Chapter 21

1358 Words

Pag-uwi ni Belle, ramdam niya ang bigat sa dibdib, parang pasan niya ang buong mundo. Napakabigat ng lungkot na bumalot sa kanya kaya napaupo muna siya sa isang bench sa park. Malamig ang simoy ng hangin, at ang mga ilaw mula sa poste ay tila nagsasayaw sa mga dahong nahuhulog. Sa paligid, puro magnobyo—magkahawak-kamay, nagtatawanan, at nagbubulungan ng matatamis na salita. Para bang buong mundo ay umiikot sa pagmamahalan, maliban sa kanya. "Sweet lang 'yan sa umpisa… hahaha, bitter much," bulong niya sa sarili habang mapait na napangiti. Pero agad din siyang natahimik. "Sabagay, baka depende talaga sa karelasyon." Naisip niya ang simula nila ni Randy. “Kung noon pa lang, nakita ko na yung mga red flags niya… pero pinili ko pa rin kasi mahal ko siya. Ang bata pa namin nun, pareho kaming

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD