Chapter 31

1180 Words

Pagkauwi ni Calix, dumiretso siya sa garahe at sandaling nanatili sa loob ng kotse. Nakahawak siya sa manibela pero ang isip niya nasa bahay nina Belle. Kumakabog pa rin ang dibdib niya habang naaalala ang saya ni Liran kanina. Ang mga tawa, ang mga kwento, ang lambing na matagal na niyang hindi nakita sa isang bata. Ganito pala ang pakiramdam… para kang may pamilya na. Napapikit siya at napangiti, pero kasabay niyon ang bigat ng alaala. Kung noon, nung college pa tayo Belle, naglakas-loob lang sana akong lumapit. Kung pinaglaban lang sana kita, yung nararamdaman ko, hindi sana ikaw ang nasaktan ng ganito. Pinunasan niya ang noo at marahang bumulong: “Hindi ko na hahayaang maulit. Ngayon, ipapakita ko sa’yo na ako ang lalaking hindi ka iiwan. Hindi lang ikaw, pati si Liran. Ipaglalaban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD