Chapter 3

1385 Words
Si Calix Li Salazar Sa unang tingin pa lang, hindi na maikakaila ang presensya ni Calix. Matangkad siya, nasa 6’1”, laging maayos ang postura na parang sanay mag-utos at sundin. Matangos ang ilong, matalim ang mga mata na tila laging nagmamasid at bumabasa ng tao, at may panga na matigas ang linya, lalaking-lalaki ang dating. Ang buhok niya ay laging neatly styled, simpleng gupit lang pero bagay sa kanyang corporate aura. Hindi siya ‘yung tipong ngumingiti ng basta-basta, pero kapag ginawa niya, parang lahat ay natutulala. Sanay si Calix sa marangyang buhay. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng Salazar Group of Companies, may-ari ng ilang sikat na mall sa bansa, malalaking real estate projects, at kilalang food brands. Kaya’t kahit saan siya magpunta, dala niya ang pangalan at kapangyarihan ng kanilang pamilya. Pero sa kabila ng kayamanan, hindi siya kilala bilang pala-kaibigan. May distansya ang ugali niya, tahimik, obserbador, at tila laging may iniisip. May mga nagsasabing masyado siyang pihikan sa pagkain, sa tao, at sa mga bagay na pinapasok niya. Maraming babae ang humahanga sa kanya, pero hindi basta-basta siya nagpapalapit. Para bang lagi siyang may bakod na nakapaligid. Ang maliit na opisina na madalas niyang pinupuntahan ay hindi mismong headquarters ng empire nila, kundi isa sa mga sub-company, ang processing unit kung saan tinitingnan niya ang mga bagong finished products na ilalabas sa market. Kahit maliit lang iyon kumpara sa laki ng negosyo niya, pinapakita nitong hands-on siya at gusto niyang siguraduhin na dekalidad ang bawat produkto bago dalhin sa publiko. At doon nga siya unang napansin ng lahat, sa tuwing tanghalian, laging sumusulpot, hindi para sa mga papel o pulong, kundi para sa pagkain. Hindi basta pagkain, kundi ang niluluto ni Belle. At doon nagsimula ang bulungan, pihikan si sir Calix, pero bakit tila natatangi ang luto ng simpleng si Belle para sa kanya? Habang inaabot ni Belle ang lalagyan ng pancit kay Calix, hindi niya maiwasang mapatitig sa lalaki. Iba ang aura nito kumpara sa mga lalaking nakilala niya. Matikas ang tindig, parang hindi natitinag. Ang mga mata niya, malamig at matalim, pero sa likod niyon ay may kung anong lalim na hindi niya maipaliwanag. Hindi ito palangiti, ngunit nang bahagyang kumurba ang labi niya matapos malasahan ang unang subo ng pancit, para bang nahulog ang buong opisina sa katahimikan. “Ito ba talaga ang sinasabi nilang boss? ‘Yung tipong mayaman, malakas, at hindi basta lumalapit sa simpleng tao… pero heto siya, nakaupo sa harap ng paninda ko, kumakain ng luto ko?” Hindi alam ni Belle kung bakit, pero biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Wala siyang interes sa ibang lalaki, lalo’t pagod na siya sa pagiging asawa ni Randy, pero may kakaiba kay Calix. Para bang hindi niya kailanman makikilala nang buo, at iyon mismo ang nakakaakit. “Masarap,” tanging sabi ni Calix matapos higupin ang sabaw. Simple lang, pero sapat para pamulahan ng pisngi si Belle. “Suwerte mo, Belle,” bulong ng isa sa mga empleyado habang nakangiting binibilang ang sukli. “Nagustuhan ni Sir Calix ang luto mo. Hindi lahat nabibigyan ng ganoong papuri.” Tumango ang iba, sabay-sabay na nagsalita. “Pero siyempre, wala namang malisya ‘yon. Alam naman natin na hindi papatol si sir sa may asawa na at tindera lang ng ulam.” Ngumiti lang si Belle, pilit na iniwas ang tingin kay Calix. Agad niyang inayos ang mga gamit at nagpaalam na aalis na. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, biglang may inabot ang lalaki sa kanya. “Para sa’yo.” Malamig ang boses pero may bigat ng utos. Isang limang daang piso ang nakasiksik sa palad ni Belle. “Sir, sobra po ‘yan…” nag-alinlangan siya, pilit ibinabalik ang pera. “Baka po isipin ng iba—” Ngunit hindi siya pinatapos ni Calix. “Insist ko. Masarap ang luto mo. Higit pa sa mga malalaking restaurant na napuntahan ko. Consider it payment for a meal worth more than its price.” Hindi na siya nakatanggi pa. Bahagyang yumuko na lang siya at mahina ang tinig na nagsabing, “Salamat po, sir.” Pag-uwi, sinundo na ni Belle si Lira mula sa paaralan. Habang nakaupo sila sa waiting shed at hinihintay ang uwian, hindi niya maiwasang maalala ang mukha ni Calix. “Ang guwapo niya…” bulong niya sa isip, habang pinagmamasdan ang anak na masayang nagkukuwento. “Naku, Belle, ano ba ‘yan! May asawa ka na, huwag kang mag-isip ng ganyan. Hindi naman masama ang humanga, kasi totoo naman… pero alam mong hindi ka papatulan ng kagaya niya. Isa pa, mahal mo si Randy. Asawa mo siya.” Napailing na lang siya, pinilit kalimutan ang mga naiisip. Pero kahit anong gawin niya, bumabalik-balik pa rin sa isip niya ang malamig ngunit guwapong mukha ng boss na halos hindi niya maintindihan kung bakit napapadpad sa harap ng kanyang paninda. Pagdating nila ni Lira sa bahay, nadatnan na naman nila si Randy. Nakasalampak ito sa sofa, nakataas ang paa, at seryosong nakatitig sa cellphone. “Tay, andito na po kami!” masayang bati ni Lira. Mabilis na ngumiti si Randy, halik sa noo ng anak, pero agad ding nag-iba ang mukha nang tumingin kay Belle. Ang dating lambing na ipinapakita sa anak, biglang napalitan ng iritableng titig. “Bakit ngayon lang kayo? Ang tagal n’yo, eh sandali lang naman ang dismissal sa school,” malamig na sabi nito. “May dinaanan lang ako, bumili si Lira ng project material…” palusot ni Belle, kahit na ang totoo ay kanina pa siya nakatulala sa mukha ni Calix na hindi maalis sa isip. Tumango lang si Randy, pero halata ang pagsingkit ng mga mata nito. Para bang may ningning na kakaiba, hindi kislap ng saya, kundi tila apoy ng inis at lihim na pagdududa. Napansin iyon ni Belle. “Bakit parang laging masama ang timpla niya nitong mga araw na ‘to? Lagi na lang siyang nakakunot-noo, laging parang may tinatago…” “May pera ka pa ba?” biglang tanong ni Randy, boses na matigas. “Meron pa naman, galing sa paninda…” maingat na sagot ni Belle. Hindi na ito umimik. Bumalik sa cellphone at tumaas ang isang kilay, saka muling sinipat si Belle mula ulo hanggang paa. Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba niya, pero tila iba ang titig ng asawa—malamig, mapanuri, at puno ng something na hindi niya mawari kung galit o pagdududa. Napayuko na lang si Belle. Ayaw na niyang magsimula ng pagtatalo. Pero sa puso niya, ramdam niya: may nagbabago kay Randy. At ang ningning sa mga mata nito ay hindi magandang senyales Kinabukasan, napansin na naman ni Belle ang kakaibang kilos ng asawa. Maaga itong umalis, pero hindi gaya ng dati na naka-busangot. Ngayon, masaya ang aura, parang laging may inspirasyon. “Himala…” bulong ni Belle habang pinagmamasdan si Randy na nag-aayos ng buhok sa salamin. May ningning na naman sa mga mata nito—hindi kislap ng pagod o saya sa pamilya, kundi kakaibang kislap na hindi niya matukoy. “Ang aga mo ata?” maingat na tanong ni Belle. “May meeting,” mabilis na sagot nito, saka ngumiti nang bahagya—ngiting matagal nang hindi ipinapakita sa kanya. Pagkatapos ay nagmamadaling umalis nang hindi man lang humalik o nagpaalam nang maayos. Habang sinusuklay ni Belle ang buhok ni Lira bago pumasok sa school, hindi mawala sa isip niya ang ekspresyon ni Randy. “Hindi ako tanga… alam kong may kakaiba. Hindi siya ganyan umasta. Lalo na ‘yang ningning sa mga mata niya… para bang may iba siyang iniisip. O… may iba siyang tinitingnan.” Pagdating ng hapon, habang naghihintay siya sa labas ng opisina kung saan siya nagdadala ng paninda, bigla niyang nakita si Randy. Nakasandal ito sa kotse, nakangiti, hindi niya alam kung para kanino. At doon, napatigil ang hininga ni Belle. May babaeng lumapit kay Randy. Maganda, naka-corporate attire, at halatang sosyal. Walang pasubaling lumapit ito kay Randy at marahang hinawakan ang braso ng lalaki. At doon niya muling nakita ang ningning sa mga mata ng asawa—kislap ng tuwa na matagal na niyang hindi natanggap mula rito. “Diyos ko… babae nga.” Parang biglang bumigat ang dibdib ni Belle. Hindi niya alam kung haharapin ba agad niya ang katotohanan, o tatahimik muna para alamin ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD