DAHAN-DAHAN NA minulat ni Leighra ang kaniyang mga mata dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha niya. Paupong bumangon si Leighra at bahagyang inunat ang kaniyang mga mata ng matigilan siya at idako niya ang kanang daliri niya sa kaniyang labi. Hindi alam ni Leighra kung panaginip lang ang nangyari kagabi, kung saan walang pagdadalawang isip niyang sinabi kay Noah na mahal niya na din ito. Hindi lubos maisip ni Leighra na ang lalaking kinaaasaran niya lang noon ay ang lalaking nagpakbog sa puso niya ngayon. Tugma man ang nararamdaman nila sa isa't-isa, ay hindi pa masabi ni Leighra ang level nila ni Noah since parehas nilang hindi napag-usapan kagabi kung anong status na ng relasyon nila. "Hindi ko na mababawi ang nasabi ko na, hiding a feelings is hard so it's better that i did sabi

