Episode 17 Officially Mine

1607 Words
Mahal ko o mahal ako. Ewan ko ba kung anong sumanib na espirito sa akin ngayon at ako'y hindi maumay umay sa kantang ito. Ano bang meron? Hindi naman ako relate eh. Mahigit dalawampung beses ko na ata tong pinapakinggan at pang hanggang sa ngayon ay hindi parin ako makatulog sa kinahihigaan ko. "Sinong pipiliin ko.....mahal ko o mahal ako..." Bulong ko habang nakahiga ng nakatagilid at tulalang nakatingin  lang sa bintana. Sana hindi bumagyo. Pangit pa naman ng boses ko. Ang dami daming gumugulo ngayon sa isipan ko. Sa mga araw na lumipas ay mas lalo pa akong naguguluhan. Lalo pa akong nahihiwagaan sa sarili ko. Para kasing hindi ko na kilala ang aking sarili dahil hindi ko malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa dalawa. Simula nung araw na nag kita kami ni Arthur, palagi na siyang nandiyan. Nung una ay nag tataka ako kung ano bang nangyayari sa lalaking iyon. Kasi naman, siya po ang nakipag hiwalay sa akin tapos bigla bigla na lang siyang tatawag sa gabi at sasabihing mag kita then nung nagkita na ...aba'y "come back to me" daw. Sinong hindi mawiwindang at maguguluhan. Ngunit kalaunan ay ipinaliwanag na niya ang tunay na nangyari kung bakit iyon naganap. It's all because of his mom. I sigh ng maalala ulit ang araw na yun. "Arthur..." Bulong ko ng biglang sumagi sa akin ang itsura ni Arthur ng madatnan ko siya sa condo niya nung nakaraang linggo. Nagkalat kasi yung mga can beers sa sahig. Sa pag kakaalam ko hindi siya umiinom kaya doon ko napagtanto na may mabigat siyang problema. Hindi ko maiwasang...mahabag. "Please...dito ka muna sa tabi ko. Huwag ka munang mawawala. Mahal kita." Sambit niya at niyakap ako ng mahigpit. Hinayaan ko na lang muna siyang nakayakap sa akin. Hindi ako tumugon. Para kasing hindi parin ma-digest ng utak ko ang mga pangyayari. Sadyang kay bilis. Napapailing na lang ako sa aking kinahihigaan. Bakit ang bobo ko ata ngayon pucha! Nung nakaraang araw lagi ng bumibisita dito si Arthur na siya namang biglang hindi pag pansin sa akin ni Hessa. At speaking of manyak.. hindi na naman ako pinapansin ng loko. Lahat na ata ng bagay kahit pa kahihiyan ay ginawa ko na para mapansin niya kaso poker face lang ang manyak ngayon. Hindi ko siya mabasa. Hindi ko malaman kung ano ba talaga nararamdaman niya na siyang lalong nag papainis sa akin. Nakakainis! Para akong baliw ngayon na napapasabunot sa ulo ko at gumugulong sa higaan. Naalala ko na naman yung araw na may pumunta ditong babae. Bestfriend daw. Utot mo! Bestfriend. Ano nga ulit pangalan non..ja-jamie?...jass?.. Jasmine?? Oo, Jasmine ata. Imported galing America. Kauuwi lang daw. Huh! Kung siya imported, ako local! Aba! Mahalin ang sariling atin! "Hays..sumasakit lang ang ulo ko." Parang nababaliw na sambit ko sa sarili at nahiga ng maayos. Kailangan ko ng matulog. Anong oras na. "Matulog ka na Claire..tulog na." ---------- "Ate Claire?!" "Oh Acasia?" Napatigil ako sa pagpupunas ng mga figurines sa sala ng tawagin ako ni Acasia. Hinihingal naman itong napahinto sa harapan ko. Aba'y tumakbo eh. May problema ba? "A--ate-... Cl--clai--re." Hinihingal niyang bigkas at napahawak na siya sa dalawang tuhod niya. Natawa tuloy ako ng mahina. "Aba'y huminga ka muna Acasia..Baka mawalan ka ng dahon niyan." Biro ko at sa inaasahan, nakatanggap ako ng hampas sakanya. "Ate Claire naman eh!" Ungot niya at nagpapadyak. Lalo pa akong natawa. Mga bata nga naman. "Ano kasi iyon Acasia at talagang tumakbo ka pa dito. Mangungutang kaba? Naku naku! Huwag ako. Aba'y baon din ako sa utang." Natatawang turan ko at dinaan na lang sa biro ang kinakaharap kong problema. Pinag patuloy ko na lang muli ang paglilinis sa mga figurines. Gulat na napatigil ako sa aking ginagawa ng bigla na lamang hablutin ni Acasia ang hawak kong basahan. Muntik pang malaglag ang pinupunasan kong vase. Hutanes! Muntik na! Paniguradong wala akong pambayad don! "Ano ba yon Acasia? Walang hiya ka! Muntik ng mabasag." Kinakabahang sambit ko sakanya. Natawa naman ang gaga at nag peace sign pa sa akin. "Sorry ate. Si Ma'am Hessa po kasi." Napatingin ako sakanya ng tuluyan ng marinig ko ang pangalan ni manyak. "O'h? Anong meron kay manya-- I mean kay ma'am Hessa?" Tanong ko. "Pinapatawag ka sa room niya ate." Tila parang nanakot ang himig ni Acasia habang sinasambit niya iyon. Napakunot noo tuloy ako at hindi rin maiwasang kabahan. Ano na naman kali? "B-bakit naman daw?" Medyo nauutal na sambit ko at tumikhim. Gosh. Kinakabahan ako. "Ewan ko ate. Sobrang seryoso ng mukha ngayon ni ma'am. Alam mo ba ate Claire ngayon ko lang nakita ang ganong ekspresyon sakanya." Dagdag pa niya at para bang lalo pa niyang pinadagdag ang kabang nararamdaman ko. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. May kasalanan ba ako? Ano na naman kali iyon. "Osige, i-ikaw na muna dito." Saad ko at inimosyon sakanya ang ginagawa ko kani-kanina lang. "Sige po ate Claire. " Agad naman siyang tumalima at inumpisahan na niyang mag trabaho. Papihit na sana ako patalikod patungong hagdan ng muli akong tawagin ni Acasia. "Hmm?" Himig ko. "Lagooooooot" Himig niya. Mangali ngali naman akong lumapit sakanya. Binatukan ko nga. Nanakot pa eh. Pagkatapos ng kulitan ay nag tungo na ako sa kwarto ni bata. Eto na yun. Inhale, exhale. Napabuga pa ako ng hangin bago ako kumatok sa pintuan ni bata at gaya nga ng inaasahan, hindi siya umiimik mula sa loob kaya napilitan tuloy akong pumasok na ng tuluyan sa kwarto niya. Pag kapasok ay siyang bungad ko sa seryosong mukha ni manyak. Diretso lang ang tingin nito sa akin. "Maupo ka." Utos niya na agad ko namang sinunod. Wala talaga akong mabasa sa mukha niya ngayon. Ang seryoso masyado. Tila maamong tuta ako ngayon sa aking kinauupuan. Halos hindi mapakali at kung ano anong ideya ang pumasok sa isipan ko. Ano ba kasing pakay ng isang to?! Naiinis na tanong ko sa sarili habang nakatingin sa seryosong bata. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras at nilakasan ang loob na magtanong. Mag tatanong lang naman. "H-hessa, a-ano yon? M-may kailangan ka ba?" Mautal utal kong sambit sakanya. Napangiwi na lang ako ng wala man lang akong natanggap na kahit anong sagot mula sakanya. Napakunot na lang tuloy ako ng noo. Aba'y ako ata'y pinag loloko nito! "Kung wala kang sasabihin bahala ka diyan!" Inis na sigaw ko sakanya at tumayo. Pumihit na patalikod. Hay naku naman Claire! Sana may trabaho ka pa bukas dahil sa ginawa mo! "Be my girlfriend." Napahinto ako sa akmang pag pihit sa seradora ng pinto. Tama ba ang naririnig ko? Dahan dahan naman akong muling humarap sakanya upang kumpirmahin kung tama ba ang narinig ko kani-kanina lang. "A-ano? Anong sabi mo??" Halos pabulong kong sambit at tumingin ng diretso sa mga mata niya na sana pala'y hindi ko na ginawa. Nakakalunod ang mga titig na pinupukol niya sa akin. Parang hindi bata ang kaharap ko ngayon. Parang ako pa ata ang nag mumukang bata sa sitwasyon namin sa mga oras na to. "I said be my girlfriend." Walang pag aalinlangang pag uulit niya sa sinabi niya kani-kanina lang. Para naman akong naengkanto sa narinig. Tulala parin ako sa batang ito. Anong nangyayari? "Hessa hindi magandang biro ya---" "Hindi ako nag bibiro!" Agaran niyang putol sa sasabihin ko at mukhang nainis pa yata. "Ano? Anong sagot mo?" Tanong niya at nagsimula ng humakbang pasulong sa kinatatayuan ko. Napapaatras tuloy ako ngunit siya paring lapit niya sa akin hanggang sa lumapat na lang ang aking likod sa pinto na siyang ikinasinghap ko. Lalong nadagdagan ng kung anong kaba itong dibdib ko at nag sisimula na akong hindi makahinga ng maayos. Ano bang nangyayari sa akin?! "Ano? Sa.got." Mahina ngunit makamandag niyang saad. Inilapit niya ang kaniyang magandang este pangit na mukha sa gawi ko na lalong nag patigil sa akin sa paghinga. Hutanes! Isang batok mo na lang kay bata mahahalikan na niya ako! Ramdam na ramdam ko rin ang kaniyang mabangong hininga na siyang lalong nag pabilis ng puso ko. What to do! What to do! Makalipas ng ilang minuto ay walang ano mang salita ang lumabas sa bibig ko. Nakakahiya kali! Ang lapit niya. Eh kung maamoy niya hininga ko. Hindi pa ako nakakapag toothbrush. Napalunok na naman ako ng makitang napapikit ito ng mariin at huminga ng malalim. Parang nahihirapan itong pigilan ang sarili sa isang bagay na hindi ko mawari. "Nag seselos ako." Panimula niya na ikinagulo lalo ng buhol buhol na wiring sa utak ko. Ano daw? Nag seselos. "Nag seselos ako sa bwisit na kawayan na yun!" Bulong nito ngunit madiin ang pag kakasambit. Teka teka. Sinong kawayan ang sinasa-- Oh my ghad! Napatigil ako bigla sa pag iisip. Ni-yakap niya a-ako. "Ayokong nakikitang hawak hawak ka ng kawayan na yun." Dagdag pa niya at lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Natutulala na lang ako. Maya maya pa'y kumalas ito sa pagkakayakap at tinitigan ako sa mata. "Binabawi ko na pala ang sinabi ko." Ang tulala kong mukha ay biglang sumimangot sa narinig. Sabi ko na nga ba niloloko ako ng batang ito! "Bilang boss mo.....inuutusan kitang maging girlfriend ko." O.o "Girlfriend na kita Claire sa ayaw at sa gusto mo." Pagtatapos niya at iniwan ako sa kwarto. Tulala at hinihintay na ma-digest ng utak ko ang mga sinabi niya. Ano ulit sabi niya? Girlfriend. What?! Girlfriend na niya ako?! Oo.. girlfriend na niya ako. May kung anong mumunting kiliti akong nararamdaman sa sikmura ko at hindi mapigilang ngumiti. Kinikilig narin ako sa kinatatayuan ko. Ngayon malinaw na kung ano ba talaga ang nararamdaman ni bata sa akin. Teka.... Sino si kawayan ??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD