Minsan talaga nakakalimutan kong 28 years old na ako sa tuwing KASAMA KO ANG MANYAK NA TO!
Hindi ako matanda kung mag isip kapag umiiral ang kalokohan at kapilyahan ng isang ito. Lumalaban ako at nakikipag sabayan sakanya na parang bata gaya nito...
"Hessa mahiya ka nga!"
Saad ko at kinutusan siya.
Paano ba naman kasi inutusan niya akong mamili ng pagkain namin tsk.
Siya ang nag aya ng date tapos ganito lang din. Pagkatapos pagbalik ko eto siya't nakaupo sa daan kaharap ang isang batang paslit. Base sa itsura ng paslit isa siya sa pulubi sa labas at itong kasama ko hindi ko malaman kung mas malala pa ba sa pulubi paano ba naman kasi nakikipag agawan ng pagkain sa bata.
"Hessa! Eto na yung pagkain iwan mo na sa bata yan!"
Awat ko sakanya ng hindi parin siya bumibitaw sa hawak hawak na happy na mani. Yung tag pi-piso na hawak ng bata.
Labag sa loob niyang binitawan ang pagkain at tumayo. Nakangusong humarap ito sa akin.
"Eh mukhang masarap yun eh!"
Maktol niya.
Napatampal na lang ako sa noo ko.
Oh God please give me strength.
Napatingin naman ako sa batang paslit na mababakasan mo ng pagtataka ang inosente nitong mukha.
Huminga muna ako ng malalim at hinarap si manyak.
"Iwan mo na sa bata iyon. Ito na yung fishball at buko juice."
Sabay taas sa dala dala kong supot.
"Kaya tara na. Hanep ka, ngayon lang ako nakakita ng nanghihingi ng pagkain sa pulubi."
Dagdag ko pa at nailing iling na lang.
Ang yaman yaman eh.
Para naman siyang sira na muling sinulyapan yung happy na hawak ng bata.
Susko!
Huwag mong sabihing hindi siya papatalo?
Muling bumaling sa akin ng tingin si Hessa. Nakapout parin.
Ugh! Please lang huwag kang mag pout! Malala ka na talaga!
"Nasaan ba yung akin diyan?"
Tanong niya sabay usisa sa hawak ko.
Itinaas ko naman ang hawak ko at iniabot sakanya.
"Ito yung iyo."
Agad naman niya iyong kinuha at parang baliw na pumihit paharap sa bata na kanina pa nanunuod sa amin.
"Bata..."
Parang nang uutong sambit niya.
She bend her one knee upang mapantayan niya yung batang kaharap niya.
"Gusto mo swap tayo?"
Pakenkoy niyang tanong sa paslit.
Napakunot noo naman ako sa narinig at napahalukipkip. Ano na naman ba ang trip ng batang ito?
"Ate ganda ano po yung swap?"
Napatingin lang ako sa bata na kunot na kunot ang noo. Wari mo'y naguguluhan.
"I m-mean...ano.."
Napakagat naman sa dulo ng kuko si Hessa bago ipagpatuloy ang nais na sabihin.
"P-palit tayo..gusto mo?"
Nahihiyang alok niya at iniaabot ang hawak niyang pagkain sa bata.
Nabigla naman ako sa nasaksihan.
Namilog naman ang mga mata ng paslit sa narinig. Dali dali itong tumango at sumang ayon sa gustong mangyari ni manyak. Kaya ang nangyari...nagpalitan sila ng pagkain.
Sa bata yung fishball at buko juice niya samantalang yung kanya ay yung sampong pirasong happy na peanut.
Napangiti na lamang ako sa nasasaksihan.
"Upo tayo don!"
Natutuwang sigaw niya habang nginunguya ang maning nasa bibig niya.
Ngiting tagumpay ngayon ang loko.
Ako naman ay patuloy lang sa pag nguya ng fishball
Napatingin naman ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.
Seesaw.
"Hessa...Hindi na tayo bata."
"And so?"
Agaran niyang sagot na para bang ipinaparating niyang 'eh ano naman?'.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at huminga ng malalim. Hindi naman ako mananalo sa batang ito pag nakipag talo pa ako.
Oo nga pala, nakalimutan ko. May kasama nga pala akong bata. Batang manyak.
"Fine."
Nagtatalon naman sa tuwa si manyak at walang pakundangang hinatak ang kamay ko kaya naman nahulog yung last na fishball na isusubo ko sana. Naman eh! Ang sarap ng fishball eh!
Nang makapwesto na kami sa magkabilang end ng seesaw ay natahimik siya. Mukhang may iniisip.
Pinag masdan ko lang si bata na nakatulala sa kawalan.
Bakit parang....lalo ata siyang gumaganda este pumapangit sa paglipas ng araw?
Perfect black eyebrows, thick black eyelashes, her black tantalizing eyes, her bouncy hair, her perfect white skin at yung pointed nose niyang parang ang sarap pingutin.
Diba ang PANGET!
"Staring is rude ya' know."
Pa-cool niyang sambit sabay flip ng hair.
Napakurap kurap naman ako at nag iwas ng tingin ng mapagtantong napatagal ang pag tingin ko sakanya.
"Gandang ganda ka sakin no? Well, alam ko namang maganda ako."
Segunda niya.
Buhat sa narinig ay napabuga na lang ako ng hangin. Huh! Conceited ang gaga!
"Panget mo!"
Yan na lang ang nasabi ko at nag iwas ng tingin sakanya.
Napag masdan ko tuloy ang paligid.
Ang daming tao ngayon dito sa park. May makikita kang nag pa-family bonding, mga magbabarkada na nagtatawanan sa may isawan, mga batang masayang nag tatakbuhan, mga dog and cat lovers na pinapasyal ang kanilang alaga at mga couples na nag d-date.
Eh kayo? Saang category?
Napakunot noo ako sa tanong ni brain.
Ano? Anong category?
I mean ano kayo diyan ni Hessa sa mga sinasabi mo?
Nang malinawan ay bigla akong natingin kay bata na nakatingin rin pala sa akin.
Kanina pa ba niya ako tinititigan?
Sasagutin ko na sana si brain ng biglang nag salita si bata.
"Love..."
"H-huh?"
Nae-engkantong tanong ko. Para akong naestatwa at nabingi sa narinig.
Tama ba ang narinig ko?
She chuckled.
Napakunot noo tuloy ako at maya maya pa'y napasimangot. Ako ata'y pinag loloko ng batang to!
"Ako ba'y pinag loloko mo?! Naku naku Hessa ayusin mo!"
Banta ko at pinakita sakanya ang kamao ko.
"Woah..."
Namamanghang bulalas niya at iniharang ang dalawa niyang kamay na para bang panangga.
"Why so brutal?"
Dagdag niya and chuckled a bit.
Napatikhim naman siya ng makita niyang seryoso na ako dito.
"Love kako..."
Panimula niya.
Hindi parin ako umimik at pinag masdan lang siya.
"I mean..."
Nag likot naman ang mata niya.
"Para sayo....Ano sayo ang love?"
Tanong niya at tumingin sa akin ng mataman.
Natawa naman ako sa loob loob ko. Love? Love ba kamo? Huh! Madali lang iyan.
Uhmm..
.
.
.
.
.
Hindi ko rin alam. Hehe. Jk.
Teka nga lang..
Bakit ba bigla biglang nag tatanong ng ganito si bata. Hay naku, kaya nga hindi na ko tumuntong ng college eh, kasi ayoko ng mag isip at hanapin pa si 'X' sa subject na Mathematics.
Okay, walang konek!
Pagkatapos mag isip isip ay napatikhim ako and I compose myself.
"Love..."
"Love is..."
Napatingin ako sa mga mata niya.
"... affection."
Sagot ko.
"Iyon na yon?"
Muling tanong niya. Mukhang inaasahan niyang may idadagdag pa ako.
Tumango tango naman ako bilang sagot.
San ko nakuha yun? Sa dictionary lang naman. Nabasa ko noon nung high school pa ko.
Napatango na lang siya and her mouth form a shape of a letter O.
"Eh ikaw? Ano para sayo ang l-love?"
Ewan ko ba kung bakit binalik ko sakanya ang tanong niya. Para kasing may part sa akin na gusto ko pang makilala ng lubos si bata at malaman ang pananaw niya sa ganitong bagay.
"Love.."
Panimula niya. Naku-curious naman akong nag aabang ng susunod.
"Love is like a...seesaw."
She said at nag kibit balikat.
Napakunot naman ako ng noo sa isinagot niya.
"Huh?"
Tanging nasambit ko.
Napangiti naman siya ng tipid sa akin.
"Gaya nga ng sabi sa kanta. Ang love parang seesaw. Hindi mo malalaro ang seesaw ng ikaw lang mag isa.."
She pause at tumingin sa akin.
"Kapag nakahanap ka na ng partner siyempre masaya. Sa larong iyon, nakasalalay sa inyo kung sino ang mag bibigay ng happiness sa isa't isa. Maaaring mag effort ang isa upang maabot ng kasama niya ang mga ulap.."
Sabay bigay ni bata ng pwersa sa seesaw kaya naman ako ang nasa itaas.
"Maaari namang yung isa ang mag effort para maabot at maranasan ng isa ang happiness na naramdaman niya."
Sabay gaan ng timbang ni bata kaya napunta siya sa taas.
"Kung baga give and take. Pero ang pinakamasakit lang sa pag lalaro ng seesaw....pag napagod na ang isa. Malaya lang siyang aalis diyan sa kabilang upuan at uuwi ng bahay. Habang ang isa naman.. naghihintay na yung umalis na yun ay bumalik o di naman kaya maghihintay na may pumalit para malaro niya ulit yung seesaw."
Malungkot na pagtatapos niya.
"Ah Claire?"
"Claire uy??"
Napakurap kurap ako ng matauhan. Napanganga na lang kasi ako sa explanation ni bata tungkol sa love.
Ang deep.
Mukha ngang mas may kwenta ang paliwanag niya kesa sa sagot ko eh. Hindi ko inaasahang sa kenkoy at manyak na si Hessa, lalabas ang mga ganong salita. Napahanga niya ako sa mga sandaling ito.
"Ang cool..."
Tanging nasambit ko na lang. Napangiti na lang si Hessa at sinimulan na naming laruin ang seesaw.
---------
Pagod na napahiga ako sa kama. Mas lalo pa akong ginupok ng antok ng maramdaman ang kalambutan nito.
"Malalim din pala mag isip si manyak."
Kapag kuway bulong ko at napatingin sa puting kisame.
Habang tumatagal nakikilala ko na si bata.
Napapitlag ako sa gulat ng mag vibrate ang phone sa bulsa ng suot kong panjama. Agad ko namang isinuksok ang kamay ko sa bulsa ko at hinugot ang cellphone ko.
"Unknown number?"
Kunot noong sambit ko habang nakatingin sa screen ng phone. Sino naman kaya ang tumatawag sa akin.
Gabi na eh.
Napaupo ako sa kama at sumandal sa headboard bago sagutin iyon.
"Hello?"
Bungad ko sa caller.
Mga ilang segundo munang katahimikan ang naririnig ko sa kabilang linya bago ito mag salita.
"Claire..."
My body froze ng marinig ko ang tinig na iyon. Nanikip bigla ang dibdib ko at rumagasa ang ala-ala na akala ko'y nakalimutan ko na.
"Can we talk? Personally?"
Hindi ako makapag isip ng maayos ng itanong niya iyon sa akin kaya wala sa loob kong napasagot ako ng...
"Okay."
Sagot ko rito at napapikit na lang ng mata ng bumalik ako sa katinuan.
"Good. Sa dati na lang natin tagpuan. Salamat. Goodnight Claire, sleep well."
Kapag kuway sambit niya at ibinaba na ang tawag.
Napamulat na ako ng mata at nanghihinang napahiga sa kama.
Napatulala na lang ako sa kisame. Hindi ko talagang inaasahang siya ang tumawag.
Oo nga pala, bakit gusto pa akong makausap ni Arthur?
Sa pagkakataong ito, bigla akong naguluhan sa nararamdaman ko.
Mahal ko pa ba?