot ng maliit na kwadradong papel sa harap ko na may kasama pang ngiti at kindat. Naramdaman ko ang biglang pag init ng buong mukha ko hanggang sa tenga. I bet nag ba-blush ako ngayon. Napayuko tuloy ako para hindi niya mapansin kaso mukhang huli na. Narinig ko siyang natawa ng mahina. Shemsss.. nakakahiya. Nag angat na ko ng tingin. Nakita ko siyang naka smirk, para bang tuwang tuwa siya sakin. Nag iwas na lang ako ng tingin at idinako ang paningin sa papel na hawak niya. Pumikit muna ako at huminga ng malalim. "Okay." tipid kong sagot sabay hablot sa papel. "Salamat. Alis na ko ha?" Tugon ko at tumayo na mula sa pag kakaupo sa couch. "Okay. " ganting sagot niya. Ngumiti na naman siya na halos kita lahat ng ngipin nito at pinasingkit ang mata niya. Weird. "Bye." sambit ko ng di siya tinatapunan ng tingin at dali daling lumabas sa mala palasyong bahay niya. ------------------- "Uy pinsan?" "Ano ba buknoy? Wala nga akong pera. Wala kang mauutang sa akin" sagot ko sa makulit kong pinsan. "Pinsan sige naman na oh? Wala na kasing natira sa pera ko pamasahe ko dito." Nagkanda haba haba na ngusong sambit niya. Wari mo'y nag papaawa. Napang ikutan ko tuloy siya ng mata. "Sino ba nag sabi na sumunod ka dito? Sana don ka nalang sa probinsya. Mahirap mag hanap ng trabaho dito uy! Tsaka tigil tigilan mo nga ko sa kakangawa mo na wala ng natira sa pera mo ng sumunod ka dito, eh halos mag iisang taon ng lumipas yun. Mag hanap buhay ka naman sa sarili mo, huwag mong iasa palagi sa akin buknoy"   Nawawalang pasensya na sagot ko at napabuntong hininga. Natahimik si buknoy sa narinig habang nakaupo sa sofa dito sa apartment ko. "Sinubukan ko naman talaga pinsan eh, kaso wala talaga." Nawawalang pag asang sambit niya. Natigilan ako sa pag hakbang patungong kusina. Bigla tuloy akong naawa sa pinsan ko. Nakikita ko sakanya yung araw na nawawalan din ako ng pag asa at kumpiyansa sa sarili, nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Napapikit nalang tuloy ako ng mata at bumuga ng hangin. Dumukot na ko sa bulsa at inabot iyon sakanya. "Oh sige, Eto na oh" sabay abot sakanya ng halaga na inuutang niya. Ghad, panggastos ko yun sa makalawa. "Grabe, salamat talaga pinsan." Masayang pag kakasabi nito na nag niningning ang mga mata. Tumango lang ako. "Subukan mo ulit mag hanap ng trabaho, huwag kang mawalan ng pag asa. May nakalaan din para sayo." Sambit ko at pumanik na sa kusina para mag luto. "Boom! Mga hugot!" Biro ni pinsan. Nagawa pang mag biro tong mokong na to. Buti na lang at di ako inaatake ng kamalditahan. Nadadagdagan pa yung stress ko dahil sa pinsan ko na to. "Oo na sige na, umalis ka na. Tsupe tsupe!" Pag tataboy ko habang kinukumpas ang sandok na hawak. "Ah eh... Pinsan?" Malambing na sambit niya. Naramdaman kong lumapit ito sa kinatatayuan ko. "Hmm.?" Tugon ko ng di siya tinatapunan ng tingin. "Pakain? He-he" Lumingon ako sakanya at sinamaan siya ng tingin. Ano pa nga ba magagawa ko? Inaayos ko na ang mga pag kain at kubyertos sa hapag kainan at naupo katapat sa pinsan ko na nakangiti ng malapad. Libre na naman kasi ang pag kain. Masarap daw pag libre. Masaklap nga lang sakin. Nag simula na kaming mag dasal at kumain. "Uhmm pinsan? May trabaho ka na ba na nahanap?" Biglang tanong ni buknoy sa kalagitnaan ng hapag kainan. "Wala pa..." Malungkot na turan ko at napabuntong hininga nalang. Bigla akong nawalan ng ganang kumain. Nag baba ng tingin, pinag mamasdan ang plato at pinag lalaruan ang mga kubyertos. Malalim ang isip habang nakatulala. Ano na nga pala ang gagawin ko? Wala na kong panggastos sa makalawa. Bayaran na ng renta, tubig at kuryente sa linggo. Pang gastos pa nila inay at pambayad pa ng kapatid ko sa field trip. "Bzzzt... Bzzzt.." Napapitlag ako ng maramdaman kong nag vibrate ang lamesa. Nakita ko na umilaw yung screen ng cellphone ko. Dali dali ko naman itong tiningnan. Hmmm? Unknown number? Ini-unlock ko nalang yung phone at binasa yung message. [ Good day. I would like you to know you'll having an interview this coming T****, ** July 20**. This message coming from Jamie's Coffee shop. Thank you.] Nanlalaki ang aking mga mata at nanginginig ang aking kamay habang nakatingin sa cellphone ko. "Ano yan pinsan?" Tanong ni buknoy pero hindi parin naaalis yung mata ko sa phone ko. "Huy?" "Huy!!" Sigaw na ni buknoy. Napatingin ako sakanya at unti unting ibinuka ang aking bibig. "Kiyaaaaaah!!!!" Tili ko. Napatakip naman si pinsan sa tenga niya dahil sa kaingayan ko. "Ano ba yan ha pinsan? Bakit kailangan pang sumigaw? Nanalo ka ba sa lotto?" Sunod sunod na tanong niya sabay uminom ng tubig. "May job interview ako sa darating na araw buknoy!!!" Natutuwang turan ko. Feeling ko pwede ng isanla yung mata ko sa pasanglaan dahil sa kumikinang ito. "Wow! Congrats pinsan. Ang swerte mo. Sana ako din, swetihin bukas pag naghanap ako." Malungkot na tugon niya at yumuko. Unti unti namang nawala yung ngiti sa labi ko. Alam mo ba yung pakiramdam na nakakahiyang mag pakasaya pag alam mong may nag luluksa? Napabuntong hininga tuloy ako at tumayo sa kinauupuan ko. Lumapit ako sakanya at niyakap siya "Okay lang yan buknoy. Makakahanap ka rin. Ang talino mo kaya!! Kailangan mo lang mag tiwala sa sarili mo ha." Pag aalo ko at hinagod ang kaniyang likod.   Natapos na ko mag malinis ng katawan at naupo sa kama. Napatingin ako sa may mini table na may nakapatong na lampshade. Sa tabi naman ng lampshade ay nandoon yung calling card ni miss holdaper. Napatingin ako don ng matagal at sa huli ay kinuha ko ito. "Hessa Villamor....." Basa ko sa nakasulat sa papel. Biglang sumagi sa isipan ko yung pag uusap namin nung nakaraang araw. Sa totoo lang napakalaking halaga nung ino-offer niya. Ang kaso mapapaisip ka naman sa gusto niyang mangyari. Hayaan mo na nga. Basta masaya ako kasi may interview na akong dapat pag handaan. Tumayo ako at lumapit sa may maliit na lalagyan ng basura upang itapon yung papel ng biglang nag vibrate yung cellphone ko. Dali dali ko naman  itong dinukot sa panjama ko. Napakunot ang noo ko ng makitang si inay ang tumatawag. "Hello nay?" "Anak" Inilayo ko yung cellphone at takang tinitigan to. Bakit parang naiiyak ang boses ni inay? "Inay umiiyak ba kayo? Anong problema? May nangyari ba diyan nay?" Kinakabahang tanong ko. Narinig ko na huminga ito ng malalim.. "Anak. Yung bahay... Naisanla ni itay mo." "Ha? Bakit? Saan ginamit yung pera?" " Pinang sugal niya anak. Pati narin sa alak. Nagulat na lang ako kaninang umaga ng may dumating na mga armadong kalalakihan sa bahay. Sinisingil kami. Kaso wala akong maibigay anak. Masiyadong malaki yung utang ng itay mo. Binigyan nila ako ng palugit, hanggang bukas. Pag hindi ako nakabayad, kukunin nila....." Naputol ang sasabihin ni inay ng mapasinghot ito, hindi nag tagal ay napahagulgol na siya. "Nay ano yun?! Anong kukunin nila???" Napasigaw na tuloy ako sa kaba. "Ku--kukunin nila yung ka-kapatid mo anak... Si M-mary Ann... Kukunin nila.. ipapakasal kay Don Enrico bilang bayad sa pag kakautang ng itay mo." Para akong tinakasan ng dugo sa narinig. Natigilan ako at pinapakinggan lang ang pag tangis ni inay sa kabilang linya. Napakuyom ako ng palad. Hindi ko maiwasang hindi magdamdam sa itay ko. "Nasan siya nay? Nasaan si itay?!" "Eto.. nag wawala anak. Te-teka.. Rodolfo ano ba?!" Narinig ko yung pag wawala ni itay sa kabilang linya. May nabasag pa ata. Bigla na lang umingay sa kabilang linya at naputol na ang tawag. Nanghihinang bumalik ako sa kama at napaupo ng nakatulala. Naramdaman kong may mainit na likido na dumadaloy sa pisngi ko. Pisti! Umiiyak na pala ako. Bwisit! Bakit ba ang malas ko? Paki explain!!!!! Nakakagigil na eh!. Pati kapatid ko nadamay na sa kalokohan ng itay ko. Paniguradong umiiyak narin si Mary Ann ngayon. Hindi maipag kakailang kahumalingan ang kapatid ko ni Don Enrico sa kadahilanang sadyang maganda ito at matangkad kaysa sa akin. Napababa ang tingin ko sa hawak ko. Unti unti kong inangat ito ang pinang masdan ang numero. Huminga muna ako ng malalim. Tinype ko na yung numero at tinawagan. "Hello?" "Hello, uhmm si claire to." "Ow? Uhmm nakapag decide ka naba?" "Oo" "Uhmm ano? Are you going to accept my proposal?" Pakiramdam ko'y naka smirk siya sa mga oras na to. Nag pakawala muna ako ng hangin bago sumagot "Oo, tinatanggap ko." "Good. I'll pick you up tomorrow. Message me your address." Ibinaba ko na ang phone ko. Nahiga na ko sa kama at tinitigan yung kisame. Ayokong may mangyaring masama kay Mary Ann. Alam kong natatakot siya sa oras na to. Mahal na mahal ko pa naman ang kapatid ko na yun. Bahala na. Bahala na bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD