Nagtatangis si Belle nang makita niya si Randy mula sa labas ng bintana, nakangiti ito sa babaeng kausap. Kasing-edad lang niya ang babae, tantiya ni Belle.
Gago yun! May anak na kami, lahat-lahat, lolokohin na naman ba niya ako?
Eksaktong dumating si Randy sa bahay, halatang masaya pa rin. Hindi na nakatiis si Belle.
"Sino yung kasama mo kanina bago ka umuwi?" malamig na tanong niya, ramdam ang pagpipigil.
Agad na sumimangot si Randy. "Huy, Belle, huwag mo akong busitin, ha. Huwag kang magselos, hindi bagay sa’yo."
"Bakit, hindi na ba ako puwede magtanong?" nanginginig ang boses ni Belle, nangingilid na ang luha.
Napasinghap si Randy, pilit pinipigilan ang galit. "Sales manager namin yun! May target kami na client. Hindi mo maiintindihan yun, kasi dito ka lang sa bahay, laging nasa kusina. Akala mo ba malaking tulong yang patinda-tinda mo? Tignan mo nga itsura mo!"
Tumimo ang bawat salita kay Belle. Para siyang sinampal.
"Kaya hindi kita sinasama sa office," dagdag ni Randy, mas lalong matalim ang boses. "Mukha kang katulong."
Diretso itong pumasok sa kuwarto, iniwan si Belle na natigagal, nanginginig, at hindi alam kung iiyak ba o sisigaw.
Basang-basa ng luha ang mukha ni Belle habang nakaupo sa gilid ng kanilang bakod. Hindi niya na alintana kung may makakita sa kanya, masyado nang mabigat ang sakit sa dibdib.
Huminto sa tapat ang isang itim na SUV. Dahan-dahang bumaba ang bintana at nakita siya ng lalaking laging bumibili ng ulam niya — si Calix. Tahimik lang ito, nakatingin sa kanya.
Si River na nasa passenger seat ay napatawa. "Bro, seryoso? Wag mong sabihin na type mo yan. Bumaba na yata taste mo sa babae."
Hindi sumagot si Calix, pero sinamaan niya ng tingin ang pinsan. Napatahimik ito agad.
Muling tumingin si Calix kay Belle. Ilang segundo lang, pero parang ang tagal. Walang salita, walang galaw. Para bang sinusubukan niyang intindihin kung anong pinagdadaanan nito.
Maya-maya, umangat ulit ang bintana at umalis ang sasakyan.
Habang nagmamaneho, hindi mawaglit sa isip ni Calix ang babaeng iyon. Hindi niya man alam ang pangalan nito, pero naaalala niya ang lasa ng ulam na niluluto nito, lutong-bahay, malasa, parang yakap ng isang ina.
Bigla siyang napangiti nang bahagya. Siguro kaya ako naa-attract sa kanya... kasi namimiss ko ang mommy ko, bulong niya sa isip. Bata pa lang siya nang mamatay ang ina, at simula noon, wala nang ganoong klaseng lambing sa buhay niya.
At ngayong nakita niya si Belle, basag at umiiyak, may kung anong puwang sa puso niya na biglang gumalaw.
Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na si Belle sa pagluluto. Namamaga pa rin ang mata niya sa kakaiyak kagabi, pero pinilit niyang ngumiti habang inaayos ang mga ulam. Pumunta na siya sa opisina para makabenta.
Eksakto namang dumating ang SUV na pamilyar sa kanya. Bumaba ang bintana at muling nakita niya si Calix. Tahimik pa rin ito, seryosong nakatingin, pero may kung anong lambing sa mga mata niya na hindi niya nakita dati.
"Good morning po," mahina at medyo nahihiyang bati ni Belle.
Tumango lang si Calix. "’Yung usual," maikli niyang sabi.
Agad namang inabot ni Belle ang order niya. Nang tanggapin ito ni Calix, napansin ni Belle na hindi ito agad umalis. Saglit lang itong tumingin sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa daan.
"Salamat," mahinang sabi ni Calix bago pinaandar ang sasakyan.
Naiwan si Belle, hawak ang apron niya. Hindi niya alam kung bakit, pero parang iba ang t***k ng puso niya. Hindi iyon yung kaba na dala ni Randy kapag galit, iba. Mas kalmado.
Samantala, habang nagmamaneho, muli na namang pumasok sa isip ni Calix ang imahe ni Belle kagabi. Naluluha, mag-isa, pero matatag pa rin na bumangon para magtinda kinabukasan.
Bakit ba hindi ko siya maalis sa isip ko? tanong niya sa sarili, pero imbes na mainis, bahagya siyang napangiti.
Isang hapon, abala si Belle sa paghuhugas ng plato nang bumukas ang pinto. Dumating si Randy, may dalang supot ng prutas.
"Belle," tawag nito, medyo mahinahon ang boses. Nilapag niya ang dala sa mesa. "Pasalubong ko. Hinanap ko pa ’yan sa palengke para sa’yo."
Natigilan si Belle. Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng ilang araw na hindi sila halos nag-uusap, biglang ganito si Randy.
"Belle… sorry na sa mga nasabi ko nung isang gabi," dagdag pa nito, lumapit sa kanya. "Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Nainit lang talaga ulo ko sa work, tapos nagtanong ka, kaya ako napagsalita nang masama. Pero… mahal naman kita."
Napayuko si Belle, mahigpit na hawak ang basang basahan. Ramdam pa rin niya ang hapdi ng mga salitang binitawan ni Randy — "mukha kang katulong," "wala kang silbi." Kahit humihingi ito ng tawad, parang hindi pa rin natatanggal ang bigat sa dibdib niya.
"Hindi kasi ganon kadali, Randy," mahinang sagot ni Belle. "Masakit pa rin lahat ng sinabi mo."
Hinawakan siya ni Randy sa balikat. "Alam ko. Kaya nga gusto kong bumawi. Hindi ko kayang mawala ka."
Sandaling natahimik si Belle. Gusto niyang maniwala, gusto niyang manumbalik yung dati nilang lambing… pero bakit parang may kulang? Bakit kahit hawak na siya ni Randy, pakiramdam niya ay may distansya pa rin sa puso niya?
Nag-aya si Randy na lumabas silang mag-anak. Kaya naman kinabukasan, nagtungo sila sa SM Manila.
Kumain muna sila sa isang sikat na fast food chain, si Lira busy sa pagkain ng paborito niyang fried chicken, habang si Belle ay masayang pinapanood ang mag-ama.
Pagkatapos kumain, dinala ni Randy si Lira sa Kidzoona. Tuwang-tuwa ang bata habang tumatakbo at naglalaro sa loob. Si Belle naman ay nakaupo lang at pinagmamasdan ang dalawa.
Napabuntonghininga siya. Sana lagi na lang ganito si Randy — masaya, buo, at kasama kami.
Pagsapit ng gabi, mahimbing nang natutulog si Lira. Si Belle naman ay nakahiga na rin, halos mapapikit na, nang maramdaman niyang may humiga sa tabi niya.
Si Randy. Tahimik itong yumakap sa kanya mula sa likod at hinalikan siya sa pisngi.
“Salamat sa araw na ‘to,” bulong nito.
Naramdaman ni Belle ang init ng yakap niya at kahit hindi siya sumagot, bahagyang napangiti siya. Sana nga, hindi na magbago ang ganitong moments. Tahimik muna silang dalawa. Hanggang sa marinig niya ang mahinang buntonghininga ni Randy.
“Belle…” tawag nito.
“Hm?”
“Pasensya ka na sa mga nakaraang araw. Alam ko, minsan sobra ako… at nasasaktan ka sa mga sinasabi at ginagawa ko.”
Napalingon si Belle, nagulat sa seryosong tono ni Randy.
“Hindi ko man madalas masabi, pero mahal na mahal kita. Kayo ni Lira ang buhay ko. Kaya… salamat dahil kahit anong mangyari, nandito ka pa rin.”
Naramdaman ni Belle na parang may nabunot na tinik sa dibdib niya. Tahimik siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ni Randy.
“Salamat din, Ran. Sana… lagi na lang ganito.”
Ngumiti si Randy, masuyong hinalikan ulit ang asawa niya. Sa gabing iyon, mas magaan ang pakiramdam ni Belle bago siya tuluyang nakatulog.
Maaga nagising si Belle kinabukasan. Kailangan pa niyang maghanda ng almusal para kina Randy at Lira.
Pagmulat niya ng mata, napansin niyang katabi pa rin niya si Randy, mahimbing ang tulog nito. Tahimik siyang humiga pabalik, pinagmamasdan ang asawa.
Napabuntonghininga siya. Bakit ganun?
Na-realize niyang apat na buwan na pala mula nang huling may nangyari sa kanila ni Randy.
Napalunok si Belle habang tinititigan ang asawa. Napadako ang tingin niya sa matipuno nitong dibdib at braso… at sa guwapo nitong mukha habang natutulog.
Biglang may kung anong kumislot sa puso niya. Na-miss ko rin pala ‘to… siya.
Gusto sana niyang mangalabit, baka sakaling may mangyari sa kanila at… pero natigilan siya.
Ano ka ba, Belle?! Ang corny mo!
Bahagya siyang natawa sa sarili at mabilis na tumayo.
“Magluto na lang ako,” mahina niyang bulong, kahit may kaunting panghihinayang sa tono ng boses niya.
Pumasok siya sa kusina at nagsimulang maghanda ng almusal, pero hindi maalis sa isip niya ang asawa. Ramdam niya na unti-unti na siyang nasasabik ulit at baka oras na para buuin ulit nila ang pagiging mag-asawa.
Habang nagluluto si Belle, hindi niya maiwasang mapangiti mag-isa. Gusto ko na ulit may mangyari sa amin ni Randy… baka sakaling mas bumalik ang closeness namin.
Habang iniisip niya iyon, biglang pumasok si Randy sa kusina, bagong gising at naka-t-shirt lang. Napalingon si Belle, at napansin ni Randy ang bahagyang pamumula ng pisngi nito.
“Good morning,” bati ni Randy, sabay lapit sa kanya at bahagyang niyakap siya mula sa likod.
Napapitlag si Belle. “R-Randy…”
“Hmmm?” bulong nito habang nakasubsob sa leeg niya. Ramdam niya ang init ng hininga nito sa balat niya.
“Baka… mabangga mo yung niluluto ko,” mahina niyang sagot pero hindi niya maiwasang mapangiti.
Tinaas ni Randy ang kamay niya at inalis ang kawali mula sa kalan. Pagkatapos ay marahan siyang hinarap at tinitigan.
“Belle…” seryoso ang tono nito. “Parang may iniisip ka.”
Umilag si Belle ng tingin. “Wala naman.”
Ngumiti si Randy, parang alam na niya ang nasa isip ng asawa. “Sigurado ka?” tanong niya, sabay haplos sa pisngi nito.
Napakagat-labi si Belle. Gusto niyang aminin, gusto niyang sabihin na na-miss niya si Randy, pero nahihiya siya. Hanggang sa maramdaman niyang hinawakan siya nito sa bewang at dahan-dahang nilapit sa kanya.
“Kung ayaw mong sabihin…” bulong ni Randy na may ngiti sa labi, “…baka pwedeng ipakita mo na lang.”
Ramdam ni Belle na bumilis ang t***k ng puso niya. Sa wakas, hindi na niya pinigilan ang sarili. Yumakap siya kay Randy at siya na mismo ang unang humalik dito.
Napangiti si Randy at ginantihan ang halik niya, masuyo pero may halong pananabik.
Sa sandaling iyon, ramdam ni Belle na unti-unti na silang bumabalik sa dati at baka nga mas tumibay pa ang relasyon nila kaysa dati.