Episode 12 A Date???

1242 Words
"Uy ate Claire?" Kalabit sa akin ni Acasia at bumalik muli sa pag pupunas ng pinggan. "Hmmm?" Himig ko at napabaling ng tingin sakanya. Umalis ako mula sa pag kakasandal sa pader at tumabi sakanya. Tinulungan ko narin siya sa kanyang gawain. Humilig naman si Acasia sa bandang tainga ko at bumulong. "Bakit ang sama ng tingin sayo ni ma'am?" Wika niya sabay nakaw ng tingin sa batang akala mo mangangain na ng tao sa paraan ng pag titig sa akin habang kumakain. Hindi siya sumabay sa amin mananghalian. Nagtama naman ang aming mga mata at ang tanging nagawa ko lamang ay bigyan siya ng isang ngisi na lalong ikinasama ng tingin nito sa akin. Haha! Mamatay ka sa inis. Ibinaling ko ang aking atensyon sa katabi ko. "Wala yun. Hayaan mo siya." Natatawang sambit ko habang pinupunasan ang baso. "Ano ba kasing nangyari ha? Bakit sumigaw si ma'am kanina? Nag alala kami ni manang non." Curious pang tanong nito. Sa narinig, hindi ko tuloy mapigilang mapahagikgik kasabay non ay ang pag bagsak ng kubyertos sa lamesa at marahas nitong pag tayo sa upuan. Marahil narinig niya ang tawa ko. Siguro may hinala narin siya na siya mismo ang pinag uusapan namin sa mga oras na ito. Tumikhim naman ako at taas noong napagawi ng tingin sakanya at ibinalik muli kay Acasia. "Alam mo Acasia, sa mga panahong ito, marami nang taong nananamantala, kaya dapat ikaw.. mag ingat ka sa mga taong ganon, at dapat palagi kang malakas at alerto sa lahat ng oras para hindi ka maisahan. Huwag mong hayaang mawala yang kinaiingat ingatan mo." Sinadya ko talagang lakasan ang aking boses ng marinig ng batang manyak na iyon ang pinupunto ko. Napaismid naman siya sa narinig at walang sabi sabing umalis sa hapag kainan na lihim kong ikinatawa. "Uhmm ate Claire ang weird niyo pero sige po. Lagi ko po iyan tatandaan." Tugon sa akin ni Acasia at tinapos ng punasan ang huling pinggan. Napatango tango naman ako habang nangingiti. "Good." Wika ko at tinapik tapik ang kanyang balikat. ----------------------------- Tahimik ang buong paligid. Mata sa mata Walang sino mang umiimik sa aming dalawa. Hindi parin nawawala ang tingin niyang kay talim. Nandito ako ngayon nakaupo sa sofa kaharap ang batang manyak na ito. Napakunot naman ako ng noo kasi kanina pa siya walang imik at mariin niya lang akong tinitingnan? Ano to? Tinawag niya ba ako dito para mag titigan lang kami? Maya maya pa'y ang matatalim na tingin na pinupukol niya sa akin ay biglang nag laho. Bigla na lang itong naging.. Mapungay??? Bigla namang natense ang aking katawan sa nakita. Napatikhim tuloy ako at napalunok sa way ng pagkakatitig niya sa akin, hindi ko din maiwasang hindi mailang. "B-bakit?" Mahinang tanong ko ngunit hindi siya natinag sa pag titig niya kaya di ko tuloy napigilang hindi sumigaw at mag taray sa harapan niya. "Bakit ba ha?!" Taas kilay kong tanong at napahalukipkip. Kaso siya tinaasan niya lang din ako ng kilay at humalukipkip din sabay cross ng mapuputing legs niya. Napadako tuloy yung paningin ko doon. Whooooo! Ineeeeeeet! Napapapaypay na lang tuloy ako sa imahinasyon ko. Ano bang nang yayari sa akin? The last time I check babae pa naman ako ah. Meron nga akong naging nobyo, at si Arthur yun. Ang nag iisang lalaking aking inibig, ang nag iisang lalaking minahal ko noon at ang nag iisang lalaking sumira sa puso ko. Kaso ang pinag tataka ko, nitong mga nakaraan lang kapag naaalala ko ang araw na nag hiwalay kaming dalawa, parang wala na akong makapang sakit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung namanhid na ba o sadyang wala na. Hmmp! Bakit ko ba pinag iisip ang lalaking iyon. Muling ibinaling ko ang aking paningin sa manyak na nasa harapan---- Hala?? Nasaan na----- "Hoy!" "Ay kinabayo!!!" Tili ko sa sobrang gulat. Paano naman kasi nasa tabi ko na pala tong batang ito. Ang lapit lapit ng mukha niya sa akin na halos maramdaman ko na ang mainit niyang hininga. Hindi ko man lang naramdaman ang pag tabi nito sa aking upuan at hindi ko man lang napansin ang pagtayo niya. "Pu-pwede ba....l-lumayo ka nga ng konti." Naiilang na sambit ko. Dinakma ko ang kaniyang mukha sabay layo sa akin. Umayos ako ng upo at nag ayos kunwari ng buhok kahit hindi naman magulo. Kainis! Feeling ko namumula ako ngayon. "Ehem!" Nakuha niya ang aking atensyon dahil sa eksaherada niyang tikhim. "Napapansin ko palagi kang natutulala. May problema ka ba?" Nag aalalang tanong niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pinatawag niya ba ako para dito? Hindi ko mapigilang itanong sa sarili. Kung oo.. Uhmm... I found it..sweet. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mangiti. Bigla ding nakaramdam ng kung anong saya itong puso ko. ".......concern lang ako sa iba pang nakatira dito sa bahay baka mamaya kasi nababaliw ka na tapos sila manang ang una mong mabiktima." Dagdag niya. Sa narinig, ang ngiting nakapaskil sa mukha ko ay unti unting nawala. Punyemas na batang ito. Nandon na eh! Mano't pinanindigan niya naman na may care siya sa akin! "Grabe ka sa akin!" Sambit ko at kinurot siya sa tagiliran. "Aaraay! Ano ba Claire?!" Reklamo niya. "Kung hindi lang kita crjxhakdbdlsisjsbakis" hindi ko naman naintindihan ang pinag sasabi niya kasi pahina ng pahina ang boses nito. "Kung may sinasabi ka, lakasan mo! Hindi yung bubulong bulong ka diyan." Pinang ikutan ko siya ng mata. Aba! Baka mamaya kung anong panlalait na pala ang pinag sasabi ng manyak na to. Hindi naman malayong mangyari iyon dahil sa ginawa ko sakanya kanina. Bigla naman siyang napabuga ng hangin at inis na isinuklay ang kanyang mga daliri sa buhok niya. "Ikaw na babae ka ha? Sumusobra---" Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin. Wari'y pinipigilan niyang magalit sa harapan ko kaso visible naman sa kanyang magandang mukha na bwisit na bwisit na siya. Napapasabunot na nga lang siya sa buhok niya. Pinanood ko na lamang siya na para bang sasabog na anumang oras. Nang kumalma ay umayos ito ng upo. "Okay, ganito.." Panimula niya. Mataman naman akong nakinig. "Samahan mo kong kumain sa labas bukas." Sambit niya at nag iwas ng tingin sa akin. Kunot noong tiningnan ko ito "Sa labas? Eh bakit ka pa don kakain kung pwede naman dito?" Tanong ko. Para namang hindi siya mapakali at nag likot ang kaniyang mga mata. "Hindi mo ba nagegets?!" Biglang sigaw niya na siyang ikinaigtad ko sa gulat. Bakit ba bigla bigla siyang nagagalit? Marahas na tumayo ito. "Ang sabi ko, samahan mo akong kumain sa labas! Kakain tayo sa labas! Tayong dalawa!" Muling sigaw niya with matching hand gestures pa. Tinuturo pa niya yung pinto na wari mo'y doon kami kakain. "Ano?! Hindi mo parin ba gets?!" Inis na tanong niya. Nalilitong tinitigan ko ito. "Kakain ka sa labas? sasamahan kita?" Patanong na sambit ko. Nalukot naman ang mukha niya sa narinig. "Ewan ko sayo!" Muling sigaw niya at nag martsa na paakyat ng hagdan. Naiwan naman akong tulala dito sa sofa. Ano bang hindi ko magets don? Tanong ko sa sarili. Kakain sa labas, sasamahan ko siya. Kakain kaming dalawa sa laba---- Wait..... Teka....... Loading...... loading.... Tama ba ang naiisip ko??? "Tomorrow! Six in the evening. Mag suot ka ng magandang damit!" Pahabol na sigaw niya habang nakasilip sa akin bago muli siyang humakbang sa huling bahagdan sa taas. Napatuptop naman ako sa aking bibig. Tama ba itong nasa isip ko?? Ha? Inaaya niya ba ako sa isang........ ....Date???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD