Chapter 26

1366 Words

“Ate, okay ka lang ba? Hindi ka pa kumakain. Naihatid ko na si Liran sa school. Sana huwag mong pabayaan ang sarili mo,” malambing pero puno ng pag-aalalang sabi ni Amara habang nakatitig sa pinsan niyang tulala lang sa harap ng mesa. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Belle. Namumugto na ang mga mata nito. “Wala akong ganang kumain, Amara. Kahit gustuhin ko man, parang hindi tinatanggap ng tiyan ko.” Napakagat-labi siya bago tuluyang bumigay. “Naalala ko kasi lahat ng ginawa ni Randy sa’kin. Ang sakit… iniwan na lang niya kami ng anak niya, dahil lang sa isang babae na ngayon lang niya nakilala.” Natahimik si Amara. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit na nararamdaman ng pinsan. Ang tanging nagawa niya lang ay makinig, kahit pakiramdam niya’y unti-unting nadudurog din ang puso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD