Randy’s POV Pag-uwi ni Randy sa bahay, nakita niya si Chloe, tahimik, mamumugto ang mga mata. Kumupas ang anumang awa sa kanyang dibdib. “Anong ginagawa mo rito?” galit niyang tanong. “Sino ka ba para magtanong?” sigaw ni Chloe, panunukso at galit din. Hindi niya maintindihan kung bakit nag-aalburuto ang itsura ni Randy. Nilapitan niya ito. Pinisil ang pisngi ni Chloe nang mahigpit. “Nakita ko kayong papasok ni Mr. Ramos sa hotel. May relasyon kayo. Hindi ko aakalain na papapatol ka sa matanda. Malandi ka talaga, mahilig kang pumatol sa may asawa!” Isang malakas na sampal ang tumapat sa mukha ni Chloe. Napapanganga ito, may pulang marka sa pisngi. Dun siya natahimik. “Ahhhh!” sigaw ni Chloe, humahawak sa masakit na pisngi. “Oo, pumatol ako kay Mr. Ramos, dahil sa pera! Dahil hindi mo

