Chapter 2

1306 Words
As usual, maaga na namang nagising si Belle dahil kailangan pumasok ng maaga ng kanyang asawa na si Randy. Pero ngayong araw, iba ang timpla ng mood nito, masaya. Nang ginising siya ni Belle, hindi ito nakabusangot gaya ng dati. Magaan ang aura at masaya pa nitong hinalikan ang kanilang anak na si Lira. Himala, bulong ni Belle sa sarili. Nang paalis na si Randy, ngumiti pa ito at nagpaalam. Pero gaya ng nakasanayan, hindi siya nito hinalikan. Hindi naman kasi hilig ng lalaki ang ganoon, madalas pa nga itong nakabusangot tuwing aalis. Apat na taon pa lang silang kasal. Kung tutuusin, kung hindi lang siya nabuntis noon, malamang ay hindi rin siya papakasalan ni Randy. Natakot lang ito sa ama ni Belle. Magkaklase sila sa kolehiyo, parehong nag-aaral ng Business Administration. Guwapo si Randy, kaya madaling magkagusto ang kahit sino. Halos lahat ng babae sa campus ay may crush sa kanya. Pero ang totoo, hindi naman ito matalino, nadadala lang talaga sa kaguwapuhan. Si Belle, isang probinsiyana na lumuwas sa Maynila para mag-aral, ay simple lang manamit. Madalas pa nga siyang tawaging baduy. Kaya laking gulat niya nang ligawan siya ni Randy. Minsan naiisip niya, baka ginamit lang siya nito noong magkasintahan pa sila, dahil siya ang gumagawa ng assignments at school projects. Ilang beses na rin siyang niloko ni Randy. Kaya nga lagi siyang pinapagalitan ng kaibigan niyang si Danica na tanga daw siya, dahil kaunting lambing lang ni Randy ay bumibigay agad siya. Pero wala eh, mahal niya ang binata. Noong malapit na siyang magtapos, nangyari ang hindi inaasahan. Nalasing silang pareho sa birthday party ng kaibigan nilang si Sherwin. Dahil sa kalasingan, may nangyari sa kanila. Hindi pa nga makapaniwala si Randy noon na nagkaroon sila ng relasyon sa gabing iyon. Ngayon, malungkot na tinitingnan ni Belle ang sarili sa salamin. Noon dalaga pa siya, pakiramdam niya hindi na siya Maganda, lalo na ngayon na may anak na siya. Pero kahit ganoon, marami pa ring nagsasabing maganda siya. Simple lang kasi siya kumpara sa mga naging girlfriend ni Randy na magaganda, sosyal, at kabigha-bighani. Si Isabelle “Belle” Ramirez ay lumaki sa isang maliit na bayan sa Quezon. Bunso siya sa tatlong magkakapatid at paborito ng kanyang ama dahil sa pagiging masipag at masunurin. Bata pa lang siya, kilala na siyang simple, hindi pala-ayos, hindi palalabas, at madalas kontento na sa kung ano ang meron. Lumaki siyang konserbatibo at mahiyain. Habang ang mga kababata niya ay natututo ng make-up at porma, siya ay abala sa pagtulong sa tindahan ng kanilang ina at sa mga gawaing bahay. Kaya naman, madalas siyang biruin at tawaging baduy ng mga kaibigan niya sa probinsya. Pero hindi niya iyon alintana. Ang mahalaga para sa kanya ay makapagtapos at matulungan ang pamilya. Pagdating sa Maynila para mag-aral ng Business Administration, doon niya naranasan ang tunay na kultura ng lungsod. Doon siya unang nakakita ng mga babaeng sosyal, laging porma, at magaling magsalita. Nahihiya siya dahil sa simpleng pananamit niya, plain blouses, maong pants, at rubber shoes lang ang kadalasan niyang suot. Dito niya nakilala si Randy Vergara. Ang campus heartthrob. Gwapo, malakas ang dating, at halos lahat ng babae ay nahuhumaling dito. Ni sa panaginip, hindi naisip ni Belle na papansinin siya ng kagaya ni Randy. Pero isang araw, nilapitan siya nito, humihingi ng tulong sa assignments. Dahil natural kay Belle ang tumulong, hindi siya nagdalawang-isip. Paulit-ulit itong nagpapagawa ng school works hanggang sa naging madalas na ang pagsasama nila. Sa hindi inaasahan, niligawan siya ni Randy. Sa una, hindi siya makapaniwala. Lagi niyang iniisip na baka pinaglalaruan lang siya. Pero dahil sa mga sweet gestures, mga salitang kay sarap pakinggan, at kilig na hindi niya pa naranasan, nahulog ang loob niya. Sa likod ng kilig, ramdam ni Belle na hindi siya mahal ng buo ni Randy. Ilang beses na rin niya itong nahuli na may ibang babae. Pero sa tuwing haharapin niya ito, mabilis din siyang napapapayag ng matatamis na salita at kaunting lambing. Ang mga kaibigan niya, lalo na si Danica, ay gigil na gigil at sinasabihang tanga siya. Pero hindi niya kayang iwan si Randy. Mahal niya eh. Hanggang dumating ang gabing iyon, ang birthday party ng kaibigan nilang si Sherwin. Pareho silang lasing at doon nangyari ang hindi inaasahan. Naging simula iyon ng pagbubuntis ni Belle. At dahil sa takot ni Randy sa ama ni Belle, napilitan itong magpakasal. Simula noon, nagbago ang lahat. Ang simpleng probinsiyanang si Belle, naging asawa’t ina sa murang edad. Ngunit hindi kailanman niya naramdaman na buo ang pagmamahal ng asawa niya. Para siyang nakakulong sa kasal na hindi niya alam kung pagmamahal ba o obligasyon lang ang dahilan. Napabuntong-hininga na lang si Belle habang nakatingin sa sarili sa salamin. Ramdam niya ang bigat ng mga alaala, at higit sa lahat, ang pagsisisi. “Kung sana noon mas pinili ko ang pangarap kaysa sa pag-ibig… baka iba na ang buhay ko ngayon. Baka mas masaya ako. Baka mas buo.” Pero wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang naging desisyon niya. Lumakad siya palayo sa salamin at dumiretso sa maliit na kama kung saan mahimbing pang natutulog si Lira. Dahan-dahan niyang ginising ang anak. “Anak, gising na… papasok ka na.” Mahinahon ang boses niya, kahit may lungkot na nakatago. Si Lira naman ay napapakislot, pupungas-pungas na bumangon. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Belle, kahit paano’y nababawasan ang bigat ng kanyang dibdib tuwing nakikita niya ang anak. Agad siyang dumiretso sa kusina. Doon, nagsimula na siyang magluto ng mga panindang pagkain na lagi niyang dinadala sa opisina. Simpleng negosyo, pero iyon ang bumubuhay sa kanila habang umaasa siya sa sahod ni Randy. Habang piniprito niya ang lumpia, bigla siyang napatingin sa bintana. “Ito na lang ba ang buhay ko? Gigising ng maaga, magluluto, magtitiis?” Hindi niya maiwasang muling bumuntong-hininga. Ngunit para kay Lira, kailangan niyang lumaban. Maaga pa lang ay nasa opisina na ang mga empleyado. Bitbit ni Belle ang ilang plastic ng pagkain, adobo, lumpia, at paboritong pancit na madalas nilang bilhin. Pagkapasok pa lang niya, masiglang sinalubong siya ng mga suki. “Belle! Ayan na, sa wakas gutom na kami!” bati ng isang empleyado habang mabilis na lumapit. Napangiti siya. Kahit papaano, gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nakikitang natutuwa ang mga tao sa simpleng luto niya. “Eto na, init pa oh. Huwag kayong mag-aagawan, marami ‘yan,” biro niya habang isa-isang iniaabot ang mga order. Masayang abala ang lahat nang biglang bumukas ang pinto. Napatigil ang ilan at agad na nagsulputan ang bulungan. “Si sir Calix…” mahina pero sabay-sabay na bulong ng mga empleyado. Diretso ang tindig ng lalaki, pormal ang ayos, at malamig ang ekspresyon. Ang tipong boss na kinatatakutan at iginagalang ng lahat. Pero sa halip na dumiretso sa opisina, dumeretso ito sa mesa kung saan nakalapag ang mga paninda ni Belle. “Good morning,” malamig ngunit maayos ang bati ni Calix. Agad silang nagulat dahil bihira itong bumati ng ganoon. “Sir… ano po’ng order ninyo?” halos nauutal na tanong ni Belle, hindi pa rin sanay na kinakausap ng mismong boss ng mga empleyado. Tumingin si Calix sa mga niluto niya, at walang alinlangan na tumuro. “Pareho ng dati. Pancit, adobo, at lumpia. Pahigop din ng sabaw.” Nagkatinginan ang mga empleyado. Hindi pa rin sila makapaniwala na ang suplado at pihikang boss nila ay halos araw-araw na kumakain ng luto ni Belle. “Sir, baka raw kasi pihikan kayo sa pagkain kaya nagustuhan ninyo ‘yung luto ni Belle,” pabirong bulong ng isa. Bahagyang kumurba ang labi ni Calix, halos hindi halatang ngiti. “Siguro nga. Hindi ako basta nasisiyahan sa pagkain… pero dito, hindi ako nadidismaya.” Napatigil si Belle. Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD