Chapter 13

1502 Words
Belle’s POV Mag-aalas-diyes na pero wala pa rin si Randy. Nangako pa naman itong uuwi nang maaga, pero namuti na ang mga mata niya sa kahihintay, wala pa rin ang asawa niya. Napabuntong-hininga si Belle at malungkot na napaupo sa gilid ng kama. Ang bigat sa dibdib niya. Naalala niya si Calix, nag-message siya dito kanina para magpasalamat at sabihin na ibabalik niya ang ₱5000 na dagdag na bayad nito. Pero hanggang ngayon, hindi ito nagrereply. Napapikit siya, ramdam ang pagod na sumasabay sa lungkot. Wala na siyang lakas maghintay pa. Dahan-dahan siyang nahiga sa tabi ng anak niyang si Lira at niyakap ito nang mahigpit, parang doon niya gustong isiksik ang lahat ng bigat na nararamdaman. Ilang sandali pa, dinalaw na siya ng antok at tuluyan siyang nakatulog, may kirot pa rin sa puso. Randy’s POV Ala-una na nang makauwi si Randy. Magaan ang pakiramdam niya habang binubuksan ang pinto, may ngiti pa sa labi. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kanina, si Chloe, at kung paano siya nito pinasaya. Iba ang babaeng iyon, palaban, walang takot, at para bang alam lahat ng gusto niya. Napailing siya habang naaalala ang mga sandaling magkasama sila. Halos tumirik ang mata niya sa sarap, parang wala na siyang ibang inisip kundi ang katawan ni Chloe at ang husay nito sa kama. Lalo na ng umibabaw ito sa kanya. Pero kasabay ng alaala ay biglang pumasok sa isip niya si Belle. Si Belle na laging tahimik, mahinhin, at para sa kanya, parang hindi marunong magbigay ng apoy sa kama. Napabuntong-hininga siya, bahagyang natawa na lang sa sarili at umiling ulit. Hindi niya alam kung bakit parang laging bitin siya kay Belle, pero kay Chloe, parang palaging sapat. Tahimik niyang binuksan ang pinto ng kwarto. Bumungad sa kanya si Belle at ang anak nilang si Lira, mahimbing na natutulog. Ilang segundo siyang natigilan. Nakita niya ang payapang mukha ni Belle, nakayakap sa kanilang anak na para bang hawak nito ang buong mundo. May kumurot sa dibdib niya—isang munting kirot na mabilis din niyang binalewala. Napabuntong-hininga siya at bahagyang natawa sa sarili. “Naive pa rin,” bulong niya, sabay iling. Hindi niya alam kung bakit laging bitin siya kay Belle—pero kay Chloe, palaging sapat. At sa halip na guilt ang manaig, muling sumagi sa isip niya ang mukha ni Chloe at ang init ng kanilang gabi. Ngumisi siya bago dahan-dahang humiga sa kabilang side ng kama, pumikit na may lihim na kasiyahan sa kanyang isipan. Belle’s POV Maaga pa nang magising si Belle. Tahimik ang buong bahay, at ramdam niya na nakauwi si Randy kagabi dahil naroon na ito sa kabilang side ng kama. Tumayo siya para maghanda ng almusal. Habang inaayos niya ang damit ni Randy na nakasampay sa upuan, napansin niya ang kakaibang amoy, hindi iyon ang usual na pabango ng asawa niya. Mas matapang, mas malandi ang amoy, parang pabango ng babae. Napakunot ang noo niya at biglang kumabog ang dibdib. “Siguro galing lang sa office…” bulong niya sa sarili, pero hindi mawala ang kaba sa loob niya. Napatingin siya kay Randy na mahimbing pa ring natutulog. May napansin pa siyang mapulang marka sa may gilid ng leeg nito. Napalunok si Belle. Pinilit niyang huwag isipin ang masama, pero habang niluluto ang almusal, hindi niya maiwasang maramdaman ang bigat sa dibdib at ang malamig na takot na baka may nangyayari na siyang hindi alam Tahimik na inihain ni Belle ang almusal. Pinilit niyang ngumiti nang bumangon si Randy at umupo sa hapag, pero ramdam niya ang lamig sa dibdib niya. “Good morning,” bati ni Randy, parang wala lang. “Good morning,” tipid na sagot ni Belle, sabay abot ng kape. Habang kumakain si Randy, nakatingin lang siya dito sandali at muling bumalik sa alaala ng pabango at ng markang nakita niya kanina. Gusto niyang magtanong. Gusto niyang alamin kung saan talaga ito galing kagabi. Pero pinili niyang manahimik. Hindi pa siya handa marinig ang posibleng sagot. “Maaga ako uuwi mamaya,” casual na sabi ni Randy habang kumukuha ng pandesal. Tumango lang si Belle at ngumiti ng kaunti, kahit may kirot sa loob. Pagkaalis ni Randy, napaupo siya sa lamesa at napahawak sa dibdib. Parang ang bigat-bigat ng puso niya. Ramdam niyang may unti-unting nababasag sa loob, pero pinili niyang huwag umiyak. Hindi pa ngayon. Pagkaalis ni Randy, nanatili lang si Belle sa hapag. Tahimik ang buong bahay, pero sa loob niya parang ang ingay-ingay ng utak niya. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang luha niya. Pilit niyang pinupunasan pero tuloy-tuloy pa rin. “Baka… may babae na naman si Randy,” mahina niyang bulong. Biglang kumabog ang puso niya sa takot. Naalala niya ang dati, noong sila pa lang na magkasintahan. May mga pagkakataong niloko siya nito pero pinatawad niya, dahil nang ipinanganak si Lira, nakita niya kung gaano kamahal ni Randy ang anak nila. Doon siya naniwalang nagbago na ang asawa niya. Pero ngayon, hindi niya mapigilang tanungin ang sarili. “Mahal pa ba talaga ako ni Randy? O nananatili lang siya dahil kay Lira?” Hinayaan niyang bumagsak ang ulo niya sa mesa at humikbi nang tahimik, takot na marinig ng anak na umiiyak siya. Parang unti-unting humahapdi ang bawat alaala nila ni Randy, at ngayon lang niya naramdaman na baka hindi na siya sapat para dito. Calix’s POV Hindi na sana makikipagkita si Calix kay Belle. Para sa kanya, maliit na bagay lang ang ₱5000 at hindi na niya kailangan pang ibalik iyon. Pero nang mag-message si Belle na gusto niyang isauli ang pera, pumayag siya. Pinili niya ang isang high-end restaurant. Para sa kanya, gusto niyang dalhin si Belle dito para maramdaman nito na espesyal ito. paborito niya ang lugar, tahimik at maayos. Pero nang dumating si Belle at makita ang lugar, halatang nagulat ito. “Dito tayo?” tanong ni Belle, napatingin sa paligid. Kita sa mukha niya ang hiya. “Yeah. Para mas maayos ang usapan natin,” simple lang ang sagot ni Calix at inalok sila ng upuan. Tahimik na iniabot ni Belle ang maliit na sobre. “ Sir Calix, salamat dito pero sobra kasi ang binigay mo. Eto na yung ₱5000,” maingat na sabi nito, halatang gusto lang tapusin ang pakay niya. Tinanggap ni Calix ang sobre at bahagyang ngumiti. “You didn’t have to return it, pero naiintindihan ko.” Habang kumakain sila, napansin niyang medyo naiilang pa si Belle sa simula. Parang pakiramdam nito hindi siya bagay sa lugar, pero unti-unting lumuwag ang ekspresyon nito nang makitang relaxed lang siya at hindi siya hinuhusgahan. Tahimik lang si Calix habang pinapanood sina Belle at Lira. Hindi niya pa alam ang bigat na dala nito, pero nararamdaman niyang may kung anong lungkot sa likod ng mga mata nito. Tumingin siya sa mata nito at saglit na natigilan. Hindi niya alam kung bakit, pero may nakita siyang lungkot sa likod ng ngiti nito. Habang kumakain silang tatlo, pinapanood lang niya si Belle at Lira na mag-usap. Tahimik siya pero sa loob niya, may gumuguhit na kuryosidad—gusto niyang malaman kung ano ang bigat na dala nito, pero alam niyang may tamang oras para doon. Belle POV Habang kumakain silang tatlo, medyo naiilang si Belle sa una. Pakiramdam niya ang out of place niya sa mamahaling lugar na ito, lalo’t simpleng bagay lang naman ang pakay niya. Pero habang tumatagal, napansin niyang hindi naman siya hinuhusgahan ni Calix. Relax lang ito, maayos kausap, at walang kahit anong yabang sa tono. Napatingin siya kay Lira na masayang kumakain ng dessert na in-order ni Calix para dito. Napangiti si Belle kahit hindi niya namamalayan. Sa gitna ng lahat ng bigat na nararamdaman niya, ngayon lang siya nakaramdam ng konting gaan sa dibdib. Tahimik na napangiti si Belle. “Thank you. Pasensya na kung naabala pa kita.” “Hindi ito abala,” sagot ni Calix, sabay tingin kay Lira na masayang nakatingin sa menu. “Actually, it’s nice to see you outside of work. And to finally meet Lira.” Nakangiti si Belle nang marinig iyon. “Say thank you, Lira. Siya yung nagbigay ng ice cream mo.” “Thank you, Tito Calix!” masayang sagot ng bata. Napangiti si Calix at bahagyang lumambot ang mukha. “You’re welcome. You remind me of my little sister when she was your age.” Sandaling natahimik si Belle, napatingin kay Calix. May kung anong lambing sa paraan ng pagsasalita nito—hindi mabigat, hindi mapanuri. “Ang bait mo naman,” mahina niyang sabi. Ngumiti lang si Calix. “Hindi ako mabait. Gusto ko lang maging fair sa mga taong nagpapakahirap. You worked hard. You deserve to be appreciated.” Napakagat-labi si Belle, pilit na pinipigilang mapaluha. Hindi siya sanay na may ganitong kumakausap sa kanya. “Salamat, Sir Calix,” mahina niyang sagot. “Kailangan ko yatang marinig ‘yon ngayon.” Hindi na siya tinanong ni Calix kung bakit, at doon siya lalong nakahinga. Walang pressure, walang panghuhusga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD