Pagkatapos nilang kumain, tumayo na sila.
“Belle,” tawag ni Calix habang papunta sila sa labas, “gabi na rin. Let me drive you home.”
Napatingin si Belle kay Lira, tapos kay Calix. Saglit siyang nag-alinlangan.
“Huwag na, makakauwi naman kami—”
“Insist ko na,” sabat ni Calix, mahinahon pero seryoso. “Gusto ko safe kayo makauwi.”
Napabuntong-hininga si Belle at bahagyang ngumiti.
“Okay… thank you.”
Sa biyahe pauwi, tahimik lang siya sa simula. Pero habang tumatakbo ang sasakyan, napansin niyang hindi mabigat ang katahimikan nila. Hindi awkward, parang ligtas.
Belle’s POV – Sa Bahay
Pagkabihis ni Lira at makatulog na ito, lumabas si Belle para ayusin ang mga plato sa kusina. Tahimik lang si Randy na nakaupo pa rin sa sofa, pero maya-maya ay nagsalita ito.
“San ka ba galing kanina?” tanong nito, casual ang tono.
Huminga ng malalim si Belle. “Nakipagkita ako kay Sir Calix… para isauli yung ₱5000 na tip niya noong catering.”
Napatingin si Randy, bahagyang kunot ang noo. “Sana tinanggap mo na lang. Sobra yaman ng gago na yun, wala sa kanya ang ₱5000.”
Napayuko si Belle at mahina lang na ngumiti. “Hindi ako sanay tumanggap ng sobra, Ran. Gusto ko lang maging fair.”
Walang sinabi si Randy saglit, pero sa loob niya, may kung anong kumislot. Hindi siya nagseselos, alam niya sa sarili na ang mga katulad ni Calix, hindi papatulan si Belle. Pero bakit parang hindi niya gusto na ito mismo ang nag-abot ng pera kay Calix?
Napatingin siya kay Belle na abala sa pag-aayos ng plato, pero hindi na siya nagsalita pa. Nagkibit-balikat na lang siya, piniling huwag palalimin ang usapan.
“Bahala ka,” maikli niyang sabi, sabay balik ng tingin sa cellphone.
Pero kahit anong gawin niya, may bahagi sa isip niya na paulit-ulit bumabalik sa sinabi ni Belle, na nakita nito si Calix. At doon siya bahagyang napaisip kung bakit siya parang naiirita.
Randy’s POV
Ilang araw na ang lumipas mula noong sinabi ni Belle na nakipagkita siya kay Calix para isauli ang pera. Sa una, hindi iyon big deal para kay Randy. Pero ngayon, napapansin na niyang may nagbago.
Hindi na siya masyadong kinakausap ni Belle tuwing gabi. Hindi na ito sumasabay sa mga biro niya. Kahit ang simpleng pagtimpla ng kape sa umaga, tahimik na lang at walang lambing.
Napansin niya ring mas madalas nitong buhusan ng oras si Lira o ang pagtitinda nito ng ulam. Parang wala na siyang espasyo sa araw nito.
“Belle, kumain ka na ba?” tanong niya isang gabi habang nakaupo sila sa hapag.
“Oo, kanina pa,” maikling sagot nito at nagpatuloy sa pagligpit.
Hindi niya alam kung bakit pero naiinis siya. Hindi siya sanay na hindi siya napapansin. Hindi siya sanay na parang wala lang siya sa mundo ni Belle.
Napahinto siya at napatingin sa asawa habang nakatalikod ito, abala sa pagpunas ng mesa.
Bakit parang lumalayo siya? tanong niya sa sarili.
Bigla niyang naalala si Calix. Hindi siya nagseselos — o iyon ang pilit niyang iniisip. Pero bakit kapag naaalala niya ang pangalan ng lalaking iyon, parang may sumasakit sa loob niya?
Napakagat-labi si Randy at tumahimik na lang. Sa unang pagkakataon, hindi siya sigurado kung paano lalapitan si Belle.
Randy’s POV – Kinagabihan
Biyernes ng gabi, galing si Randy sa inuman kasama ang mga kaibigan. Sanay na siya na kapag umuuwi ng late, andoon si Belle na naghihintay kahit inaantok. Pero ngayong gabi, pagpasok niya sa bahay, tahimik na tahimik.
Tinignan niya ang orasan — alas-diyes pa lang. “Belle?” tawag niya. Walang sumagot.
Dumeretso siya sa kwarto at doon niya napansin na wala si Belle at si Lira lang ang natutulog.
Napakunot ang noo niya. Hindi man lang siya sinabihan ni Belle na aalis ito.
Habang nag-aalis ng sapatos, napansin niya ang isang maliit na note sa lamesa:
> “May lakad lang ako, kasama si Kaye. Wag ka na mag-alala, nakapag-dinner na kami. – Belle”
Hindi niya alam kung bakit pero parang bigat sa dibdib ang naramdaman niya. Kung dati, kahit simpleng punta sa palengke, nagte-text pa sa kanya si Belle para ipaalam. Ngayon, sulat na lang?
Umupo siya sa gilid ng kama at napabuntong-hininga.
Bakit parang wala na akong lugar sa buhay niya?
Maya-maya, narinig niya ang lagaslas ng tricycle sa labas at ang tunog ng tarangkahan. Dumating na si Belle.
Pumasok ito sa bahay, mahinang kumatok sa pinto ng kwarto. “Nandito na ako,” maiksi nitong sabi bago nag-ayos ng gamit.
“Bakit hindi ka man lang nag-text?” medyo malamig na tanong ni Randy.
“Iniwan ko naman yung note, Ran,” sagot ni Belle, pagod ang boses.
Hindi na siya sumagot. Nakatitig lang siya kay Belle na abala sa pagpalit ng damit. Sa unang pagkakataon, ramdam niya ang kakaibang distansya, hindi lang pisikal, pati emosyonal.
Habang nakahiga siya at nakatalikod kay Belle, hindi niya maiwasang mapaisip:
May alam na kaya siya sa sekreto ko? pero imposible.
Belle’s POV – Kinabukasan
Habang nag-aayos si Belle ng mga order para sa maliit nilang catering, bigla siyang nakatanggap ng message.
Sir Calix:
> Good morning, Belle. Thank you ulit sa effort mo.
Kamusta si Lira?
Napangiti si Belle sa message. Mabilis niyang nireplyan:
Belle:
> Good morning din po. Okay naman si Lira, nasa school na po.
And thank you po sa pag-invite kagabi.
Simple lang ang usapan pero napansin ni Belle na gumaan ang pakiramdam niya. Parang may nakakaalala sa kanya at sa anak niya.
Habang nagliligpit siya ng gamit, pumasok si Randy sa kusina. “Sino ka-text mo?” tanong nito casually pero may halong pagsusuri ang tingin.
“Si Sir Calix. Nagpasalamat lang ulit sa catering,” sagot ni Belle habang hindi inaalis ang mata sa telepono.
Biglang natahimik si Randy. Pinilit niyang hindi ipahalata pero may kumislot sa loob niya — isang bagay na ayaw niyang maramdaman.
“Ah. Gano’n ba,” malamig niyang sagot. “Mukhang madalas na kayo magkausap ah.”
Napatingin si Belle, bahagyang nagulat sa tono. “Hindi naman. Paminsan-minsan lang siya nagme-message. Work lang naman lahat ng usapan namin.”
Tumango si Randy pero hindi nagsalita. Nang lumabas siya ng kusina, hindi niya naiwasang mapahinto sa pinto.
Bakit ba ako naiinis? Hindi naman ako seloso. At saka… si Belle yan. Hindi gagawa ng mali ‘yon.
Pero kahit anong sabihin niya sa sarili, hindi maalis sa isip niya na may ibang lalaking kumakausap sa asawa niya — at mukhang napapangiti pa ito.
“Belle,” simula niya, hindi inaalis ang tingin sa screen, “mag-iingat ka kay Calix.”
Napatingin si Belle, kunot-noo. “Ha? Bakit naman?”
“Baliw yung tao na yun. Wala nga daw ibang kinakausap na empleyado yun, pero sa’yo ang bait-bait. Baka kung anong gawin sa’yo.”
Napahinto si Belle sa ginagawa at napairap. “Wala namang ginagawa yung tao, Ran. Saka sobra ka naman kung husgahan mo siya ng ganyan.”
“Belle, sinasabi ko lang. Hindi mo kilala yung mga taong kagaya niya. Puro pera iniisip nun, baka ginagamit ka lang.”
Lumingon si Belle, may kirot sa boses. “Ran, hindi lahat ng tao masama. Minsan may mabait lang talaga. Hindi mo naman siya kilala para sabihan ng ganyan.”
Tahimik si Randy. Napansin niyang seryoso na ang mukha ng asawa niya, parang na-offend. Gusto niyang bawiin pero napigilan siya ng pride niya.
“Basta, sinasabi ko lang. Ingat ka na lang,” maiksi niyang sagot.
Pagkatapos nun, tumalikod na si Belle at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ramdam ni Randy ang bigat ng hangin sa pagitan nila.
Bakit ba ako galit? Concern lang ba ‘to… o nagseselos na talaga ako? tanong niya sa sarili, pero hindi niya makuha ang sagot.
Pagdating ng gabi, hindi mapakali si Randy. Paulit-ulit niyang iniisip si Belle—baka nagtatampo ito dahil nangako siyang maaga uuwi pagkatapos ng catering. Pero hindi niya natupad dahil napasabak siya kay Chloe. May bigat sa dibdib niyang umuwi, dala ang konsensya at kaba.
Pagbukas niya ng pinto, nakita niya si Belle na tahimik na nakaupo sa sofa, nakatitig lang sa sahig.
“Belle…” mahinang tawag niya. Walang sagot. Lumapit siya at marahang hinawakan ang balikat nito.
“Sorry na, mahal. Alam kong mali ako. Huwag ka nang magtampo, please…”
Umiling lang si Belle, pinipigilang mapaluha. Galit siya, pero mas masakit na mahal niya pa rin si Randy kahit binibigo siya nito.
Nilapitan siya ni Randy at marahang hinalikan sa pisngi. “Mahal na mahal kita,” bulong nito. Sinubukan niyang umiwas pero mahigpit siyang niyakap ng asawa. Paulit-ulit ang paghingi nito ng tawad habang hinahaplos ang likod niya.
Hanggang sa unti-unti, bumigay ang puso ni Belle. Ramdam niya ang init ng yakap ni Randy at ang pamilyar na amoy nito na nakapagpapakalma sa kanya. Napapikit na lang siya nang tuluyan siyang halikan nito sa labi, at doon na natunaw ang kanyang tampo. Nauwi ang gabi sa pag-aayos nila, sa paraang tanging silang dalawa lang ang nakakaintindi.