Chapter 20

1364 Words
Nang makauwi si Amara sa bahay ni Belle, tulala pa rin siya. Hindi niya maiwasang isipin ang nangyari kanina. Ayaw na ayaw na talaga niyang makita si Damon, at kahit papaano’y nakahinga siya nang maluwag nang sabihin ng papa niya na ititigil muna niya ang pag-aaral. “Okay ka lang?” tanong ni Belle, o nangyari? Ang putla-putla mo.” Umiling lang si Amara at pinilit ngumiti. Hindi niya kayang sabihin ang totoo, ayaw niyang mag-alala pa ang Ate Belle niya. Mas pinili niyang sarilinin na lang ang bigat na dinadala. Pagpasok ni Belle sa opisina, napansin niya agad na wala si Calix. Nasa Sta. Lucia daw ito kasama ang mommy niya, umatend ng binyag ayon kay Chona. Isa si Chona sa mga staff ng kitchen, under sila Mrs. Mica. Tinuruan sila ng tamang paraan ng pagluluto at ilang bagong recipe. Masayang-masaya si Belle dahil may nadagdag na naman siyang kaalaman—hindi lang sa simpleng lutong ulam kundi pati sa mas pino at mas maayos na paraan ng pagluluto. Halos isang linggo na rin siyang pumapasok sa office at ramdam niya ang kabutihan ng mga kasamahan niya, lalo na si Ma’am Mica na siyang boss nila. Ang tanging hindi pa niya nakikilala o nakakabatian nang personal ay ang mga tao sa ibang department. Nahihiya kasi siya, lalo na at mukhang sosyal at sopistikado ang karamihan sa kanila. Bumaba si Belle para kumain. Sanay siya na madalas nandiyan si Calix para samahan at alalayan siya. Sa totoo lang, mas madalas pa silang magkasabay kumain kaysa sa asawa niyang si Randy. Pero naisip din niya, ibang department naman kasi si Randy, baka sobrang busy lang ito. Napahinto siya sandali at napaisip. Bakit nga ba mas nararamdaman ko pa ang presensya ni Calix kaysa sa asawa ko? Kung tutuusin, si Randy ang dapat nag-aasikaso o nag-aalala sa kanya, pero parang laging wala ito, palaging busy, palaging may dahilan. Samantalang si Calix, kahit boss, may effort pang samahan siya kahit sa simpleng pagkain lang. Parang sinadyang tugma, biglang tumunog ang cellphone ni Belle. Si Randy ang tumatawag. Saglit siyang napangiti, umaasang baka may lambing o kamustahan man lang. “Hello?” maingat niyang sagot. Pero malamig lang ang boses ni Randy sa kabilang linya. “Belle, baka gabihin ako ng uwi. May overtime kami. Kumain ka na lang mag-isa.” Natigilan si Belle. “Ah… sige.” mahina niyang tugon. Pagkababa ng tawag, parang lalo siyang nakaramdam ng lamig sa paligid. Naiisip niya tuloy: Kung nandito si Calix, siguradong hindi niya ako hahayaan kumain nang mag-isa. Napabuntong-hininga siya at pilit ngumiti, pero sa loob-loob niya, ramdam na ramdam niya ang pagkakaiba. Belle’s POV Isang gabi, habang inaayos ni Belle ang mga labahin ni Randy, may napansin siyang kakaiba sa kuwelyo ng puting polo nito. Mapula, parang bahid ng lipstick. Napahinto siya. Kinuha niya ang tela at halos idikit sa mata. “Hindi… baka ketchup lang…” mahina niyang bulong, pilit na inaaliw ang sarili. Pero habang mas pinagmamasdan niya, mas malinaw na hindi iyon ketchup. Kinabahan siya, kaya ibinalik agad ang polo sa laundry basket, parang natatakot na baka totoo ang iniisip niya. Kinabukasan naman, habang nagluluto siya ng hapunan, biglang nag-ring ang cellphone ni Randy na naiwan sa mesa. Saglit siyang nagdalawang-isip, pero nang makita niyang “Chloe at mah papuso pa” ang pangalan na naka-display, parang biglang nanlamig ang kanyang mga kamay. Hindi niya sinagot. Hinayaan niyang tumigil ang pag-ring. Ngunit ang t***k ng kanyang dibdib ay parang kumakabog nang malakas. “Chloe…” mahinang ulit niya, napapikit, pakiramdam niya’y guguho ang mundo. Para siyang hinihila sa pagitan ng galit at takot, galit dahil parang may ibang babae sa buhay ng asawa niya, at takot dahil baka totoo nga ang pinangangambahan niya. Belle’s POV Kinagabihan, habang sabay silang kumakain ni Randy, pinagmamasdan lang niya ito nang palihim. Normal lang ang kilos ng asawa niya, nagkukwento tungkol sa trabaho, tumatawa paminsan-minsan, parang walang bahid ng kasalanan. Ganito ba talaga siya kagaling magtago? tanong niya sa sarili, pero agad niya ring pinalis ang kaisipan. “Ano ulam natin bukas?” tanong ni Randy habang nginunguya ang pagkain. “Ah… baka adobo,” mabilis na sagot ni Belle, sabay pilit na ngiti. “Good. Paborito ko ‘yon,” tugon nito, hindi man lang napansin ang lungkot sa mga mata niya. Habang nagsasalin siya ng kanin, napansin niyang nanginginig ang kamay niya. Gusto niyang itanong kung sino si Chloe, kung bakit may lipstick sa kuwelyo ng polo nito. Gusto niyang isigaw lahat ng sakit at pagdududa. Pero nang tumaas ang tingin niya at makita ang pamilyar na mukha ni Randy, ang lalaking minahal at pinakasalan niya, parang napipi siya. Baka nagkakamali lang ako. Baka kaibigan lang niya si Chloe… baka biro lang ang pusong naka-display sa pangalan… pilit niyang pinaniniwala ang sarili. Pinili niyang tiklopin ang kanyang mga tanong at itago sa dibdib. Kasi alam niya, kapag lumabas ang mga iyon, baka tuluyang masira ang mundong pinanghahawakan niya. Kaya ngumiti siya, kahit ramdam niyang basag na siya sa loob. Belle’s POV Kinabukasan, hindi pa rin pumasok si Calix. Dalawang araw daw itong mananatili sa Sta. Lucia kasama ang pamilya para sa binyag. Napabuntong-hininga si Belle habang nasa pantry. Sanay na kasi siyang may kasabay kumain, kahit simpleng kwentuhan lang, kahit tahimik lang silang dalawa. Sa presensya ni Calix, pakiramdam niya ay hindi siya nag-iisa. Pero ngayon, tahimik ang paligid. Ang tanging kasama niya ay ang mabibigat na iniisip. Ang lipstick stain na nakita niya. Ang pangalang Chloe na may puso sa cellphone ni Randy. Para bang mas lalo siyang nalulunod sa pagdududa kapag wala si Calix. Kasi kung nandiyan ito, kahit papaano’y nababaling ang atensyon niya, natatakpan ang bigat. Habang tinititigan niya ang tasa ng kape, mahina niyang bulong sa sarili: “Bakit parang mas kailangan ko pa ang presensya ng isang tao na halos hindi ko kilala… kaysa sa asawa kong dapat nandito para sa akin?” Naramdaman niyang kumirot ang dibdib niya. Pinilit niyang ngumiti nang may dumaan na officemate, pero pagtalikod nito, muling bumalik ang lungkot sa kanyang mga mata. hindi na siya nakatiis. Habang abala sila sa kusina, nilapitan niya si Chona. “Chona,” mahina niyang simula, parang nag-aalangan. “May kilala ka bang Chloe dito sa office?” Biglang lumiwanag ang mukha ni Chona, halatang tuwang-tuwa na may tsismis na naman siyang pwedeng pag-usapan. “Chloe? Aba, siyempre! Kilala ‘yon. Maganda, maputi, sosyal. Pero…” tumagilid ang ulo nito at napasimangot, “…maarte.” Kinabahan lalo si Belle. Pinilit niyang gawing casual ang boses niya. “Ah… ganun ba? Saan department siya?” “Marketing! At naku, laging late kung pumasok pero palusot ang ganda. Kung hindi lang dahil close sa head nila, baka matagal nang nasabon ‘yon,” mabilis na kwento ni Chona, sabay kindat. Napangiti si Belle, pero sa loob-loob niya, kumakabog ang dibdib niya. Marketing… doon din kasi si Randy. Bigla siyang natahimik. Ayaw na niyang umusisa pa, pero lalo siyang kinakain ng kuryosidad. Ang bawat salitang binitiwan ni Chona ay parang apoy na lalong nagpapainit ng kanyang hinala. Hindi pa tapos magkwento si Chona nang biglang may dumaan sa harap nila. Halos sabay silang napalingon. Siya. Napakunot ang noo ni Belle. Matangkad, maputi, naka-heels, at halatang mamahalin ang bag. Makintab ang buhok, pulido ang make-up. Para bang galing sa magazine cover ang babae. “Good morning!” magiliw na bati ni Chloe sa lahat, sabay ngiti na parang sanay na sanay sa atensyon. Maraming staff ang napatingin, at may ilan pang napanganga. “Yan si Chloe,” bulong agad ni Chona, na parang nag-e-enjoy sa reaksyon ni Belle. “Diba? Maganda nga. Pero naku, akala mo kung sino. Hindi mo ba napansin? Ang taas ng kilay. Maarte talaga.” Napakagat-labi si Belle, hindi alam kung ano ang mararamdaman. Totoo nga, maganda si Chloe, at higit sa lahat… sosyal. Lalong bumigat ang dibdib niya nang maalala ang pangalan na may pusong naka-display sa cellphone ni Randy. Siya kaya ‘yon? Siya kaya ang dahilan kung bakit may bahid ng lipstick sa polo ni Randy? Pinilit niyang ngumiti at bumalik sa ginagawa, pero sa loob-loob niya, parang may kung anong pader ang biglang bumagsak sa harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD