Mag dadalawang oras na ata akong naliligo. Hindi parin ako lumalabas ng banyo. Halos wala na ata maski isang katiting na libag na natitira sa balat ko kakasabon. Nang makuntento na ay tinapos ko na ang pag ligo at tuluyan ng lumabas sa bathroom.
Dali dali naman akong nag tungo sa closet na para bang mauubusan ako ng oras. Halos hindi ko na nga malaman kung anong damit nga ba ang kukuhanin ko. Manginig nginig ang aking mga kamay habang pinapasadahan ng haplos at tingin ang mga damit na naka-hang.
My gosh.... Bakit ba ako nag kakaganito?
Tanong ko sa sarili.
Parang kakain lang sa labas kung makapag react naman tong katawan ko para naman akong bibitayin.
Wait....
Teka....
Kakain.....
Dinner.......
Bibitayin?
Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa konklusyong nabuo sa aking isipan.
Huwag mong sabihing....
Last supper ko na ito?
Ang baliw mo Claire, paranoid lang?
Biglang singit ng utak ko.
Natahimik naman ako. Baka nga masyado lang akong OA maka react. Kasi naman, wala akong maisip na dahilan kung bakit ba kakain kami sa labas.
Para namang may dalawang ako sa mag kabilang tagiliran ko na nag bibigay ng kani-kanilang opinyon.
Baka date talaga yun.
Opinyon nung nasa kanan.
Hmmm....Baka hindi nga date. Huwag assuming.
Hirit nung nasa kaliwa.
Tumingin naman ako sa kanan ko kung may ihihirit pa siya.
Oo nga.. baka kakain lang talaga.
Bagsak balikat niyang tugon.
Pero feeling ko date nga yun! Baka may gusto sayo si Hessa Claire!
Dagdag pa niya
Nagiging assumera ka na te!
Supalpal ni kaliwa.
Napahilot na lang ako sa sentido ko at iniwasiwas ang aking kamay sa ere.
"Stop!"
Pigil ko sa dalawa. Feeling ko ang baliw ko ngayon.
Pero... Para sa akin date yun! MUAHAHAHA!
Hirit ulit ni kanan.
Para naman akong siraulong ngumingiti sa kawalan. Itinuon ko na lang muli ang aking pansin sa pag pili ng susuotin at hindi na inintindi ang konsensyang biglang lumitaw sa tabi ko.
I choose floral dress na kulay red na above the knee ang haba. Nag suot narin ako ng white high heels, earings at nag lagay ng light make up.
Nang sa tingin ko ay ayos na ang lahat, tumayo ako mula sa pag kakaupo at lumapit sa whole size body mirror malapit sa may pinto. Itinapat ko ang sarili at sinipat sipat ang aking itsura.
Oh my gosh......
I'm so.............
I'm soo...................
I'm sooo....................
I sighed..
Oo nga't madalas kong sabihin sa sarili ko na ang ganda ganda ko. Oo, maganda talaga ako... pag dating nga lang sa paningin ko, pero si iba?
May mga tao kasing sobrang gandang ganda sa sarili at poging pogi pero sa paningin naman ng iba eh......you know....suwangit! Hehe? Kaya minsan hindi ko rin maiwasang hindi isipin na baka isa rin ako sa mga suwangit na yun na gandang ganda lang sa sarili.
Napabuntong hininga ulit ako.
Hayss.. bumababa na naman self esteem ko. It's bad.
Umiling iling na lang ako at naupo sa kama. Napadako naman ang tingin ko sa digital clock na nakapatong sa bedside table.
Alas quattro pa lang ng hapon. Oh diba?? Two hours advance ako. Excited lang?
"Mas maganda na siguro to, maagang natapos para pag okay na siya dire-diretso na lang."
Bulong ko sa hangin at tumayong muli.
Lumapit ako sa may bintana at hinawi ang kurtina para makita ang tanawin sa labas. Kita kasi mula rito ang nag tataasang puno at pananim ng palayan sa may kalayuan.
Nakakarelax lang tingnan. Isama mo pa yung simoy ng hangin.
Hindi ko namalayan na halos mahigit isang oras na pala ako nakatulala. Kaya naman muling sinipat ko ang aking itsura sa salamin at lumabas na ng kwarto.
Baba na sana ako ng hagdan ng mapalingon ako sa pintuan ng kwarto niya.
Ano na kaya ginagawa niya?
Tapos na ba siya mag ayos?
Tanong ko sa sarili.
Ewan ko pero nakita ko na lang ang aking sarili na nag lalakad patungo sa silid niya at kinatok iyon.
Tok tok tok!
"Wait!"
Sigaw niya sa loob.
Napatikhim naman ako at inilagay ang mga strand ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko sa likod ng aking tenga.
Maya maya pa'y bumukas ang pinto.
Nakayuko ito dahil busy siya sa pag t-type sa cellphone niya. Nakabihis na rin siya at ang masasabi ko lang... Sobrang ganda ngayon ni bata.
"Manang Betty sabi ko mama----"
Naputol ang sasabihin niya ng nag angat siya ng tingin.
Para naman siyang na-engkanto sa itsura niya ngayon.
Tulala kasi ito at nakaawang ang kaniyang bibig.
Naguguluhang pinag masdan ko lang siya.
Mga ilang minuto na ata siyang ganon kaya naman inigawayway ko ang dalawa kong kamay sa mukha niya.
"Uy manyak? Ayos ka lang?"
Kapag kuway nag aalalang tanong ko.
Napakurap kurap naman siya ng ilang beses ng matauhan at isinara ang bibig na muntikan na atang pasukin ng langaw kanina.
"Ah....eh..p-pasok ka.."
Nauutal na sambit niya.
Nag kibit balikat na lang ako at pumasok sakanyang silid.
"Ehem.."
Tikhim niya na siyang ikinabaling ko ng atensyon sakanya.
"Hmmm??"
Himig ko.
"Bakit ka napunta dito?"
Tanong niya at naupo sa harap ng salamin at nag lagay ng kung ano anong ka ek-ekan sa mukha.
Sa totoo niyan hindi ko rin alam. Basta bigla na lang nagkusa ang katawan kong pumunta dito.
Sabi ko sa isipan ko.
Tumalikod ako sa gawi niya at nag libot libot.
"Wala naman."
Sagot ko.
Natahimik naman siya at hindi na kumibo kaya naman hindi ko na siya pinansin muna.
Nahagip ng mata ko ang study table niya kaya lumapit ako don.
Nag kalat sa table ang mga notebook niya. Mga lima siguro yun at nakalimutan pa ata niyang ligpitin dahil nakabukas ang mga pahina non.
Liligpitin ko na sana isa isa ang mga yun ng may mapansin ako.
"Exercises...."
Basa ko sa notebook na hawak ko. Tumingin naman ako sa isa.
"Homework..."
Napadako ako sa iba pa..
"Take home quiz, assignment, calculate...deadline...on Monday."
Bigla naman akong napatigil sa nabasa ko.
Ano bang araw ngayon?
Linggo diba? So.... Bukas na yung Monday.
Taas kilay kong ibinaling ang paningin ko sa batang abot langit ang ngiti habang nag susuklay sa harapan ng salamin.
"Hoy bata!"
Medyo may kalakasang sambit ko.
Nilingon naman ako ni manyak.
"Hmmm?"
Himig niya.
"Ano to??"
Turo ko sa mga notebook na nakakalat sa study table niya.
Naglikot naman ang mga mata niya sa nakita.
"Ah..eh.wala lang yan.. hehe?"
Tugon niya at binigyan ako ng alanganing ngiti.
Medyo uminit naman ang ulo ko sa narinig.
Wala lang?? Wala lang yun? Eh paano grades niya?
Sa narinig ay dali dali naman akong nag tungo sakanya at hinawakan ang tenga niya sabay batak.
"Aaaaraaaayy!"
Hiyaw niya ng kaladkarin ko siya patungong study table niya hawak hawak ang tenga niyang namumula na.
"Ang lakas ng loob mong mag aya ng date eh assignments mo hindi mo pa nagagawa!"
Sermon ko at pabalang na iniupo ko siya sa study chair. Hindi ko nilulubayan ang tenga niya.
"Araaaaay Claire masakit..."
Reklamo niya pero hindi parin ako natinag. Lalo ko pa piningot iyon.
Binitawan ko na yung tenga niya ng mapansin kong namumula narin ang buo niyang mukha.
Agad naman niyang tinakpan iyon pag kalubay ko.
"Sa susunod na mag aaya ka ng date, siguraduhin mong wala ka ng homework. Tsss.. Bata ka pa talaga."
Sambit ko habang naiiling.
"Hindi na ako bata!"
Sigaw niya sakin at pinalinsikan ako ng mata.
"Bata ka pa. Bata ka pa para sa akin. Tingnan mo nga oh." turo ko sa mga notebook na nakakalat sa lamesa.
"Hindi mo pa nagagawa ang mga iyan tapos mag liliwaliw ka." Dagdag ko at namewang sa harapan niya.
Nag pout naman siya sa harapan ko pero nanlilisik parin ang mga mata niya.
"Huwag mo nga ako tingnan ng ganyan!"
Sigaw ko kaso hindi siya natinag.
"Ah ganon ha.."
Sambit ko. Dali dali akong lumapit sa closet niya. Nanguha ako ng isa niyang damit roon at tinanggal sa pag kakahanger.
Lumapit ako sakanya tangay tangay ang hanger na kinuha ko pa sa closet niya.
"A-anong gagawin mo???"
Nahihintakutang tanong niya.
"Gagawa ka ng assignments o hindi?"
Tanong ko at iniamba ang hanger sakanya.
"Mommy!!"
Tili niya at iniharang ang dalawang kamay niya sakanyang mukha.
Sa totoo lang... gusto ko ng bumulanghit ng tawa. Para kasi siyang batang pinapagalitan ngayon at isa pa, siya ang amo ko kaso parang nakalimutan ko sa mga oras na ito.
"Gagawin mo ba yung assignments mo o hindi?! Sagot!"
Napapitlag naman siya sa gulat.
"G-gagawa na g-gagawa na.."
Sagot niya at dali daling humawak ng ballpen at hinarap isa isa ang mga notebook niya.
"Good."
Sambit ko.
"Tapusin mo yan ha! Bukas na ata deadline ng mga yan."
Dagdag ko pa.
Para naman siyang batang tumango tango.
Napangiti naman ako.
"Sige na.. gawin mo na yan."
Nag lakad na ako papalabas ng kwarto niya.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng mag salita ito.
"P-pano y-yung date?"
Pabulong niyang tanong.
Humarap ako sa pwesto niya.
Natawa naman ako ng mahina. Para kasi siyang nalugi.
"Atupagin mo muna yang pag aaral mo. Aral muna bago landi!"
Pabirong sambit ko.
Ang mukha niyang parang nalugi ay bigla na lang bumusangot at tinitigan ako ng masama.
Nag tatawang lumabas ako sa kwarto niya.
"Bata ka pa talaga."
Bulong ko habang naiiling at bumalik na sa kwarto ko upang mag palit ng damit.