Calix’s POV Nakatingin ako sa kawalan habang nakahiga sa sariling kuwarto. Sa wakas, nakalabas na rin ako mula sa St. Luke’s Medical Hospital. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isip ko ang nangyari sa Santa Lucia, kung saan muntik na akong mawalan ng buhay dahil sa mga kalaban ni Governor Aiden Crizano, asawa ng pinsan kong si Lyka. Pero sa lahat ng sakit ng katawan na dinanas ko, mas mabigat sa dibdib ang iniwan ni Belle. Naiinis ako, o mas tamang sabihin, nagtatampo. Lahat ng tao ko, dumalaw. Lahat sila, nagpakita ng malasakit. Pero si Belle? Wala. Ni minsan, hindi siya nagpakita. Parang wala akong halaga sa kanya. Ni hindi niya ako tinignan bilang kaibigan man lang. Bakit gano’n? Bakit umaasa pa rin akong darating siya? Ano ba’ng utang na loob ang hinahanap ko sa kanya? Wala naman ka

