POV Randy
Masaya si Randy pagpasok ng office dahil maayos na ulit sila ni Belle. Naisip niya, kulang lang pala sa lambing ang asawa niya. Pagpasok niya sa elevator, nakasabay niya si Calix. Nag-"Good morning" siya pero tango lang ang isinagot nito. Napakasuplado talaga, bulong niya sa sarili, kahit todo ngiti pa naman siya. Iniisip niya pa na parang close na sila ng boss, lalo na’t nakikita niyang okay naman ang samahan nina Belle at Calix. Pero tama si Belle, puro trabaho lang talaga ang pagitan ng dalawa.
POV Randy
Paglabas niya ng elevator, diretso si Randy sa department niya, sales. Napansin niya agad si Chloe. Bakit ba ang lakas ng appeal mo sa akin? Napailing siya. Mahal niya ang pamilya niya, lalo na ang anak nilang si Lira. Ayoko masira yun… pero di bale, natitikman ko naman si Chloe, bulong niya sa sarili, parang kinukumbinsi ang sarili na walang mali sa ginagawa niya.
"Good morning," bulong ni Randy habang sadya niyang idinikit ang katawan niya kay Chloe.
"Good morning," sagot ni Chloe, seryoso ang tono.
Nagtaka si Randy. Bakit parang malamig siya ngayon? Pinili niyang wag munang kulitin si Chloe. Mamaya na lang kita kakausapin, isip niya habang umupo sa mesa niya, medyo inis at nagtatanong kung may nagawa ba siyang mali.
Calix POV
Nakasabay niya kanina si Randy sa elevator. Ewan niya kung anong naramdaman niya, parang inis, o baka inggit—dahil asawa ito ng babaeng inaasam niya, si Belle. Dapat iwasan ko na siya, bulong niya sa sarili. Ayokong makasira ng pamilya.
Kanina pa niya gustong-gustong pumunta sa lugar ni Belle para bumili kunwari ng ulam na tinda nito, pero pinigilan niya ang sarili. Napabuntong-hininga si Calix. Of all people, bakit si Belle pa?
Pumasok siya sa opisina at napatingin sa labas ng bintana, hawak ang baso ng kape.
"What is wrong with me?" mahina niyang sabi. "I could have anyone… but I want her. Of all women, why Belle?"
Umupo siya sa swivel chair at marahang iniikot ito. Maraming babaing gustong makapasok sa mundo ko, pero wala akong gana sa kanila.
"Maybe I'm just… challenged," bulong niya ulit. "Like in business, I like going after something that seems impossible. But this… this is different."
Pinisil niya ang sentido at napapikit.
"I can’t ruin her family. I won’t be that man," bulong niya, pilit na kinukumbinsi ang sarili na lumayo. Pero sa loob-loob niya, mas lalo lang tumitindi ang pagnanais niyang makita si Belle.
POV Calix
Pagkatapos ng mahabang araw, desidido na si Calix na iwasan muna si Belle. This is the right thing to do, sabi niya sa sarili habang inaayos ang mga gamit sa mesa.
Sakto namang tumawag ang mommy niya bago siya umuwi.
“Calix, don’t forget ha, kasal na ng pinsan mo. Si Lyka at si Aiden, ’yung governor ng San Lucia. Dapat andun ka.”
Napahinto siya sandali at napangiti. “Yes, Mom. I’ll be there,” sagot niya.
"Maybe this is good for me," naisip niya habang pinapatay ang tawag. "A little time away… maybe I can clear my head."
Habang nagda-drive pauwi, ramdam niya ang bigat sa dibdib pero may bahagyang ginhawa. This is a chance to focus on something else… and stay away from Belle.
POV Calix
Dumating na ang araw ng kasal nina Lyka at Aiden, at siya pa talaga ang Best Man. Kahit hindi naman niya ganoon ka-close si Aiden, hindi na siya nakatanggi, pinsan naman niya si Lyka kaya natural lang nandun siya.
Habang nagbibihis sa hotel room, napangiti siya sa salamin.
"At least this feels right. Family comes first," bulong niya. Sa isang banda, pakiramdam niya ay napalaya siya kahit papaano, walang pressure, walang iniisip na bawal.
Pagdating niya sa venue, punong-puno ng tao at ng masayang ambiance ang paligid. Natanaw niya si Lyka na abala sa bridal prep, kumaway pa ito sa kanya. Saglit siyang napangiti.
"I’m happy for you, Lyka. You deserve this," naisip niya.
Nakita niya si Almira, kapatid ni Aiden, na isa sa mga bridesmaids. Abala itong nag-aayos ng mga bulaklak sa aisle.
“Hi Almira,” bati niya.
“Oh, Calix! You clean up well,” nakangiting sagot nito. “Salamat ha, for agreeing to be the best man.”
“No problem,” sagot niya, this time medyo magaang ang pakiramdam. "Feels good to be here."
Habang pinagmamasdan niya ang paligid, napabuntong-hininga siya. Maybe this is what I needed… to feel light again, to stop thinking about Belle for a while.
POV Calix
Habang nasa reception, nanatiling tahimik si Calix sa isang sulok, hawak ang wine glass. Napansin niyang papalapit si Almira, simple pero maganda, at sa isang iglap, naisip niya, She does look a little like Belle.
“Hi,” bati ni Almira, may mahinhing ngiti.
“Hi,” tipid na sagot ni Calix, hindi nagpakita ng emosyon.
Umupo si Almira sa tabi niya at sinubukan ulit ang usapan.
“Ang saya ng kasal, ‘no? Para silang nasa fairy tale.”
“Yeah,” maikli ulit na sagot ni Calix, pero this time, bahagya siyang ngumiti bilang respeto.
Habang nag-uusap sila, napansin niya kung gaano kaaliwalas at ka-genuine ang ngiti ni Almira. Nurse pala ito at never pang nagka-boyfriend, gaya ng naikuwento nito. Kung ibang lalaki siguro ang nasa sitwasyon niya, matutuwa na may ganitong klaseng babae na nagpapakita ng interes.
Pero kahit anong ganda at pagkakahawig nito kay Belle, wala siyang naramdaman.
"She’s almost like Belle… but she’s not Belle," naisip niya habang pinagmamasdan ang dalaga.
Napabuntong-hininga si Calix at tinitigan ang dance floor kung saan sumasayaw sina Lyka at Aiden.
"Even if the world gives me someone like her, my heart will still choose Belle. What is wrong with me?"
Mas tumibay ang desisyon niya na umiwas. Kung si Almira na halos kahawig ni Belle ay hindi kayang baguhin ang nararamdaman niya, lalong kailangan niyang lumayo.
POV Calix
Matapos ang kasal, maaga siyang nagpaalam. Hindi na siya sumabay sa after-party kahit pilit siyang pinipigilan ni Lyka. Pagpasok niya sa kotse, huminga siya nang malalim at ipinikit sandali ang mga mata. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng makina at malamig na simoy ng hangin ang kasama niya.
Habang nagda-drive pauwi, paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mga nangyari sa kasal. Ang ngiti ni Almira, ang kasiyahan nina Lyka at Aiden, at ang naramdaman niyang wala siyang naramdaman para kay Almira kahit halos kahawig na ito ni Belle.
"I can’t deny it anymore," bulong niya habang mahigpit na hawak ang manibela.
"I love her. I love Belle. And that’s the truth."
Ramdam niya ang bigat sa dibdib, parang may nadurog at nabuo ulit sa loob niya.
"But loving her doesn’t mean I have the right to ruin her family," dugtong niya sa isip.
Pagdating niya sa bahay, hindi na siya kumain. Umupo lang siya sa sofa, hawak ang baso ng tubig, at matagal na nakatingin sa sahig.
"From now on, I’ll keep my distance. If I really love her… I need to protect her happiness, even if it means staying away."
Pero sa kaloob-looban niya, alam niyang hindi magiging madali ang desisyon. Sa bawat araw na makikita niya si Belle, lalong titindi ang nararamdaman niya.
POV Belle
Nangingiti si Belle habang naaalala ang gabing iyon kasama si Randy. Parang nawala lahat ng tampo niya sa asawa — kahit pa yung nakita niyang marka sa leeg nito at ang polo shirt na amoy ibang pabango. Siguro, namali lang ako ng hinala, naisip niya, at mas pinili na lang niyang maging masaya.
Mas magaan ang pakiramdam niya habang pumupunta sa office para magbenta ng ulam. Pero laking gulat niya nang mapansing wala si Calix na unang-una laging bumibili o kahit man lang dumadaan.
Baka nagsawa na siya sa tinda ko, bulong niya sa sarili, pilit na pinapawi ang bahagyang lungkot na naramdaman. Kaya pagdating ng lunch break, nagkikita-balikat na lang siya sa ibang empleyado na bumibili.
“Belle,” biro ng isang empleyado, “baka nagsawa na si sir sa tinda mo. Pero kami dito, hindi!”
Natawa naman si Belle at sumagot, “Ay, salamat naman at loyal pa rin kayo sa ulam ko.”
Pero sa loob-loob niya, napaisip pa rin siya. Bakit kaya bigla siyang nawala? May problema kaya?