Episode 18 I'd decided

2411 Words
"Pag hindi ka pa tumigil sasampalin na kita!" Nang gigigil na bulong ko sakanya. Heto kami ngayon sa mall. Sabi niya mag date daw kami. "Linawin mo na kasi sa kawayan na yun na may girlfriend ka na!" Maktol niya habang nakatitig ng matalim ngayon kay Arthur na nakapila sa may counter para umorder ng makakain namin. Yep! Kasama namin si Arthur at si arthur pala ang sinasabi niyang kawayan. Ang bully -.- "Pwede ba?! Behave." Sita ko sakanya at pinanlakihan siya ng mata. Wala naman talaga sa plano na isama si Arthur. Nakita lang niya kami ni manyak sa isang ATM machine at ayun, nag kayayaan ng kumain na siyang ikinaikot ng mata ni manyak. "Mag be-behave lang ako pag nasabi mo na." Kung nakamamatay lang ang tingin, panigurado, kanina pa nakahandusay sa sahig si Arth. Hayss.. bata na to. Sa totoo nga lang niyan parang hindi makakauwi ng buhay si Arthur sa way ng titig niya. "Opo lilinawin ko po." Ayan para matapos na ang usapan at tumigil na siya. May plano naman talaga akong sabihin kay Arthur. Nakapag desisyon na ako. Sapat na siguro ang mahigit two weeks na pag iisip tungkol sa bagay na iyon. "Here's the food girls." Sambit ni Arthur at inilapag ang pagkain sa table. Nandito na pala siya. "Tss....girls mo mukha mo." Bulong ng katabi ko at humalukipkip. Hayss.. sana walang maganap na giyera. Naupo na si Arthur at pumwesto sa tapat ko. Iniabot niya ang plate ni manyak pagkatapos non ay inisikaso niya ako. Patuloy lang sa pag lagay ng food sa plate ko si Arthur ng biglang magsalita si bata. "Ako na." Prisinta nito at inagaw ang spoon na hawak hawak ni Arthur. Napa-face palm na lang ako ng wala sa oras. "Babe kain na...." Malambing na turan nito. Binigyan ko naman siya ng isang gummy smile. At ayun na nga.. Nagsimula na kaming kumain. "Claire oh shrimp. Favorite mo yan diba?" Nakangiting turan ni Arthur bago ilapag ang hipon sa plato ko. "Ah he-he?" Napapakamot na lang talaga ako sa batok ko. "Ay! Favorite ko rin yan! Shrimp!" Napapitlag ako sa gulat ng bigla bigla na lang sumigaw itong katabi ko at walang pakundangang kinuha ang shrimp na nilagay ni Arthur sa plato ko kaya in the end, siya po ang kumain non. Maski rin si Arthur ay nagulat kay manyak. "Hmmm..Ang sharap talogo!!" Wika pa niya habang ngumunguya. "O'h favorite mo rin pala yung shrimp." Wika ni Arthur. "Oo eh. Masarap kali. Oishi! Oishi!". Parang batang tugon ni Hessa na ikinatawa ko. Ang cute lang. Napatango tango na lang si Arthur sa tinuran ni bata. "Eto oh Claire... Quail egg." Inilapag ni Arthur iyon sa plato ko. Woooowww! Favorite ko rin iy--- "Wow! Quail egg!!" Sigaw muli ni bata at kinuha ang quail egg na binigay sa akin na Arthur at walang pakundangang kinain yon. Gulat na napatingin ako sakanya. Akin yun eh! "Ang sharap tologo....." She murmured again habang ngumunguya. Napabuntong hininga na lang ako at umiling sa ginawa ni manyak. Tumingin na lang ako sa gawi ni Arthur at nahihiyang ningitian ito. Nakakaunawang ngumiti lang din pabalik si kawayan ay este si Arthur. Buset na manyak na yun, kawayan tuloy. "Uhmmm Claire.." Napatigil sa ere ang pagkaing isusubo ko sana ng mag salitang muli si Arthur. Dahan dahan ko namang ibinaba ang kubyertos na hawak ko. "Bakit?" Tanong ko. "Eto oh... broccoli. Favorite mo rin yan diba?" Nakangiting turan niya. Napangiti rin ako. Favorite ko rin kasi ito. Pagkalapag na pagkalapag ni Arthur ng broccoli ay siya naman tusok ko dito ng tinidor. Akmang isusubo ko na sana iyon ng biglang sumigaw ulit itong katabi ko. "Wow! Broccoli!!" Sigaw ni manyak at marahas na inagaw sa akin ang fork ko at siya ang kumain niyon. Gulat na napatingin ako sakanya at namimilog ang mga mata habang pinag mamasdan ang bawat pag nguya ni Hessa. Maski si Arthur ay nakanganga na lang at natulala sa ginawa ni manyak. Na para bang sinasabing hindi para sayo yan. Nabibigla ako ngayon sa nangyayari. Paanong hindi mabibigla. Eh hindi kumakain ng gulay ang batang ito eh! Ngayon gets ko na. Hindi lang nagkataon, nananadya na ang batang ito. Lihim naman akong napangisi ng may ideyang pumasok sa isipan ko. "Arthur!" Pukaw ko sa atensyon niya. Nakabalik naman sa ulirat si Arthur at inalis ang tingin kay manyak. "Ano yun Claire?" Tanong nito sa akin. I smiled sweetly na siyang ikinangiti niya rin. May narinig akong tumikhim sa paligid pero binalewala ko lang. "Pwede bang akin na lang yang broccoli mo?" Tanong ko at inunguso yung isang plate na punong puno ng broccoli. Mahilig din kasi si Arthur sa gulay na iyon. "Sure! Sure!" Dali dali naman siyang tumalima at iniabot sa akin ang hinihingi ko. "Thank you." "You're always welcome to----" Hindi na naituloy pa ni Arthur ang nais niyang sabihin ng biglang magsalita ulit ang katabi ko. "Broccoli!! Pahingi.." At ayun na nga sumandok siya roon at pinag kakakain iyon. At hindi pa nakontento... Kinuha na niya yung buong plate ko at kinain lahat iyon. Mukha siyang baboy kumain ngayon, seryoso. Halos hindi na ata siya ngumunguya. Lunok lang ata ito ng lunok. Nawaglit ang paningin ko kay bata ng biglang may nag ring na phone. Kay Arthur pala. "Excuse me." Paalam niya at inimosyon ang hawak niyang phone. Tumango naman ako bilang pagsang ayon. Okay, balik tayo kay bata na ngayo'y. Kumakain parin ng sandamakmak na broccoli. Tingnan nga natin. Napahalukipkip na lang ako at nasisiyahang pinag mamasdan siya. Patuloy lang siya sa pagkain niyon at mukhang hindi niya ako napapansin dahil tutok na tutok ito sa ginagawa niya. At hindi nga nag tagal, naubos niya iyon na siya namang sulpot ni Arthur sa harapan ko. "Girls I have to go." "Yeah yeah..you need to go. Mamamatay na ako." May kung anong binulong bulong itong katabi ko na hindi ko narinig kaya ipinasa walang bahala ko na lang. "Osige Arthur. Ingat ka sa pag uwi. At thank you sa libre." Yep, libre niya itong kinakain namin. Ayaw pa nga mag patalo ni manyak kanina. Nag aagawan pa kung sino ang mag babayad. "Salamat. Next time na lang ulit Claire." Napatayo narin ako sa aking kinauupuan. "Sige sige..ingat ha." Yayakapin na sana ako ni Arthur ng biglang may tumulak sa akin. What the f*ck?! Gulat na napatingin ako ngayon sa pwesto ni Arthur na iba na ang kayakap ngayon. Maski si kawayan ay naguguluhan na din. "Sige bro ingat ka sa pag uwi." Paalala ni manyak habang nakayakap sa isa. Tinapik tapik pa niya ang likod nito. Ewan ko lang kung tapik pa ba ang ginawa ng batang ito o kalabog. Napakamot na lang sa kilay si Arthur ng kumalas na sa yakap si Hessa. "Sige, alis na ako. Bye." "Aalis ka ba o hindi?! Umalis ka naaaa." Ano na naman kayang binubulong ng isang 'to. At ayon na po, tuluyan ng umalis si Arthur lulan ng magara niyang sasakyan. Ngayon napatingin ako kay manyak at dali daling lumapit dito. "Hessa ano na naman ba---hessa!" Tili ko ng bigla na lang akong hinatak. "Saan tayo pupunta?!" Kapag kuway tanong ko. Hindi man lang ako nito sinagot. Patuloy parin siya sa pag hila. Hanggang sa matanaw ko kung saan kami patungo. Sa rest room lang pala. Pagkapasok ay binitawan na ako nito. "Stay here. Susuka lang ako." Pag kasambit niya non ay pumasok agad siya sa cubicle. "Noooooooo!" Sigaw ko at hinabol siya. Pag kabukas ko ng pinto ay hinila ko palabas si Hessa at iniangat ang ulo nito. "Cl-aire a-ano ba??? Nasu-suka ako." "Don't! Huwag kang sumuka. Sayang yung broccoli!" Dagdag ko at hinila na siya papalabas ng resto. Tinakpan ko pa ang bibig nito. Inalalayan ko pa itong mag lakad hanggang sa makarating kami ng parking lot. Halatang nahihirapan siya sa broccoli na yun. Haha! Ayokong masayang effort ko. Hirap kali pakainin ng gulay nito. Hindi ko akalaing sa ganitong paraan lang pala siya mapapakain non. "Ako na ang mag d-drive." Prisinta ko at inayos ang seatbelt niya. "Better be." Nahihilong bulong nito. Hindi ko muna pinaandar ang kotse niya. Pinag masdan ko muna si bata. Hayss, yan kasi. Ang lakas ng loob kainin yung gulay tapos ngayon. Hayss. Napapailing na lang akong dumukot sa bulsa ko. "Oh candy. Kainin mo iyan." Sabay abot sakanya. Matamlay naman itong napatingin sa kamay ko. Hindi man lang siya kumibo o ano kaya naman ako na lang ang nag bukas non at sinalpak sa bibig niya ng matapos. Sorry po. Ganito lang talaga ako. Sweet na ko niyan. Chuckled. Pagkatapos ipakain sakanya ang candy ay pinasibad ko na ang kotse. ---------------------- "Goodnight babe." "Babe mo mukha mo! Alis!" Pagtataboy ko sakanya at pilit na sinasarado ang pinto ng kwarto ko kaso nga lang sadyang malakas si bata. "Nasaan ang kiss ko babe?" Naghihinampong tanong nito at ngumuso pa sa harapan ko. Hay nako. "Pikit." "Huh?" "Sabi ko pikit!" Pag uulit ko. Pumikit agad agad si manyak. Tss.. basta mga ganitong bagay mabilis ang isang ito. Napalunok naman ako ng wala sa oras ng pag masdan ko ang mukha ni bata. Sadyang.....d-diyosa itong nasa h-harapan ko. Napapikit na lang tuloy ako at dali daling binigyan siya ng smack kiss sa labi. Pag katapos non ay tinulak ko na siya palayo at isinara ang pinto. Hinihingal naman akong napasandal sa likod ng pintuan. "Sh*t ka manyak. Magkakasakit pa ako sa puso nito." Bulong ko at napahawak sa dibdib ko. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko at hindi normal iyon. Wala na. Malala na ako. Dahan dahan naman akong nag tungo sa kama at nahiga. Tulalang napatingin ako sa kisame. "Wala pa siyang ginagawa kinikilig na ako. Anu ba yan!" Tili ko at tinakpan ng unan ang mukha ko. Pang hanggang sa ngayon ramdam ko parin ang lambot ng labi niya sa labi ko. Maya maya pa'y napatigil ako sa pag gulong gulong sa kama ng biglang sumagi sa isipan ko si Arthur. Napahiga tuloy ako ng maayos. "Tatawag ba ako o hindi?" Bulong ko habang kagat kagat ang dulo ng aking daliri. Sa totoo lang dapat nung nakaraan pa ako tatawag sakanya. Sa bandang huli, tinawagan ko na. Isang ring pa lang ay sinagot niya agad ang tawag. "Hello Claire bakit?" Bungad niya sa kabilang linya. Napakagat labi tuloy ako. Urgh! Kailangan ko itong gawin. "Arthur, pwede ba tayong mag usap?" Kapag kuway tanong ko. "Tungkol saan?" Kapag kuway tanong niya. "Sa atin." Sagot ko at napaupo sa kinahihigaan ko. Mga ilang saglit na natahimik ang linya. "Kailan?" Napatingin naman ako sa orasan na nakasabit sa dingding. "Kung pwede ngayon na sana." "Sige sige." "Don na lang ulit sa may park." "Sige Claire. Papunta na ako." "Sige, ingat." Dali dali naman akong tumayo at lumapit sa closet. Humugot na lang ako doon ng jacket at isinuot yon. Bahala na kung lumabas akong nakapanjama. Nanguha narin ako ng kaunting pera sa wallet ko at lumabas na ng kwarto. Dahan dahan pa akong bumaba ng hagdan para hindi makagawa ng anumang ingay. For sure tulog na yung bata. Anong oras narin kasi. Pigil hiningang unti unti kong binuksan ang gate. Nakalikha pa ito ng kaunting tunog na siyang ikinaba ko. Napatigil tuloy ako saglit at nag palinga linga sa paligid. Tumingala pa ako upang sulyapan ang bintana ng kwarto ni manyak. Nang masigurong walang nagising ay dali dali na akong lumabas at sumakay agad ng tricycle. "Claire dito!" Sigaw ni Arthur mula sa malayo at kumaway kaway sa akin. Napatingin naman ako sakanya. Huminga muna ako ng malalim bago humakbang patungo sa kinaroroonan niya. Nang makalapit ay inalalayan pa ako nitong umupo ngunit tinanggihan ko. Hindi na kailangan pang umupo, may sasabihin lang ako at iyon na, aalis din ako agad. "Uhmm.. ano pala ang pag uusapan natin?" Nakangiting tanong nito sa akin. Halos hindi na makita ang mata nito. Singkit kasi itong si Arthur. Lagi pa nga akong kumakanta ng chinito kapag kasama ko siya. Napahugot muna ako ng hininga at tumingin ng mataman sakanya. Ito na yun. "Arthur, mas okay siguro kung..itigil mo na." Ang ngiting nakapaskil sakanyang labi at mata ay unti unting nawala. Ang maputi nitong balat ay unti unting namula. "B-bakit?" He said in a crack voice. Sh*t.. ayoko ng mga ganitong scene. Akala ko okay lang sa nang re-reject ang ganitong tagpo at mas masakit ang part ng nareject. Hindi ko inakalang..mahirap rin pala at mabigat sa kalooban ang mang reject ng tao. Hutanes! "M-may...." I gulped at nag baba ng tingin. "M-may mahal na akong i-ba.." Bulong ko at napayuko na ng tuluyan. Ayokong makita ang sakit na gumuguhit ngayon sa mukha ni Arthur. Ayokong makita. "W-what?" Bulong nito. "Huh! Your funny Claire..." Natatawang sambit nito. Nag angat naman ako ng tingin ng marinig ko iyon. "Hindi ako nag bibiro Arthur. May mahal na akong iba." Pag uulit ko rito. Napahaplos ito sakanyang buhok at natawa ng mapakla. "Gumaganti ka ba?" Sa sinabi niya'y nanlaki ang mata ko. "Huh? Hindi! Ano ba yang sinasabi mo?" Tanong ko rito at lumapit sakanya ng bahagya. "G-gumaganti ka dahil nasaktan kita noon. Kung iyon nga ang intensyon mo sa araw na to, sige, p-panalo ka n-a. Nasasaktan ako." Sa mga oras na iyon, unti unting tumulo ang mga luha sakanyang mga mata. Napapikit ako. "Pe-ro Claire pinag sisisihan ko na iyon. N-aipaliwanag ko na ang side ko diba?" Dagdag pa niya. Nag iwas na lang ako ng tingin. "Tama na Arthur. Una sa lahat, nag kakamali ka, hindi ako gumaganti. Sadyang may mahal na ako. Ang kaso nga lang, this time. Hindi na ikaw..." "Kundi siya." Dugtong niya. Mukhang kilala na niya kung sino. "Salamat Arthur sa three years na pinag samahan natin. Salamat sa pagiging gentleman mo. Salamat sa mga love letters mo. Salamat sa mga teddy bears at chocolates na natatanggap ko tuwing monthsary natin. Salamat sa pag unawa at pag respeto mo sakin. Sana this time, maintindihan mo ako." Pagtatapos ko at tuluyan na akong pumihit patalikod sakanya. Kada hakbang ay siyang pag luwag ng aking dibdib sa nangyari. Malungkot man dahil nakasakit ako ng damdamin ay mas mabuti ng nangyari narin ito. I choose Hessa over him at wala naman akong makapang pagsisisi dito sa dibdib ko. "Claire!" Napahinto ako sa paghakbang ng tawagin niya ako ngunit hindi ako lumingon. "I'm not done." Kapag kuway sambit niya.. "Kaso Arthur ako tapos na...sorry." Sambit ko at hindi ko siya nilingon. Nag patuloy na akong maglakad papalayo sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD