May I see you tonight? Maghihintay ako dito sa burol since i know i can't find where you are. I'll just wait. PAULIT-ULIT SA isipan ni Leighra ang huling sinabi ni Noah sa kaniya. Hindi alam ni Leighra kung pupuntahan niya ba ito sa burol o hahayaan nalang dahil hindi niya alam paano ito haharapin ngayong narealize niyang ang mabilis na pagtibok ng puso niya para kay Noah ay dahil nahulog na siya dito. Hindi alam ni Leighra paano niya pakikitunguhan si Noah gayong umamin na ito sa kaniya, at nalaman na niya ang nararamdaman niya para dito. Ngayon lang nahihirapan si Leighra sa kung anong desisyon ang gagawin niya, lalo pa at umuwi sa knight mansion ang magulang nila ni LAY. Bahagya pa siyang nasermunan ng kaniyang ama pero alam niyang nagtatampo lang ang mga ito dahil hindi siya madalas

