Chapter 11

1525 Words
Pagkatapos masigurong nakapasok na si Belle sa loob ng bahay, saka lang nagpaandar ng sasakyan si Ronald. Tahimik lang sila habang umaalis pero napansin nito ang ngiti sa labi ng amo niya. “Sir, parang ang saya niyo ah,” biro ni Ronald habang nakatingin sa daan. Umiling si Calix pero hindi maitago ang ngiti. “Ronald, bukas, dito ulit tayo dadaan. Gusto kong bumili ulit ng ulam.” Napatingin saglit si Ronald sa rearview mirror, kita ang pagtataka sa mukha. “Eh, Sir, hindi naman po tayo palaging dito namimili, ‘di ba?” “Gusto ko lang ulit matikman yung luto niya,” maikling sagot ni Calix. Pero sa isip niya, hindi lang pagkain ang habol niya. Habang nagda-drive si Ronald, nakatingin lang si Calix sa bintana, tahimik pero halatang may iniisip. Ano bang nangyayari sa’kin? Bakit hindi siya mawala sa isip ko? Tumunog ang cellphone niya, si Mama ang nasa kabilang linya. “Calix, anak! Nasa Manila na kami ng Tita Sofia mo. Gusto ka naming makita bago kami bumalik.” “Good. Sabihin niyo lang kung kailan kayo free, pupuntahan ko kayo,” sagot niya. Pagkababa ng tawag, napangiti siya. Perfect timing. May naisip siyang plano. Siguro magandang ipatawag ulit si Belle para mag-cater sa opisina. At least, may dahilan siyang makita ulit ito, at this time, mas matagal. “Ronald,” tawag niya. “Sir?” “Pagbalik natin sa opisina, ipaalala mo sa admin na ako mismo ang pipili ng caterer para sa susunod na event.” Napangiti si Ronald, parang alam na niya ang iniisip ng boss niya. “Noted, Sir.” Sa likod ng sasakyan, nakasandal si Calix at tahimik na napangiti. Hindi niya alam kung saan hahantong ang interes na ito kay Belle, pero gusto niya itong tuklasin. Pagdating ni Calix sa opisina, balik na naman sa normal ang routine. Katulad ng dati, halatang nangingilag sa kanya ang mga empleyado. Hindi naman siya sigaw nang sigaw o nananakot, pero may presensya siya na ayaw lapitan ng karamihan. Hindi ko naman sinasadya, naisip niya. Pero ganito talaga ako. Bihira lang ang pinapayagan ko sa mundo ko. Habang naglalakad papasok sa sariling opisina, napansin niya sina Randy at Chloe na magkasabay na bumalik mula sa labas. Halatang sabay silang nag-lunch. Sandaling napatingin si Calix sa kanila, pero wala siyang ipinakitang reaksyon. Alam ko namang may asawa na si Randy, naisip niya. Pero hindi ko pakikialaman ang personal nilang buhay. Basta maayos ang trabaho nila at walang iskandalo sa loob ng opisina, fine sa akin. Umupo na siya sa swivel chair at nagbukas ng laptop. Pero kahit anong gawin niya, hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina sa palengke, ang tawa ni Belle, at ang pabiro nitong “asawa ko ‘yan.” Napailing siya at bahagyang napangiti nang hindi namamalayan. Pagkatapos ng meeting sa opisina, tinawag ni Calix ang admin. “Ms. Perez, sa susunod na staff meeting, gusto ko si Belle ang mag-cater. Yung binibilhan natin ng ulam dati.” Nagkatinginan ang admin at assistant niya. “Sir, wala po siyang catering service, small-scale lang daw po ang ginagawa niya. Tumuloy na po kami sa usual supplier.” Umiling si Calix. “No. Tawagan niyo ulit si Belle. Sabihin ninyo gusto ko siya ang magluto. Kahit tatlong putahe lang.” Napatulala ang dalawang admin pero agad na sinunod ang utos. Tumawag sila kay Belle, pero gaya ng sinabi nila, tumanggi ito. “Sir…” balik-ulat ng admin matapos ibaba ang tawag, “…ayaw pa rin po ni Ma’am Belle. Nahihiya raw po siya, baka hindi daw magustuhan ng staff kasi wala siyang catering business.” Tahimik lang si Calix sandali. Tapos bigla niyang inabot ang cellphone niya. “Bigay niyo sa’kin number niya,” mahinahong sabi niya. Nagulat ang admin at assistant. Hindi nila akalaing tatawag mismo si Calix — kilala siya bilang seryoso at laging pormal sa empleyado, pero ngayon, parang ibang tao. Tawag ni Calix kay Belle Nagulat si Belle nang tumunog ang cellphone niya at ibang numero ang lumabas. “Hello?” “Belle?” Malumanay pero may bigat ang boses sa kabilang linya. “Sir…?” halos mahina niyang sagot. “This is Calix Salazar,” pakilala nito, pero may bahagyang lambing sa tono. “Nalaman kong tumanggi ka sa request namin. Gusto ko lang sabihin personally — ako mismo ang humihiling. Hindi kailangan maraming putahe, kahit tatlong ulam lang, basta luto mo.” Natigilan si Belle, hindi makasagot agad. Hindi siya sanay na makausap ng diretso si Calix, lalo na’t ang bait at ang lambing ng tono nito. “Belle, please,” dagdag ni Calix, mas mahinahon. “Business transaction lang ito. Pero gusto kong matikman ng mga tao dito ang luto mo. Sayang ang talent mo kung hindi nila mararanasan.” Napabuntong-hininga si Belle at napangiti kahit hindi ito nakikita ni Calix. “O-opo, Sir. Susubukan ko.” “Good,” halos mapalambing na sabi ni Calix. “I’m looking forward to Thursday.” Pagkababa ng tawag, napahawak sa dibdib si Belle. Bakit parang hindi ako makahinga? Napangiti siya, pero may halong kaba at kilig. Samantala, sa opisina, napangiti si Calix habang binabalik ang cellphone sa mesa. Nagkatinginan ang admin at ang assistant niya, parehong hindi makapaniwala sa nakita nila. “Sir…” maingat na sabi ng admin, “…ang bait niyo po kanina.” Bahagyang napataas ang kilay ni Calix. “May problema ba doon?” “Wala po, Sir,” mabilis na sagot nito, pero paglabas ng opisina ay napailing at napangiti. Ngayon lang namin nakita si Sir na ganun ka-sweet makipag-usap. Pagdating ng gabi, masayang sinalubong ni Belle si Randy. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya habang inaayos ang mesa. “Randy! May good news ako,” excited na sabi niya. “Ako ang pinapagluto para sa staff meeting sa opisina nila Sir Calix. Parang first catering project ko ito! Kung magustuhan nila, baka maulit pa.” Saglit lang siyang tinignan ni Randy, halatang malayo ang iniisip. “Ah… okay yan,” malamig na sagot nito. “Matutulog na ako, maaga pa ako bukas.” Napalunok si Belle. Inaasahan niya sanang makikibahagi sa saya ang asawa, pero hindi man lang siya tinanong kung anong lulutuin niya. Napatingin siya kay Randy habang papasok ito sa kuwarto. Hindi alam ni Belle na hanggang ngayon, lutang pa si Randy, para bang nasa alapaap pa siya dahil kay Chloe. Sa isip niya, sariwa pa ang mga ngiti at lambing ng babae sa kaniya kanina. Napabuntong-hininga si Belle at napangiti nang pilit. Bahala nga siya sa buhay niya, bulong niya sa isip. Basta ako, masaya ako. May chance na akong mapalaki ang income ko. Pagkatapos ay kinuha niya ang cellphone niya at nag-type ng message: Belle: Kaye, pwede ka bang tumulong bukas? May catering ako para sa opisina ni Sir Calix. Kailangan ko ng extra kamay. Habang inaayos ang mga kailangan para bukas, ramdam ni Belle ang kakaibang excitement. Sa unang pagkakataon, may ginagawa siyang bagay na para sa sarili niya at hindi niya hahayaang masira ito ng malamig na pagtrato ni Randy. Kinabukasan Maaga pa lang, gising na si Belle. Tinawagan na niya si Kaye at sabay silang pumunta sa palengke para bumili ng kulang pa sa lulutuin. “Grabe, Belle,” sabi ni Kaye habang inaayos ang mga gulay. “First time mo mag-cater tapos sa opisina pa ng big boss? Parang big break mo ‘to!” Napangiti si Belle habang hinihiwa ang mga sangkap. “Oo nga eh. Kaya dapat perfect. Ayokong mapahiya.” Habang nagluluto sila, ang saya ng dalawa, nagtatawanan, nagkukulitan, at sabay nagpa-plating ng ulam. Sa bawat halong ginagawa ni Belle, nararamdaman niya ang fulfillment. Para bang unti-unti niyang naaabot ang isang bagay na dati’y pangarap lang. Habang papalapit sila sa gusali, unti-unting bumagal ang lakad ni Belle at Kaye. “Grabe, Belle…” mahina pero nangingiting sabi ni Kaye. “Ang laki pala ng opisina nila. Parang five-star hotel!” Napahigpit ng hawak sa container si Belle. Biglang nakaramdam siya ng kaba. “Oo nga, no…” sagot niya, napalunok. Ano ba ‘to, parang gusto ko na ata umatras. Baka mapahiya lang ako. Baka hindi nila magustuhan ang luto ko. Ramdam ni Kaye ang kaba ng kaibigan. “Uy, wag kang kabahan. Ang ganda kaya ng presentation natin. Kaya mo ‘to!” sabay tapik sa balikat ni Belle. Huminga nang malalim si Belle at pinilit ang sarili na ngumiti. “Oo nga. Sayang naman kung ngayon pa ako uurong.” Pero pagpasok nila sa lobby, lalong nanlaki ang mata ng dalawa — marmol ang sahig, ang receptionist ay naka-corporate attire, at ang paligid ay puro salamin. Para silang hindi makahinga sa sobrang laki at linis ng lugar. “Ma’am, kayo po ba ang sa catering?” bati ng guard. “O-opo,” sagot ni Belle na halatang kinakabahan. Ilang minuto lang, dumating ang admin na sumundo sa kanila. “This way po, Ma’am. Nasa conference room na po ang staff. I-setup na natin.” Habang naglalakad papasok, hindi mapigilan ni Belle ang mapatingin sa paligid. Diyos ko, ang linis, ang tahimik… Parang dinig na dinig niya ang t***k ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD