Episode 2 The offering

1897 Words
Claire POV Mabilis na lumipas ang isang linggo nung araw na hiniwalayan ako ni Arthur still masakit parin talaga lalong lalo na dito sa part ng puso ko. Halos pati trabaho ko ay naaapektuhan na. "Girl ayos ka lang ba? Malilintikan ka na naman kay boss." Wika sakin ni Angel. Katrabaho ko siya sa coffee shop. "O-oo okay lang ako Angel. Salamat sa concern." "Sige alis na ko ha? May order pa kasi don sa table 3" tapik niya sa braso ko. Tumango na lamang ako habang nakatanaw sakanya papalayo. Napangiwi na lamang ako sa naisip na lagot ako mamaya. Simula ng mabroken hearted kasi ako ay lagi na lang ako nag kakamali sa trabaho. Gaya ngayon, natapunan ko ng kape yung isang costumer namin at sa minamalas ka nga naman, sobrang sungit nung girl. Ilang beses na akong nag so-sorry pero ang gusto niyang mangyari ma tanggal ako sa trabaho. Mabilis na natapos ang oras ng trabaho at busy na ang mga kasamahan ko para sa closing time. Habang inaayos ko yung mga upuan natanaw ko yung manager s***h boss namin papalapit sa pwesto ko. "Claire sumunod ka sa office." sabi niya at umalis agad. Kinakabahan naman akong nag lakad patungo sa office niya. Tatalakan na naman ako nito panigurado. Bakit kasi ang shunga ko! Sana'y di ako mawalan ng trabaho sa araw na to. Sumunod agad ako kay manager Kim dahil alam kong ayaw niya ng naghihintay ng matagal. Pagkapasok ko ay hindi na siya nag aksaya pa ng oras. "Claire! Anong nangyayari sayo ha?! Halos isang linggo na ang nakakalipas at panay palpak ang pinapakita mo sa trabaho." Talak sakin ni sir habang pinipilit niyang maging mahinahon. "Sir sorry po talaga." Yumuko na lang ako sa harapan niya. Wala na kasi akong mahanap na pwedeng idahilan sakanya dahil alam kong ako naman talaga ang may mali. Hindi ako nag po-focus sa trabaho kaya nag kakanda letse letse yung performance ko. "You know that I won't accept any apology or sorry sa trabaho. Nung una ay pinalampas ko pa Claire dahil baka nag kataon lang. Ang kaso halos isang linggo na." Mahinahon nitong pag kakasabi na tila nag titimpi habang hinihilot niya ang kanyang sentido. Hindi ko magawang titigan yung manager namin sa mata sa kadahilanang nahihiya ako. Totoo naman kasing lutang ako kanina habang nag tatrabaho maging nung nakaraang araw rin. " Wala na kong magagawa kundi ang tanggalin ka sa trabaho. Nakakaapekto na kasi sa coffee shop ko ang nangyayari. Ayoko naman na lumaki pa yung negative feedback natin dito dahil sa performance mo Claire." Nanlambot ang aking mga tuhod sa narinig. May dinukot siya sa kanyang bulsa na kulay puting sobre at inilapag sa table niya. "Kunin mo na yan. Yan na yung bayad ng ilang araw mong pag tatrabaho. You may leave now." Bigla akong napa angat ng tingin at nag mamakaawang nakiusap dito. "Sir baka naman po maayos pa natin to? Huwag naman po sanang humantong sa pag tanggal sakin. Ako na lang po ang inaasahan ng pamilya namin Sir." Pag mamakaawa ko. Nag iinit nadin ang mga mata ko na nag babadya na iiyak na ko ng wala sa oras. Malungkot na tumingin sakin si manager kim at bumuntong hininga. "I'm really sorry Claire. My decision is final. You may leave now. Please." Nahihirapang sabi niya sabay turo sa pintuan ng opisina. Bagsak balikat na kinuha ko yung puting sobre at nanlulumong nag lakad palabas ng opisina. Hindi na ako nakapag protesta pa. Hindi ko naman siya masisi dahil para naman yun sa kapakanan ng business niya. Kinuha ko na yung mga gamit ko sa locker room at nag palit ng damit. Iniwan ko na yung name tag ko kasama yung susi ng locker. Mukha namang may idea na si Angel sa nangyayari ng makita ako kaya malungkot na lumapit ito sakin sabay yumakap ng mahigpit. "Okay lang yan girl. May mahahanap ka pa namang ibang trabaho. Ang sipag mo kaya." Pagbibigay ng lakas ng loob niya sabay ngumiti sakin para siguro pagaanin ang nararamdaman ko kahit na kita ko naman sa mga mata nito ang lungkot na nararamdaman. Hindi ko na napigilang lumabas yung mga luha ko. "Salamat Angel. Sige mauna na ko." Kumalas na ko sa pagkakayakap at nag umpisa ng mag lakad. Kumaway na ko sakanya pati narin sa iba pang kasamahan ko. Malungkot silang tumugon ng kaway sakin. Mabilis na nilisan ko ang coffee shop na yun. Nasa jeep pa lang ako ay pinoproblema ko na kung san ako mag hahanap ng bagong trabaho. Ako na lang ang inaasahan nila inay. Hindi dapat matigil ang pag papadala ko ng pera sakanila. Bakit ba ang malas ng taon na to para sakin? Ang malas malas ko, wala naman akong balat sa pwet! Nang nakauwi na ko sa apartment pabagsak akong naupo sa kama. Tinitigan ko yung perang nasa kamay ko. Yun yung bayad sa trabaho ko ng ilang araw. Ngayon ay iniisip ko na kung pano ko to pag kakasyahin habang wala pa akong mahanap na trabaho. Malapit na yung bayarin sa upa, kuryente at tubig. Mukhang kailangan ko ng kumilos para makahanap agad. May bayarin pa naman si Mary Ann, kapatid ko na nag aaral ng college. May tour daw sila at kailangan daw sumama dahil tungkol daw sa course nila yun. Isip isip isip... Anong gagawin ko? Tumingin ako sa may wall clock. Halos mag a-alas nuebe na ng gabi. Okay, mukhang may bukas pa atang computer shop malapit sa apartment namin. Dali dali akong tumayo sa kama at nagtungo sa may computer shop upang gumawa ng resume. Pag kapasok ko ay ang daming nag lalarong kabataan. Halos karamihan ay mga estudyante, halata naman eh dahil naka uniporme pa sila, halatang hindi pa umuuwi sa kani kanilang bahay. Sinimulan ko ng igala ang aking mata upang tingnan kung may bakante pang pwesto. Lumapit ako sa may counter upang mag tanong. "Uhmm miss sa may PC1 nga po. Pwede po bang mag open hour?" Sambit ko sa counter. Nakayuko parin si ate girl na parang may kung anong ginagawa sa ilalim ng lamesa niya kaya inulit kong muli yung tanong. "Miss sa may PC1 nga po. Pwede po bang mag open hour?" Sa wakas ay nag angat na ng paningin si ate girl sakin. Nang nagtama ang aming mga mata ay natigilan ako. Teka parang kilala ko to. Kumunot noo ako habang nakatingin sakanya. Maski siya rin ay kumunot ang noo at tila inaalala niya rin ako. "Ikaw?!" Singhal ko ng biglang bomba na sumabog sa ala ala ko yung nangyari nung araw na yun. Siya si ateng holdaper na bingi na nga, bulag pa. So, hindi pala siya holdaper. K! Ngumiti naman itong babaeng nasa harapan ko na tila naalala na kung saan ako nakita. Ugh okay. Nasabi ko na ba na ang grabe ng ngiti niya. Parang pang model. Peste! Hindi hindi hindi. Erase erase! Nakakasilaw lang yung mapuputi niyang ngipin na akala mo'y model sa isang brand ng toothpaste. Yun lang yon okay. Wala namang sigurong mali kung pupuriin siya. Wait ano ulit yun? Pinupuri mo ba siya Claire? My god! Ofcourse not! Nang mapag tanto ko na pinag mamasadan ko siya ay lalo pang lumaki ang pag kakangiti ni ateng holdaper. Mukhang nahalata niya na natameme ako ng ilang minuto sa mukha niya. Inirapan ko na lang siya at sinungitan para mapag takpan ang pag kapahiya ko. "Pwede bang open hour?!" Medyo inis na tanong ko. Kaso kumunot na naman ang noo nito na tumingin sakin at sa PC na nasa harapan niya parang hindi niya alam ang gagawin. Tsk! Ano ba to? Huwag mong sabihing, bulag na, bingi na at pipi pa? O slow lang? Maya maya'y bigla na siyang nag salita. "Ah oo miss, pwedeng pwede. Paki bukas na lang yung PC tapos pwede ka ng mag start" Kapag kuway sabi nito at ngumiti na naman. Inirapan ko na lamang ulit siya at pumunta na sa pwesto ko. Nang matapos ko ng gawin at isave yung resume ko nag tungo agad ako sa may counter. "Miss pa-print nga po." Wika ko at irap ulit sakanya. Ewan ko ba bakit naiinis at naiirita ako sa pag mumukha niya. Dahil siguro siya agad ang nakita ko nung nag break kami ni Arthur at na aalala ko sakanya yung gabing iyon. Pati narin yung mga tanong niyang obvious naman yung sagot. Imbis na mapika sakin ang babaeng ito ay ngumiti lang. Hindi ba to nangangawit ngumiti. Masyado naman atang libre sakanya yung ngiti niya. "Ano pong file name miss ganda?" Kapag kuway tanong nito. Teka. Teka? Ano ulit yun? Miss... Ganda daw ba?? Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano. Okay, I'm flattered. Sa bandang huli, mas pinili ko na lang na huwag ngumiti at sagutin na lang yung tanong niya. "Claire resume yung file name." "Ilang copy?" Tanong nito at ngumiti ulit. Bakit di nakakaumay yung ngiti nito. Kainis! "Sampu!" Medyo inis na sabi ko. "Whooow.." parang amaze na bulalas nito. "Bakit? May problema ba?" Tanong ko sabay tinaasan siya ng isang kilay. "Wala naman miss ganda" Pagkatapos ng ilang minuto ay inabot na niya sakin yung resume na pinaprint ko. "Magkano lahat?" Tanong ko habang dumudukot ng pera sa bulsa. "Out na po ba kayo sa PC1?" "Oo" tipid na sagot ko at di ko na inabala pang tingnan siya. Nag hahanap kasi ako ng barya. "Bali seventy pesos lang lahat miss ganda." Wala parin akong makitang barya sa bulsa ko. Twelve pesos lang to. Seventy pesos tas isang libo iaabot ko? May panukli naman siguro sila. "Uhmm may folder ba kayo tsaka paper clip?" Dagdag ko para masuklian to. "Oo, ilan ba?" "Sampu din pareho." Inabot naman na niya yung folder at mga clip. "Bali one hundred sixty lahat." Hayssss.. Mahal naman. Inabot ko na lang yung isang libo na bayad ko. Pagkatapos niya akong suklian ay tumalikod na ko. Malapit na ko sa may pinto ng tawagin niya ko. "Miss ganda?" Tawag niya. Siyempre lumingon ako, sino pa nga ba yung maganda na tinatawag niya? Obvious naman na ako diba? Nag hehesitate man lumapit, sa huli ay nilapitan ko ito tutal di naman pala siya holdaper. "Ano yon?" Walang ganang tanong ko. "Naghahanap ka ng trabaho?" Dahil sa tanong niya, hindi makapaniwalang napang ikutan ko siya ng mata. Obvious naman eh, sampong resume nga pinaprint ko oh! Di pa ba halata na talagang desperada akong makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon. "Oo, pake mo?" Tipid kong sagot habang nakatingin sa dulo ng daliri ko. Imbis na mainis sa pinapakita kong ugali sakanya ay ngumiti lang ito sakin. "Kung gusto mo ng trabaho pumunta ka sa address na to at dalin mo nadin yung resume mo" Tinitigan ko lamang siya habang nagsusulat sa may maliit na papel. Address ata yun sabay iniabot sakin. Nagdadalawang isip pa ko kung kukunin ko ba o hindi. Nag dududang tiningnan ko muna siya tapos yung papel na hawak niya. Baka kasi mamaya eh modus lang to. Hindi natin alam, aba! Mahirap na. Iba na ang panahon ngayon. Sa huli, nakumbinsi na rin ako na mukhang hindi naman siya masamang loob na gaya sa may kalsada pati narin sa balita na napapanood ko. Mukhang hindi naman siya kasali sa mga miyembro ng budol budol. Kaya in the end kinuha ko na lang yung papel at dali daling umalis sa computer shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD