Chapter 51

1271 Words

Nadanat ko si Randy na nasa bahay. Halos araw-araw na siyang pumupunta rito, pero hinahayaan ko na lang, para kay Liran. Madalas, sa kuwarto na lang ako nagkukulong. Ayokong makaharap si Randy. Pero ngayong maghahapunan na, nando’n pa rin siya. Napakunot ang noo ko bago lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko si Amara sa kusina, abala sa paghahanda ng mesa. “Nandiyan pa ba si Randy?” tanong ko. “Oo, ate,” sagot ni Amara, bahagyang nag-aalangan. “Sabi kasi ni Liran gusto raw niya makasabay kumain si Daddy mo.” Paglabas ko ng sala, agad akong sinalubong ng boses ni Randy. “Belle,” mahinahong sabi niya. “Pasensiya na kung inabot ako ng gabi. Naglalambing kasi si Liran, gusto raw niya dito ako kumain.” “Mommy, please?” sabat ni Liran, nakangiti at pa-cute pa. “Pwede bang dito na kumain si Daddy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD