Episode 3 The Plan

1948 Words
Hessa POV   Busy ako sa pag iisip nung nangyari sa park when my phone rung.     Ow, it's jasmine. I reach my phone then I answered it.    "What's your problem?" Tinatamad kong sambit habang pinag lalaruan yung corner ng pillow ko. "Wow friend! Grabe namang pambungad yan. Wala man lang hello? Anyway, Don't you miss me?"   Buhat sa narinig ay napaikot ako ng mata. She's starting again. You know. drama thingy. Paniguradong may kailangan to.     "Okay. So, napatawag ka?" Then I get up from my bed and go outside of my room.    "Can you please come here at my computer shop. Petty please....." She pleaded. I bet she's doing her signature puppy eyes.    "Okay okay, fine. I'll be there in 15minutes." I sigh. Then I hung up. Wala na naman sigurong kasama yon.    I walked immediately down stairs.    "Ma'am Hessa kain na po kayo ng dinner. Nakahanda na po sa may dining." Manang Betty said.     "Uhmm.. I have to go manang. Kayo na lang po nila Manong Rudy, Manong Edgar and Acasia kumain non. Don't wait for me. I'm going home late" "Sige po ma'am. Salamat po."       I grab my car keys on the salas table and quickly walk outside the house. Pumasok agad ako sa lots at agad iyong pinasibad. ------+    "Hessa!" Sigaw ni Jas ng makita ako. She hug me tightly like there's no tomorrow. Nahihirapan naman akong huminga dahil sa higpit ng yakap niya. She immediately loosen her arms on mine so that I can freely breathe.    "Are you alright?" She ask with her worrying eyes ng mapansing namumula mula ang balat ko sa mukha.    "Yeah, I'm fine. By the way, bakit mo ko pinapapunta dito?" I asked her as I view the place..   There's a lot of students here while playing an online games which is... not good..    "Uhmm.. wala lang naman. Namiss lang kasi kita." she shyly said as she bows her head to hide her reddened face. I mentally laugh at her.      "Namiss din kita bestfriend!" Then I hug her again.   Iginaya niya kong maupo sa may counter kung san nag babayad yung mga costumers niya. "Uhmm.. Nasaan si Gabriel? Diba dapat siya ang nag babantay dito hindi ikaw? Diba dapat nandoon ka sa restaurant mo?" I ask while looking at her. She's busy on her computer.   "Nag absent eh. Pinuntahan yung girlfriend niya, sinugod sa hospital kagabi tsaka okay lang yung resto, nandoon naman si Nika." She said. Nika was her older sister, a step sister to be exact.   Tumango na lamang ako sa narinig. Moments later, I feel her arms wrapped on my body. She lean her head on my shoulder.   "May problema ka ba? Bakit ka tulala" Tanong niya. "Hmmm.. Ewan, may naiisip lang ako."  Sagot ko sabay ngumiti sakanya. "Ano naman yang iniisip mo?" Pangungulit pa niya. "Jasmine... Ano kasi... Uhmm.. I think.. I found the one." Parang timang na sambit ko habang nangingiti. Humagalpak naman ng tawa si Jasmine sa kabaduyan ko. "Bakit ka natatawa?" Tanong ko pa. "Haha! Ewan ko sayo! Yung playgirl babanat ng ganyan.. sinong di matatawa?" Sagot naman niya habang hinihimas ang kanyang tiyan. "Kainis ka naman eh! Alam mo namang hindi ako playgirl. Sadyang sila lang ang nag a-assume tapos ikakalat nilang ganon ako." "Hahaha.. okay okay, hmm.. sino ba yan ha? Ikwento mo nga sakin dali!" Excited na turan sakin ni Jasmine. Kumalas ito sa pag kakayakap at nangalumbaba na senyales na handa na siyang makinig.   So, it's time for story telling...... "Lord pleases!! Bigyan niyo po ako ng girlfriend!! Kahit isa lang oh!!" Sigaw ko habang nakatayo sa tapat ng ilog malapit sa park. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko para sumigaw ng ganon at humiling. Siguro dahil I feel........empty? I feel... Unsatisfied.      "Promise!!! Hindi na ko mamba-babae... Magiging mabait na ko... Susunod sa mga utos ng magulang... At mag aaral ng mabuti... Basta bigyan niyo lang ako ng girlfriend... please..."      Hayss naalala ko tuloy yung mga kalokohan ko noon. Ngayong playgirl na ang tumatak sa isip ng mga tao sakin kaya wala ng nag seseryoso kapag papasok na sa relasyon. Nasa kalagitnaan ako ng pag e-emote ng lumingon ako sa likuran ko. May nakita akong babae na nakaupo sa damuhan. Hindi ko mawari ng tila nagkaroon ng sariling isip ang aking mga paa na mag lakad patungo sa pwesto ng babae. And then I asked her if she's okay? Sinagot niya naman ako kaso hindi ko maintindihan kasi parang kinakain niya yung salita. Ngongo ba to? Sayang naman, kay gandang babae ngongo. Tinanong ko muli at sumagot naman ulit. Don ko lang napagtanto na hindi siya ngongo. Kaya siguro ganon siya mag salita dahil kagagaling niya lang sa pag iyak. Baka barado pa ang ilong. At nung aalis na siya, may nakita akong bracelet sa damuhan, mula sa pwesto niya. Pinulot ko naman ito at pinakatitigan. Tumingin muli ako sa kinaroroonan ng babae na naglalakad na palayo sakin. Hindi na ko nag dalawang isip kundi ang habulin siya para ibalik ang gamit niya. Kaso nag mamadali tong maglakad. Hanggang sa sumakay na ito sa taxi kaya di ko na naaubatan. Siguro nga'y may mabigat siyang problema kaya siguro gustong gusto niya ng umuwi at humantong pa sa pagtakbo para makapag pahinga na siya. Hayss. Sana nacomfort ko man lang siya sa oras na yun.    "Yun na yun best?" Tanong ni Jasmine habang nag hihikab.   "Oo?" Patanong na sagot ko.   "Walang hiya.. ang babaw mo pala pag naiinlove. Baduy mo!" Tinapunan niya ko ng papel sa mukha at tamad na bumaling ulit sa computer niya.   "Ako? Baduy? Hindi ah. Tsaka kaya nasabi ko na siya na ang the one kasi feeling ko sinagot agad ni God yung hinihiling ko nang mga oras na yun. Kumbaga unang nakita ng mga mata ko pagkatapos kong humiling ay yung babae na yun! Kaya naman kailangan kong gumawa ng paraan para makita siyang muli." determinadong pagkakasambit ko habang nakatingin sa kawalan.   PAK!!! "Aray!! Ano ba Jasmine?" Inis na tanong ko. Aba't sinampal baga naman ako. Lumapit siya sakin na halos ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha namin sa isat isa tsaka bumulong. "Ang baduy mo..." Lumayo na siya at tumayo sa kinauupuan. "Diyan ka na nga. Mag c-cr lang ako. Naiihi ako sa pinag sasabi mo." Sabi ni Jasmine habang naiiling. Makasabi naman ng baduy yung babae na yun wagas. Pag siya nakaramdam ng ganitong feeling, ewan ko na lang kung hindi rin siya maging baduy! Lumapit na lang ako sa computer ni best.   "Makapag f******k nga." ngingiting ngiti kong bulong sa sarili. Makalipas ng ilang oras hindi parin bumabalik si best. Aba't loko yun ah. Sabi niya iihi lang. Sisilip silip ako sa paligid pero walang Jasmine akong nakita. Umiling na lang ako at itinuong muli ang atensyon sa computer ng biglang malaglag ang cellphone ko. "Nak nang!" Napahilamos ako ng mukha. Yumuko na lamang ako para kunin ang nagkanda pira-pirasong bahagi ng cellphone ko. "Kung minamalas ka nga naman oh" bulong ko habang busy sa pag pulot. "Uhmm miss sa may PC1 nga po. Pwede po bang mag open hour?" Narinig kong sambit ng isang babae malapit sa pwesto ko. Hindi ko naman ito pinagbigyang pansin sa kadahilanang pinupulot ko pa yung cellphone ko.    "Miss sa may PC1 nga po. Pwede po bang mag open hour?" Naulit na naman ang tanong niya kaya dali dali akong nag angat ng tingin.     Nang magtama ang aming mga mata ay natigilan ako.  Pati rin yung babae sa harap ko ay natigilan din at kumunot ang noo. Napakunot din ako ng noo at mataman siyang tiningnan.    "Ikaw?!" Singhal niya na tila nagulat pa. Napangiti naman ako ng maalala na kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Kung sinuswerte ka nga naman. *smirk      Napansin kong ilang minuto ng nakatameme yung babae sa harapan ko kaya mas lalo pa kong napangiti. Ibig sabihin eh may epekto din pala ako sakanya. Ang kaso bigla niya kong inirapan. Napangiwi tuloy ako ng wala sa oras.        "Pwede bang open hour?!" Inis na tanong niya. Huh? Kumunot naman ang noo ko at tumingin sa computer na nasa harapan ko at sakanya. Ano daw yun? Open hour? Nakabalik ako sa reyalidad ng mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin. Oo nga pala, computer shop to. Nasaan na ba si Jasmine! Ako ang ginawang tao dito samantalang nag papasama lang naman siya. "Ah oo miss, pwedeng pwede. Paki bukas na lang yung PC tapos pwede ka ng mag start"  nakangiting pagkakasabi ko. Inirapan lang niya ako at nag lakad na siya sa pwesto niya.   Pasulyap sulyap naman akong tumitingin sakanya. Bising busy siya sa kanyang ginagawa.    "Miss pa-print nga po."    Wika niya at inirapan na naman ako. Ano bang problema nito? Iniirapan at sinusungit sungitan ako. Irapan ko rin kaya? Haha.    "Ano pong file name miss ganda?" Yun na lang nasabi ko, nagbabaka sakaling ngumiti naman to kahit isang beses lang. Sungit eh. Sana effective kasi ito yung sinasabi ko minsan sa mga chicks, ngumingiti sila pag sinasabihan silang maganda.     "Claire resume yung file name." Neutral lang ang mukha nito pagkatapos sumagot. Huh? Hindi siya napangiti don? Okay. Mukhang masungit talaga siya. "Ilang copy?" Nakangiting sagot ko. Hindi talaga mangangawit tong labi ko kakangiti kung siya naman ang kaharap.        "Sampu!" Inis na sabi niya. Teka nga?? Bakit ba naiinis to? "Whooow.." na a-amaze na turan ko. Ang dami non eh.    "Bakit? May problema ba?" Masungit na tanong nito sabay tinaasan ako ng kilay. Ang sungit naman niya... Help..    "Wala naman miss ganda." sagot ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay inabot ko na sakanya yung resume.    "Magkano lahat?" Tanong niya    "Out na po ba kayo sa PC1?" "Oo"    "Bali seventy pesos lang lahat miss ganda." May dinudukot naman siya sa bulsa niya at nag bibilang ng barya sakanyang palad.     "Uhmm may folder ba kayo tsaka paper clip?"     Kapag kuway tanong niya ng hindi ako tinatapunan ng tingin.     "Oo, ilan ba?" "Sampu din pareho." Inabot ko naman.    "Bali one hundred sixty pesos lahat."  Sabi ko pag katapos gumamit ng calculator. Siyempre, ayoko ma istress si brain! Haha! Inabutan niya ako ng isang libo at sinuklian ko naman ito. Naglakad na ito palayo sakin ng makuha na niya yung sukli. Nang malapit na siya sa pinto ay agad ko itong tinawag.    "Miss ganda?"     Mabilis naman itong lumingon sakin. Wow ha... Confident na siya nga si miss ganda. Hmm sabagay, maganda naman talaga siya kahit kinulang sa height. Mga 5'1 lang siguro to. Ka height ata ng paborito kong singer, si lady gaga! Syet! Ang hot kaya non! Lumapit naman ito sa kinapipwestuhan ko.    "Ano yon?"    "Naghahanap ka ng trabaho?" Kapag kuway tanong ko.      "Oo, pake mo?"  Masungit na tugon niya sakin. Ngumiti na lamang ako sakanya.    "Kung gusto mo ng trabaho pumunta ka sa address na to at dalin mo nadin yung resume mo" Dali dali akong nag hanap ng ballpen at papel, sinulat ko doon yung address ng bahay namin. Iniabot ko naman sakanya ito. Kaso, mukhang nag dadalawang isip pa siya kung tatanggapin ba niya o hindi. Hindi rin nag tagal ay hinablot niya sakin yung papel sabay nag lakad palabas ng shop. Napangiti na lamang ako sa nangyari. "Hoy! Anong ningingiti ngiti mo diyan? Ang creepy mo ha." Biglang sulpot ni Jasmine sa tabi ko.   "Oo creepy talaga ako." tipid kong sagot. ."Hayss ewan ko sayo." sambit ni best at naupo na sa harap ng computer niya.   Hindi parin mawala wala ang ngiti sa aking labi. "Hoy ano ba yan ha?" Tanong ulit ni best habang nakakunot ang noo. Siguro napapansin niyang hindi parin mawala wala yung ngiti sa labi ko. "May plano ako." na e-excite na sagot ko. "Plano san?" "Basta. Just wait and you'll see." Napangiti ako ng malawak. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD