Claire POV
Kriiiiiinngg...
Kriiiiiinngg....
"Hmmm..." Ungot ko habang kinakapa ang cellphone sa higaan.
Idinilat ko yung kaliwang mata ko ng matagpuan ko yung cellphone, ini-off ko na yung alarm at tiningnan ang oras. Ala sais na pala ng umaga.
Nanlalambot na bumangon ako sa higaan at nag inat.
"Haaayyy.... Panibagong araw."
Inaantok na sambit ko habang kukusot kusot ng mata.
Tumayo na ko habang nag hihikab at nag diretso na sa banyo para maligo.
Dali dali na kong lumabas ng apartment pagkatapos ko mag ayos. Hindi na ko nag almusal pa kasi kailangan ko ng simulan mag hanap ng trabaho. Masisiraan talaga ako ng bait pag tumagal pa at maging tambay ako sa apartment ko.
-----------------------
Hinihingal at pawisan na nag lalakad ako sa gilid ng kalsada. Napahawak narin ako sa binti ko na sumasakit na. Hindi kasi ako sumasakay sa kadahilanang mauubusan na ko ng pera. Kailangan mag tipid. Hay.... Buhay.
Halos lahat na ata ng coffee shop at fast food ay napasahan ko na. Wala naman akong ibang choice kundi don lang mag apply sa kadahilanang hindi naman ako nakapag tapos ng pag aaral.
Habang nag lalakad may natanaw akong park malapit sa kinapipwestuhan ko. Teka? Yun yung park kung saan nakipag break sakin si Arthur. Pati rin pala yung unang pag kikita namin ni miss holdaper.
Napag desisyunan ko na lang na maglakad papunta sa pwesto na yun. Sobrang sakit na talaga ng binti ko. Naupo na ko sa may malapit na upuan at sinipat sipat ang paa ko.
"Hayssss.. nagkapaltos paltos na.." bulong ko habang nakangiwi. Ang sakit. Wala pa naman akong dalang band aid.
Napabuga na lang ako ng hangin at pagod na itiningala ang aking ulo habang nakapikit.
Walang dudang malas ang taon na to sakin.
Halos lahat kasi ng pinasahan ko, ang sinasabi sa akin sobra na daw sila sa tao, o di kaya tatawagan na lang daw ako at yung iba hintayin na lang ang message nila. Nakaka stress at nakakawalan ng pag asa. Paano ba to?
Napatingin ako sa relo ko. Hindi ko kasi masabi kung anong oras na dahil magdamag makulimlim ang kalangitan. Nakikidalamhati rin ata sa nararamdaman ko ngayon.
Nang makita ko kung anong oras na ay napapikit ako ng mariin.
"Alas tres na pala.. Nakalimutan ko ng kumain ng tanghalian."
Lilinga linga naman ako ng pwedeng mabilhan ng pagkain.
Dinukot ko muna yung wallet ko para makita kung magkano na lang ba ang laman.
"Susme ito na lang? Kakasya pa ba to sa loob ng isang linggo?" Problemadong bulong ko sa sarili sabay tinakpan ko ang aking mukha ng dalawa kong kamay.
Siguro street foods na lang muna kainin ko.
Bagsak balikat na turan ko sa sarili.
Tumayo na ko mula sa pagkakaupo at lumapit sa nag titinda ng ihaw-ihaw dito sa park.
"Ate isang hotdog nga po at isang isaw."
Pagkatapos ng ilang minuto ay naluto na ito. Sinunggaban ko naman kaagad ito sa kadahilanang nagugutom na ko. Iniabot ko na yung bayad pag katapos ay uminom ako ng tubig na baon ko.
Nag simula na akong mag lakad ng dahan dahan ng matapos akong kumain habang iniisip kung ano na ba ang mangyayari sakin.
"Paano na?? Anong gagawin mo Claire?" Tanong ko sa sarili. Pucha! Nawawalan na ko ng pag asa at the same time ay naaawa na ko sa sarili ko.
"Kung gusto mo ng trabaho pumunta ka sa address na to at dalin mo nadin yung resume mo"
Bigla na lang nag echo sa utak ko ang mga kataga na yun.
Dali dali ko namang hinalungkat ang dala kong bag. Hinahanap ko yung papel na iniabot sakin nung babaeng holdaper.
Hindi sabi holdaper yun.
Oo na oo na, hindi na...
May gana pa kong makipag away sa sarili ko sakabila ng problema ko.
"Nasaan na ba yun??" Naiiyak na bulong ko at patuloy parin sa pag hahalungkat.
"Huwag mo namang sabihing nawawala?? Langhiya! Isusumpa ko talaga ang taon na to kapag nawala pa yun" naiiyak at naiinis na sambit ko. Iyon na lang talaga ang nag iisang pag asa ko.
Pinag titinginan na nga ko ng mga tao dito sa park dahil siguro sa kinakausap ko ang sarili ko.
Habang busy ako sa pag kalkal biglang naglaglag ang hawak kong resume.
Sa totoo lang, isa na lang ang natirang resume sakin tapos sa siyam na yon hindi man lang pumasa o di naman kaya ay mga paasa.
Dali dali ko naman dinampot yung folder ko na naglalaman ng resume.
Natatarantang pinagpag ko iyon.
"Hanggang dito na lang ata ako." Nawawalang pag asang banggit ko. Bagsak balikat na binuklat ko yung folder upang pag masdan ang ginawa ko.
Pagkabuklat ko ay may nakita akong maliit na pirasong papel na nakasingit sa paperclip kasama ang resume ko.
Kinuha ko ito at binuklat.
Parang slow motion na ibinuka ko yung bibig ko at nanlaki ang aking mga mata.
"Yung address!!!!" Laking tuwang tili ko!
Bigla akong nabuhayan at tila nawala lahat ng pagod ko sa maghapon. Nag papadyak pa ko sa kinatatayuan ko sa sobrang tuwa.
Nagsimula na kong maglakad at maghanap ng masasakyan. Medyo malayo kasi dito yung address na inabot niya.
Pumara na ko ng jeep. Makalipas ng ilang oras ay bumaba na ko. Nagsimula na kong mag lakad at luminga linga sa daan.
"Saan kaya ito?" Tanong ko. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.
Ay, ayon! May ale... Makapag tanong nga.
"Uhmm lola alam niyo ba kung saan ito?" Tanong ko sa matanda na may bitbit na panindang kendi at sigarilyo. Iniharap ko naman sakanya yung papel na may nakasulat na address doon.
"Ah yan ba? Don lang yun iha, lumiko ka lang doon tas pag may nakita kang malaking puting gate, iyon na yung hinahanap mo." sabi ng ale.
"Maraming salamat po lola" nakangiting sambit ko.
Nagmamadali na kong mag lakad patungo sa lugar na yon. Malalaking hakbang ang ginagawa ko at hindi na pinapansin ang mga tambay na sinisipulan ako at kung makatingin ay parang wala akong suot. Kung hindi lang ako nag mamadali at na e-excite tutusukin ko talaga isa isa yang mga mata nila! Nang gigil ako dito eh!
Nang makarating na ko sa sinasabi ni lola na lugar ay di ko mapigilang mamangha.
"Wow.. ang laki.." bulong ko. Ito na ata ang pinaka malaking bahay na nakita ko sa buhay ko.
"Okay eto na yun. Galingan mo Claire, this is it!" Pag bibigay lakas ng loob ko sa sarili. Iniayos ko muna ang damit ko at nagpunas ng pawis.
Tumikhim muna ako bago pindutin ang doorbell.
Lord please sana ito na yung naka tadhanang trabaho para sakin. Sana naman ay matanggap ako, sadyang kailangan ko na talaga to para sa pamilya ko.
Dasal ko habang hinihintay bumukas ang malaking gate na nasa harapan ko. Sana naman ay di ako malasin! Kailangan ko talaga ito!
Maya maya pa'y bumukas na yung gate. Sumalubong sakin ang isang katandaan na babae. Mukhang kasambahay ata sa bahay na iyon.
"Ano pong kailangan nila?" Tanong nito.
"Uhmm.. Pinapapunta lang po ako dito. Ang totoo po niyan hindi ko po siya kilala at nakalimutan kong tanungin yung pangalan niya. Iniabot niya lang sakin itong address. Sabi niya puntahan ko na lang daw po kung kailangan ko ng trabaho."
Magalang na sagot ko sa matanda sabay ipinakita sakanya yung maliit na papel na iniabot sakin nung babaeng holdaper.
Hindi nga sabi holdaper yun.
Oo na oo na!
"Uhmm ma'am saglit lang po ha?" sabi nung matanda. Tumango na lamang ako bilang pag sang ayon.
Umalis na ito sa gate at pumasok sa magarang bahay.
Mga ilang minuto ang lumipas ay lumabas na ulit ito sa bahay.
"Ma'am pasok po kayo" paanyaya sakin ng matanda.
Bigla naman akong nag diwang sa narinig.
Pumasok na ko sa loob. Iginaya niya ko sa loob at pina upo sa sofa.
Grabe.. Napakalaki ng bahay na to. Tsaka parang nakakatakot upuan itong sofa dahil parang sobrang mahal nito.
Para lang akong tuod na nakaupo sa sofa ng mga oras na iyon. Feeling ko kasi merong mababasag pag oras na gumalaw ako at tiyak na wala akong pambayad kung sakali man.
Sa sobrang ganda ng bahay ay parang nakakatakot ng gumalaw.
"Ma'am juice po." iniabot sakin ng isa pang kasambahay ang isang basong orange juice. Nag pasalamat naman ako rito.
Hmm.. mukhang bata pa ang isang iyon, mas bata lang siguro sakin ng konti.
Komento ko habang pinag mamasdan itong mag lakad papalayo.
Matapos inumin ay maingat ko iyong inilapag sa mini table sa harap ko. Baka kasi mabasag. Ano ba yan, napaparanoid ako sa kamalasan ko. Feeling ko bawat galaw ko may kaakibat na malas.
Maya maya pa'y bumaba na ng hagdan ang taong pakay ko.
Nang makalapit na ito sakin ay ngumiti ito at naupo sa katapat na sofa.
"So.. Mukhang trabaho ang sadya mo dito diba?" Tanong niya at umangat ang gilid ng labi nito.
"O-oo" nauutal na sabi ko. Sobrang ganda niya kasi ngayon. Simple lang ang suot niya. Naka white t-shirt, panjama at naka messy bun. Pero ang hot niya. May tao pa bang ganito? Kasi pag ako ang nasa ganyang itsura ay malamang! Malamang na malamang! Alam niyo na. Haha!
Napangiti pa ito lalo sa sinagot ko.
Parang nakakatakot na tong ngiti niya ah. Parang may kalokohan na nakakubli sa ngiti na sumisilay ngayon sa paningin ko.