Chapter 06: WAYS TO DRINK

1137 Words
"Kuya Noah okay lang po ba siya?" "Bakit po siya nahimatay?" "Kuya Noah bakit dinala natin siya dito sa bahay?" Ilan sa mga nag uusisang tanong ng mga bata kay Noah habang nakatingin sila kay Leighra na dinala ni Noah sa maliit na bahay na ibinigay niya sa mga batang kasama niya. Kita niys ang mabilis na paghinga ni Leighra, ramdam niya kanina ang sobrang init ng katawan nito kaya alam niyang mataas ang lagnat nito dahilan para mawalan ito ng malay. Honestly, hindi expected ni Noah na muli niyang makikita si Leighra. Hindi niya inasahan na makikita niyang kausap nito ang mga batang ayaw magpadala sa bahay-ampunan niya, kaya binigyan niya ng sariling matitirhan. "Hindi ba bilin ko sa inyo na huwag na kayong titigil sa tabing kalsada? Bakit niyo ako sinuway?" mabining sermon ni Noah sa mga bata na napayuko sa kinatatayuan ng mga ito. Isa sa hindi maintindihan o maexplain ni Noah sa kaniyang sarili, despites sa mga naituro ng kaniyang lolo at isa na doon ang huwag magkaroon ng simpatya ay hindi niya matiis ang mga batang iniwan ng mga magulang, dahilan upang magpatayo siya ng bahay ampunan. "Pasensya na po kuya Noah, nang sabihin niyo po kasi na pupuntahan niyo po kami para bigyan ng allowance po namin, gusto po namin na abangan namin po kayo sa usual place kung saan niu po kami nakita." sagot ng batang lalaking pinakamatanda sa mga ito. "Next time makinig kayo sa akin, anong gagawin niyo pag nakita kayo ng mga taga DSWD? Deretso nila kayong dadalhin sa bahay-ampunan na ayaw niyo." ani ni Noah na ikinalapit ng batang babae sa kaniya at humawak sa laylayan ng shirt niya. "Sorry po kuya Noah...." "Bakit kayo nilapitan ng babaeng ito?" pag-iibang tanong ni Noah na muling ibinaling ang tingin kay Leighra na pansin niyang pinagpapawisan dahil sa pakiramdam nito. "Inalok niya po kami ng pagkain, sabi niya po ililibre niya kami. Sobrang ganda nga po niya kaya di po namin naisip na baka masamang tao po siya." sagot ng mga bata kay Noah. "Ikuha niyo ako ng maligamgam na tubig at towel, mataas ang lagnat niya kailangan natin mapababa." utos ni Noah na agad kumilos ang mga bata at iniwa siya. Pinagmasdan ni Noah si Leighra na iniayos niya ang pagkakakumot nito dahil tingin niya ay nilalamig ito. "It's confusing that I can't find more interesting information about you, but it's even more confusing why I keep accidentally seeing you. That's odd; why is that?" sambit na ani ni Noah kay Leighra na tulog. Umupo si Noah sa gilid ng papag na hinihigaan ni Leighra bago niya kinuha ang cellphone niya at may tinawagan na agad din naman na sumagot sa kaniya. "Yoho Sandford! I need your assistance." bati ni Noah sa isa sa mga bound emperor niya sa underground society. "What assistance do you need, Valdemor? After you asked me to check up on the woman involved with Ignacio, what else related to phantoms do you want me to do?" seryosong tinig ng kausap ni Noah na malamig niyang ikinatawa dito. "Don't worry, Sandford, hindi involved ang Phantoms sa itinawag ko sayo. I Just want you to check someone for me, i will send you the address." ani ni Noah bago niya pinatay ang tawag niya dito. Napabaling nalang ang tingin niya kay Leighra ng magising uto at dahan-dahan na nagmulat at napalingon kay Noah. "Mabuti at gising ka na, baka i advance mo na naman ang naiisip mo at sabihin mong may ginawa ako sayo kaya uunahan na kita. You lost your conciousn---" natigilan at hindi natapos ni Noah ang sasabihin niyang mapababa siya ng tingin sa kamay ni Leighra na napahawak na sa damit niya habang namumungay ang mga matang nakatingin sa kaniya. Dahil doon ay napansin na ni Noah ang bluish eyes na color ng mga mata ni Leighra. "Wa-water...."sambit ni Leighra ng magsibalikan na ang mga bata na dala-dala ang inutos nito. "Paeng." "Bakit po kuya Noah?"sagot ng batang lalaki na lumapit kay Noah. "Ikuha mo akong isang basong tubig." utos ni Noah na walang tanong-tanong ang bata na agad na sinunod ang pinapagawa ni Noah. Agad na ibinaling muli ni Noah ang tingin niya kay Leighra bago ito inalalayan na paupong bumangon, kung saan agad na pumuwesto si Noah sa likuran nito at isandal sa dibdib niya si Leighra na nanghihina ang buong katawan. Nang makabalik ang bata ay agad nitong inabot kay Noah ang basong tubig na kinuha nito. "Here's the water." ani ni Noah na itinapat sa bibig ni Leighra ang baso ng tubig na sa sobrang panghihina ng katawan ni Leighra ay hindi ito makagalaw ng ayos na napansin ni Noah. Hindi maunawaan ni Noah bakit ginagawa niyang asikasuhin ang isang babaeng wala namang kinalaman sa kaniya. Akala niya para lang kay Irish ang ganitong aksyon na ginagawa niya, pero hindi niya inasahan na magagawa niya ulit na mag alaga ng isang babaeng hindi niya maiwasang alagaan. "I'm doing this because you need one, and your body are not in the good state right now." ani ni Noah na uminom ng tubig bago bahagyang binuksan ang labi ni Leighra at idinako sa labi nito ang labi niya upang mapainom ito ng tubig na kailangan nito. Agad na nagtalikod ang mga bata sa ginawa ni Noah, may ilan man na curious pero pinatalikod sila ng nakakatanda sa kanila kung saan hindi magandang makita ng mga bata. Muling uminom si Noah at muling idinako iyon sa bibig ni Leighra na walang magawa kundi inumin ang tubig na binibigay ni Noah gamit ang bibig nito. Nang mapainom na ni Noah si Leighra ng tubig sa pamamagitan ng bibig niya ay nagkasalubong ang kanilang mga mata. Hindi na maiwasan ni Noah na mapatitig ng matagalan kay Leighra at sa mga mata nito. "Is it me or your eyes color change? As I remembered you have a brownish eyes color, pero bakit parang kulay asul na dagat ang nakikita ko sa mga mata mo ngayon?" sambit ni Noah ipikit ni Leighra ang mga mata niya kung saan miya-miya pa ay bumalik na ito sa pagkakatulog nito. Napabuntong hininga nalang si Noah at dahan-dahan na muling ipinahiga si Leighra sa papag at inayos ang pagkakamumot nito. Nang maihiga na niya ng ayos si Leighra ay deretso niyang inubos ang laman ng baso ng tubig na hawak niya. Noah still feels the soft lips of Leighra, dahilan upang ibalik niya ang tingin niya sa natutulog na muling si Leighra. "I feel something unusual, different from what I feel for Irish. It is like...." napabuntong hininga si Noah at bahagyang napatawa sa naiisip niya. "What am i saying?"ani ni Noah na kinuha ang cellphone niya at nagsend ng text kay Leviticus na dalian nitong pumunta sa kung nasaan ito at matingnan na ng ayos si Leighra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD