"How's your day? Nahirapan ka ba?" nakangiting tanong ni Calix nang dumaan sa department nila. Isang linggo na rin si Belle sa opisina, at hindi maikakaila ang mabilis niyang pag-adjust.
Ngumiti siya. "Okay naman, Sir. Thank you po sa opportunities na binigay niyo sa akin."
"Wala yun. May talent ka, sayang naman kung hindi magagamit, ’di ba?" sagot ni Calix, bahagyang nakatitig sa kanya na para bang sinusuri, pero may lambing din sa tono. "By the way, how’s Lira?"
"May nagbabantay sa kanya, yung pinsan kong si Amara," mabilis na sagot ni Belle.
"Good to hear," tumango-tango ito, ngunit hindi agad inalis ang tingin kay Belle bago muling nagsalita. "By the way, it’s already 12 p.m. Tara, kain tayo sa baba. Para makita mo rin ang canteen. Soon, after a month siguro, depende na rin kay Ms. Mica, pwede ka nang i-assign dun to supervise."
Biglang kumislot ang excitement sa dibdib ni Belle. Hindi niya inakalang gano’n kabilis ang magiging oportunidad para sa kanya.
Habang sabay silang bumaba, ramdam niya ang bigat ng mga matang nakasunod sa kanila. Lalo na’t si Calix mismo, ang CEO, ang nagyayang sumabay.
"Alam mo, sikat ang department natin sa Nutrition," bulong ni Chona habang nakangising nakatingin kina Belle at Calix. "Lagi nating kasama si Sir Calix… inggit sila, oh."
Natawa si Belle. "Ikaw talaga," sagot niya, pero hindi niya maitago ang kilig.
Sa kabilang mesa, may dalawang staff na palihim na nagbubulungan.
"Napansin mo ba kung paano tumingin si Sir kay Belle? Hindi niya ginagawa ’yon sa iba," sabi ng isa.
"Oo nga, parang… special," sagot ng kasama, sabay kindat.
Bahagyang napangiti si Calix habang nakatingin kay Belle, hindi bilang boss, kundi parang may kung anong mas personal na interes na pilit niyang ikinukubli.
Pagdating nila sa canteen, halos sabay-sabay napalingon ang mga tao. May mga sandaling tumahimik ang paligid bago bumalik ang ingay ng mga kutsara at tinidor. Pero ramdam ni Belle na marami pa ring nakatingin sa kanila.
Umorder sila ng pagkain. Halos hindi makatingin si Belle nang diretso dahil naiilang siya sa atensyon.
"Relax ka lang," mahina pero nakangiting sabi ni Calix habang sabay silang pumipila. "Hindi ka nila kinakain, titignan lang."
Napatawa si Belle kahit kinakabahan. "Sir, nakakahiya po… parang artista lang ang feeling."
"Eh, kasalanan mo rin," biro ni Calix. "Kung hindi ka masyadong masipag at matalino, hindi ka mapapansin ng lahat. At syempre," bahagya siyang yumuko para marinig lang ni Belle, "hindi rin kita mapapansin."
Nanlaki ang mata ni Belle, hindi alam kung paano sasagot. Buti na lang at tinawag na sila ng staff sa counter.
Pag-upo nila sa isang mesa, sunod-sunod na ang mga bulungan sa paligid. May ilan pang pasimpleng kumukuha ng litrato gamit ang cellphone nila.
"Sir, baka isipin nila kung ano-ano…" mahinang wika ni Belle habang nakayuko.
"Hahayaan mo na sila," sagot ni Calix na parang walang pakialam. "Sanay na ako na pinag-uusapan. Tsaka… mas okay kung sa trabaho ka nila nakikita, kaysa kung saan-saan."
Tumingin si Belle, bahagyang nag-init ang pisngi. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakakaba, yung mga matang nakatitig sa kanila, o yung mga salitang binitiwan ni Calix.
Nakarating kay Randy ang balitang close daw si Sir Calix at Belle. Natawa lang siya nang marinig iyon.
"Hay naku, mga tao talaga, masyado mapanghusga," bulong niya sa sarili. Buo ang tiwala niya kay Belle. Para sa kanya, imposible namang patulan ni Calix ang asawa niya. CEO iyon—seryoso, respetado. Samantalang si Belle, simpleng babae lang.
Ang hindi alam ng marami, kampante si Randy hindi dahil malinis ang konsensya niya, kundi dahil abala siya sa iba. Masaya siya na halos araw-araw na niyang nakakasama si Chloe. Nakagawa na siya ng paraan para maitago ang kanilang relasyon, isang lihim na matamis pero mapanganib.
Para kay Randy, balewala ang tsismis tungkol kay Belle at Calix. Ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay kung paano niya mapapanatili ang sikreto nila ni Chloe.
Pag-uwi ni Belle mula sa trabaho, nadatnan niyang wala pa si Randy. Sanay na siyang nauuna itong makauwi, pero nitong mga nakaraang araw, madalas na itong gabi kung dumating.
“Siguro maraming overtime,” bulong niya sa sarili habang inaayos si Lira.
Kinabukasan, napansin niyang iba ang amoy ng polo shirt ni Randy nang isampay niya ito. Hindi iyon karaniwang amoy ng pawis o sigarilyo—may halong pabango ng babae.
“Baka nadaanan lang,” pilit niyang pangangatwiran sa sarili.
Ngunit lalo siyang kinabahan nang isang gabi, bigla na lang nag-text si Randy.
“Late na ako makakauwi. May emergency meeting kami ni boss.”
Pinili niyang maniwala, pero habang nakahiga siya sa kama, naramdaman niyang may kakaiba. Hindi na kasing lambing ng dati ang asawa niya, at parang palaging may dahilan para umiwas.
Habang iniisip niya ito, bigla niyang naalala ang sinabi ng mga tao sa opisina tungkol sa closeness nila ni Calix. Napabuntong-hininga siya.
“Kung alam lang nila… ako nga, nag-aalala kung bakit nagbabago si Randy.”
Belle’s POV
Sabado. Walang pasok si Belle kaya maaga siyang nagising para magluto ng almusal. Naroon si Randy sa sala, nakikipaglaro kay Lira. Halos matunaw ang puso ni Belle sa tuwing naririnig niya ang halakhak ng anak nila.
“Papa, ang bilis mo!” sigaw ni Lira habang hinahabol siya sa maliit na espasyo ng sala.
Nakangiti si Randy, pinapasan ang anak at iniikot sa ere. Sa sandaling iyon, para bang normal lang ang lahat—parang wala siyang dapat ipagduda.
Pagkatapos nilang kumain, nagsimula nang mag-ayos si Randy. Nagpalit ng bagong polo at pabango.
“May pupuntahan lang ako, kaibigan ko,” sabi niya habang inaayos ang relo. “Baka gabihin ako ng konti.”
Tumango si Belle, pero hindi nakaligtas sa kanya ang paraan ng pagsasalita ni Randy—parang nagmamadali, parang may tinatago.
“Kaibigan?” mahina niyang ulit, pilit na kalmado ang tono.
“Oo. Matagal ko na ring di nakikita. Don’t worry, maaga rin akong uuwi.” Dinampian pa siya nito ng halik sa pisngi bago muling naglaro saglit kay Lira.
Nakangiti si Belle habang pinapanood silang mag-ama, pero sa loob-loob niya, may bigat na hindi niya maalis. Parang may bumubulong sa kanya: Sana totoo ang sinasabi niya.
Amara’s POV
“Uuwi lang ako saglit, Ate Belle, kukunin ko lang yung mga damit ko,” paalam ni Amara habang nakasandal sa pinto.
Ngumiti si Belle habang abala sa paglilinis. “Sige, hindi na kita maihahatid, busy pa ako. Basta ingat ka ha.” Kinuha niya ang pitaka at iniabot ang kaunting pera.
“Salamat, Ate,” nakangiting tugon ni Amara bago umalis.
Pagdating niya sa bahay nila, abot-abot ang buntong-hininga ni Amara. Hindi pa rin siya sanay na makita ang dati nilang tahanan na tila mas tahimik at malungkot na. Ngunit bago pa siya makapasok, natigilan siya.
Nasa may pintuan ang isang pamilyar na pigura.
Si Damon.
Halos bumilis ang t***k ng puso niya. Ang lalaking iyon, dating kaklase niya sa Brent University. Ang famous, laging bida, laging mayabang. Siya ring pinakakahuli niyang taong nais makita.
Napaatras si Amara, ramdam ang kaba at inis na sabay na sumiklab sa dibdib niya. Balak na sana niyang tumakbo palayo, ngunit bago siya makalayo, mabilis siyang hinawakan nito sa braso.
“Amara?” malamig pero may halong ngiti ang boses ni Damon. “Long time no see.”
Nanlamig siya. Wala siyang balak muling magkaroon ng koneksyon sa taong ito, pero ngayon, hawak na nito ang braso niya—at wala siyang matakbuhan.
Amara’s POV
“ hindi ka na pumapasok?” malamig na tanong ni Damon habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin, pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses. “Nag-drop out na ako… wala na akong pera pang-tuition.”
Natawa si Damon, isang tawang pamilyar na nagdala sa kanya pabalik sa mga masasakit na alaala ng Brent. Yumuko ito palapit at bumulong, “Kung kailangan mo ng pera, just tell me. Ang bayad lang naman… ay ikaw.”
Kinilabutan si Amara. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Mabilis siyang napaatras, pilit kumakawala sa braso nito.
Parang sumabog lahat ng alaala sa isip niya. Ang mga panahong siya at si Ethan, ang kanyang boyfriend noon, ay ginawang laruan ng barkada ni Damon. Ang mga sigawan, tuksuhan, at paninira. Hindi lang siya, pati si Ethan ay binully rin hanggang halos mawalan sila ng lakas ng loob na pumasok sa klase.
Dahil sa kanila, dahil kay Damon—unti-unti siyang sumuko. Hanggang tuluyang nawala ang gana niyang magpatuloy sa pag-aaral. At dahil na rin sa walang pera
“Layuan mo ’ko,” mahina pero nanginginig ang boses niya, halatang nangingibabaw ang takot.
Ngumisi lang si Damon, parang aliw na aliw sa takot na nakikita niya sa mga mata ni Amara.