Episode 14 Asking forgiveness.

1560 Words
"Claire paki-ayos nga lang sandali ng mga plato doon sa kusina. Hindi ko pa napupunasan ang mga iyon." Utos sa akin ni manang Betty. "Opo, ako na pong bahala." Magalang kong sagot at sinunod ang utos niya. Bago pa man makapasok sa kusina ay madadaanan ko muna yung hagdan patungong kwarto ni bata. Hindi ko tuloy mapigilang mapabuntong hininga. Kanina pa kasi iyon hindi lumalabas ng kwarto niya. Hindi nga sumabay sa amin kumain ng agahan eh. Napag alaman ko rin na wala silang klase ngayon. Sinabi lang sa akin ni Acasia ng akyatin niya si manyak sa kwarto nito para yayain kumain. Galit kaya iyon? Ipinikit ko na lang ng mariin ang aking mga mata at umiling iling. Nag iwas na ako ng tingin sa hagdan at pumihit na patungong kusina. Nang matapos na lahat ng gawain ko ngayong umaga, pagod na napasalampak ako ng upo sa sofa dito sa sala nila. Nakapwesto ako paharap sa pwesto ng hagdan. Sa totoo lang, sinadya ko talagang dito maupo. Nag babaka sakaling bumaba na ang mahal na prinsesa. Makalipas ng ilang oras sa wakas! Bumaba na ng hagdan si bata. At tulad nga ng inaasahan, nakabusangot ngayon ang lola niyo. Lalo na ng mapatingin ito sa pwesto ko. Napaismid lang siya at nag iwas ng tingin sa akin. "Magandang umag--" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng dire diretso lang siyang nag lakad patungong hapag kainan. Iniwan niya akong napatanga dito. Galit nga. Galit na nga si bata. I sighed at that thought. Masakit ba yung pag pingot ko sa tenga niya kung bakit humantong pa talaga sa hindi niya ako papansinin eh kaaga aga. Hutanes! Hindi ako sanay na ganito si manyak. Napag desisyonan ko na lang na sundan siya. Oo tama. Okay lang siguro kung ako na ang unang lalapit. Mas okay siguro iyon para makapag usap kami. Pagkapasok ko sa dining table ay siyang kita ko kay Hessa, tahimik na kumakain ng cereal foods. Tss! May niluto naman kaming fried rice, egg and bacon na natatakpan lang ng takip. Hindi niya talaga ginalaw. Nagpatay malisya na lang ako na hindi ko siya nakita. Nag dire-diretso ako ng lakad hanggang sa makapunta na ako ng kusina. Agad kong dinampot ang mga plato isa isa at maingat na pinunasan iyon. Sa totoo lang napunasan ko na ang mga iyon. Bakit ko pinupunasan ulit? Wala lang. Feel ko lang ulitin. Dapat ba akong maguilty? Biglang tanong ko sa aking sarili habang pinupunasan ang mga plato. Ginawa ko lang naman iyon para rin naman sa ikabubuti niya. Tungkol iyon sa school kaya naman hello??? Para sa kinabukasan niya rin iyon at sana naman maintindihan niya. Inaamin ko naman eh. Brutal talaga ako kaya hindi malayong nagawa ko ng walang kagatol gatol ang lahat ng iyon sakanya. Minsan kasi ang sakit niya sa mata. Ewan ko ba kung bakit. Bwisit siya eh! Hindi ako makahinga ng maayos sakanya. Napapabuntong hininga na lang ako at ibinaba muna ang platong hawak ko. Mukhang hindi ko mapag kakatiwalaan ang kamay ko ngayon. Hindi ako mapakali eh, kailangan ko muna sigurong kumalma. Baka mamaya niyan makabasag pa ako ng plato. "Ehem." "Ay kinabayo!" Tili ko at gulat na napatingin sa bandang likuran. Buti na lang wala akong hawak na plato ng mga oras na ito kundi basag. Napapikit na lang ako ng mariin ng mapagtanto kung sino ngayon ang nasa harapan ko. Shit! Kung ano ano kasing lumalabas sa bibig ko. Nakakahiya. Si nanay kasi eh! Ganon sa bahay, na adopt ko tuloy. *Pout. "Excuse me." Malamig na utos niya na siyang nag pamulat sa akin. Blangko ang ekspresyon ngayon ni manyak. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. Mukhang kailangan kong mag sorry. Agad naman akong tumalima para bigyan siya ng daan. Inilagay niya ang kaniyang pinag kainan sa sink pagkatapos non ay walang imik na nilayasan lang ang kusina. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Urgh! Bakit ba ganito nararamdaman ko! Kainis! Para kasing hindi ako mapakali. Kaya naman binilisan ko ang ginagawa ko ngayon para makausap siya agad. "Uy.." Tawag pansin ko at naupo sa tabi niya. Nandito kami ngayon sa garden ng mala palasyo niyang bahay. Nakasalampak lang siya sa damuhan na palagi niyang ginagawa. Hindi siya umuupo sa ibang upuan pag nasa garden siya. Umuupo siya sa damuhan para madama niya. Minsan ang lalim din ni manyak. May mga bagay kasi na sinasabi niya sa akin na madalas hindi ko magets. "Uy!!!" Muling tawag ko sakanya. Hindi ako pinapansin eh! Niyuyugyog ko narin ang balikat niya. "What?!" Medyo irita niyang tanong sakin. Tinapunan niya nga ako ng tingin kaso saglit lang. Inirapan pa nga ako ng gaga. Akala mo naman ikinaganda niya. Well... Maganda nga pala siya. *Sighed. "Uhmm.. s-sorry..." Mautal utal kong wika sakanya. Napakagat pa ako ng labi ng matanaw ko yung tenga niya na hanggang ngayon ay namumula pa. Sobrang puti naman kasi ng batang ito. "For what?!" Grabe siya ha? Sinulit niya masyado ang pag susungit niya. "Nung linggo. Totoo naman kasi eh. Tsaka mas kailangan mo yun unahin. Kahit mahuli na ako sa listahan mo basta i-top priority mo lang ang pag aaral mo. I can wait naman eh." Paliwanag ko habang nakatanaw sa may pool. Ayokong tingnan si manyak. Bigla na naman kasi akong kinabahan. Ano bang tawag sa lintik na to? Yung tiyan ko kasi parang ano.. ano.. ewan?! "Tatanggapin ko ang sorry mo..." Saad niya. Hindi ko parin siya nililingon. Mabuti naman at tinanggap na niya. I sigh in relief. "Sa isang kondisiyon.." Mabilis pa sa alas quattro na humarap ako kay bata dahil sa narinig. Napaismid naman ako at mapanuri siyang tiningnan. "Baka mamaya kalokohan yan ha? Naku naku Hessa, huwag kang mag kakamali." Banta ko sakanya at iniamba pa ang aking kamao sa maganda niyang mukha. Nanlalaki naman ang kaniyang mga matang lumayo sa akin. "Woah... Hindi naman 'to kalokohan eh. Ang akin lang, gusto kong lang matuloy yung date na napurnada nung Sunday." Paliwanag niya habang nakaharang ang dalawa niyang kamay na wari mo'y panangga. Napahinga naman ako ng malalim. Okay.. gusto niya lang matuloy ang date. Dinako ko muna ang aking atensyon sa pool bago sumagot ng "sige." Bakit ba ako nahihiya? Kaasar. It's sounds pabebe pa ata yung pagkakasabi ko ng 'sige'. Hindi na umimik itong katabi ko pagkatapos kong sumagot. Kaya naman nayayamot na humarap ako sakanya. "Hessa narinig mo ba ang sina---" Napatigil ako sa pag sasalita. Pano ba naman kasi.... wala na pala siya sa tabi ko. "Nasaan iyon?" Napapakamot na lang ako sa aking batok. Tumayo na lang ako sa damuhan at pinagpag ang pants na suot ko sa bandang pwetan. Napag desisyonan kong pumasok na sa bahay. Problem solve na ako kay bata. Hindi na siguro nag tatampo 'yon. Pag kapasok ko sa loob ay siyang pag baba naman ni Hessa sa hagdan. Aba! Bihis na bihis. San lakad nito? "Tara na?" Nakangiting tanong nito sa akin ng makalapit siya sa kinapipwestuhan ko. Naguguluhan ko naman siyang pinag masdan. "Anong tara na?" Takang tanong ko. May hindi ba ako alam? She frown. Ibinaling niya sa iba ang kaniyang paningin, namewang at pumalatak pa. Muling bumaling siya sa akin. "Tara na! May date tayo diba?! May date!" Bulalas niya sabay hila sa kamay ko. "T-teka..." Pag pupumiglas ko. Matitisod pa ko sa ginagawa ng lokong 'to. Ang kaso nga lang mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya habang kinakaladkad ako patungo sa kotse niya. Binuksan niya ang pintuan at walang kahirap hirap na naipasok niya ako doon. Bakulaw eh. Laking tao nitong babaita na to samantalang ako pinag lihi ata sa ruler. Isinara na niya ang pintuan sa gawi ko at dali daling umikot patungong driver seat. Nang makapasok ay nag seat belt na siya at binuhay ang makina ng sasakyan. "Teka.. teka.. teka!" Pigil ko sakanya. Painosente naman siyang lumingon sa akin. "Hmm?" Himig niya. Kita ko ang pagkapilya sakanyang mga mata. Eh kung bunutin ko kali isa isa iyang pilik mata niya. Hmmp! "Anong 'hmm?' ka diyan?! Aba, baka nakakalimutan mo, wala pa po akong ligo uy! Tapos bigla bigla mo na lang akong aayain at kakaladkarin sa sasakyan mo!" Singhal ko. Hindi pa nga ako nakakapag sipilyo. Nag mumog lang ako kanina. Napasmirk naman siya sa isinagot ko. "Anong ningingiti ngiti mo diyan?!" Sabay hampas sa braso niya. "Chill lang." Natatawang sagot niya. Tinitigan ko siya ng masama. Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi niya sabay tumingin sa akin ng mataman. "Hindi mo na kailangan maligo. Ikaw lang naman ang kailangan ko. Tsaka hindi naman mababago ang katotohanan na maganda ka kaya wala kang dapat ipangamba." Tila napipi naman ako sa mga oras na ito. Hutanes! Kikiligin na ba ako?? Pero kahit na! Eh sa hindi nga ako naligo eh!! "Tsaka...." Dugtong niya at lumapit sakin. Bahagya akong inamoy. "Hindi ka naman ganon kabaho." Pagtatapos niya at ningitian ako. "Eh hindi nga ako nalig---" "Baka nakakalimutan mo I'm your boss. so.. being your boss, I command you na sumama ka sa akin ngayon. Mamaya ka na maligo." Hindi na ako nakaimik ng marinig ko ang salitang 'boss". Tsss.. nasa kasunduan kasi na kailangan ko siyang sundin sa lahat ng gusto niya. Natahimik na lang ako sa isang tabi at napahalukipkip habang siya naman ay tatawa tawang ipinasibad ang sasakyan. Sana hindi mamawis itong kili kili ko mamaya. Hmmp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD