Pagkapasok ni Belle sa bahay, agad siyang sinalubong ni Liran na nakangiti at nakatakbo papunta sa kanya. “Mommy! May dala ka bang pasalubong?” tanong ng bata, sabay akap ng mahigpit. Napangiti si Belle at inilapag ang bag. “Pasensya ka na anak, wala akong nabili ngayon… pero may dala akong sobra-sobrang yakap para sayo.” Tuwang-tuwa si Liran at yumakap nang mas mahigpit. “Okay lang, Mommy. Basta nandito ka.” Naupo sila sa sofa, at nagsimula si Liran magkuwento tungkol sa araw niya sa school, habang si Belle naman ay nakikinig nang mabuti, pinupunasan ang luha na kanina’y hindi pa natutuyo. Sa bawat tawa ng anak, parang unti-unting gumagaan ang dibdib niya. “Alam mo ba, anak,” bulong ni Belle habang hinahaplos ang buhok ni Liran, “ikaw ang dahilan kung bakit kaya kong bumangon araw-ar

