Maagang gumayak si Randy. Hindi niya maintindihan pero parang ang gaan ng pakiramdam niya, excited siya pumasok sa office. Siguro dahil gusto niyang makita si Chloe.
“Hindi ka ba muna sasama sa amin ng anak mo?” tanong ni Belle habang inaayos ang buhok ni Lira. “Magpa-parade siya ngayon. Iikot lang naman tapos balik na agad sa school.” Paalala nito, kasi sinabi na niya ito kahapon pero mukhang nakalimutan ni Randy.
“Malalate na kasi ako, Belle. Babawi na lang ako next time.” Pagdadahilan niya sabay ngiti, pilit pero parang wala siyang planong umatras.
“Ang ganda naman ng anak ko,” malambing niyang sabi habang niyayakap si Lira.
“Love you, Papa,” masayang sagot ng bata at yumakap din sa kanya.
“Okay, sige. Sabay na tayo lumabas,” sabi ni Belle para makasabay na lang siya sa paghatid.
“Mauna na ako, hindi ko na kayo mahihintay.” Yumakap uli siya sa anak at mabilis na humalik sa pisngi nito. “Bye!”
Sinundan na lang siya ng tingin ni Belle. Ramdam niya ang bigat sa dibdib. Parang wala na akong asawa, bulong niya sa sarili. Kung dati bihira lang sila magkita, mas lalo ngayon, aalis ng maaga, uuwi ng gabi, at palaging pagod. Napailing na lang siya at pinilit ngumiti para hindi mahalata ni Lira ang lungkot niya.
Masaya naman ang parade ni Lira. Maaga pa kaya hindi pa masyadong mainit. Nakausap ni Belle ang ilang nanay na katulad niyang sumama sa anak. Natuwa siya dahil nakasama niya si Lira kahit sandali.
Pagkauwi, dali-dali siyang nagpunta sa palengke para makapamili at makapagluto na. Kailangan, bago mag-alas dose, mailako na niya ang paninda sa office. Pinabantayan na lamang niya si Lira sa kapitbahay.
Habang bitbit ang basket ng pinamili, nagulat siya nang makita si Calix. Agad siyang nagkunwaring abala pero nilapitan siya nito.
“Hi,” bati ni Calix, simple pero may lambing sa tono.
“Hello po, Sir,” nahihiyang bati ni Belle, medyo nagulat pa rin. “Dito rin po kayo namamalengke?” tanong niya habang pinipilit ngumiti.
“Ah, yes. Pero gusto ko sana fresh na seafoods. May alam ka bang tindahan na okay?” tanong nito.
“Sige, Sir. Dito po sa suki ko, sasamahan ko kayo,” alok ni Belle.
Nagkibit-balikat si Calix at sumabay na sa kanya. Habang naglalakad sila, bigla nitong kinuha ang mga pinamili niya.
“Naku, ‘wag na po. Baka madumihan kayo,” mabilis na sabi ni Belle, halatang nahihiya.
“No, it’s okay,” maikling sagot ni Calix, pero halatang seryoso.
Napatingin si Belle sa kanya, medyo nahiya.
Pagdating nila sa suki ni Belle, agad niyang pinamili si Calix ng mga sariwang hipon at alimango. Habang inaasikaso ni Belle ang tawaran, napapangiti lang si Calix, nakakatuwa panoorin si Belle na parang sanay na sanay makipagtalo para makakuha ng dagdag.
“Naku, Sir, ganyan talaga ‘yan si Belle, makulit sa tawaran!” natatawang sabi ng tindera habang tinatimbang ang hipon.
Bigla namang ngumiti si Belle at pabirong sabi, “Uy, asawa ko ‘yan, ha!” sabay turo kay Calix.
Nagulat si Calix sa sinabi nito. Halos mapahinto siya sa paghinga at napatingin kay Belle na parang hindi makapaniwala.
“Huy! Nangarap ka na naman!” sagot ng tindera na aliw na aliw. “Kahit hindi ko pa nakikita ang asawa mo, imposibleng si pogi ang asawa mo no! Hahaha!”
Natawa na rin si Belle sa biro at mabilis na nilapitan si Calix. “Sir, joke lang po ‘yon ha,” mahina niyang bulong.
Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, parang tumigil ang paligid. Napalunok si Belle at agad na umiwas ng tingin, pero ramdam niya ang kakaibang init sa pisngi niya. Si Calix naman ay bahagyang ngumiti, parang may ibig sabihin.
“Hmm,” mahinahong sagot niya bago kinuha ang bayad at siya na ang nag-abot sa tindera. Asawa ko ‘yan. Paulit-ulit niyang inuusal sa isip ang sinabi ni Belle, at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, gusto niyang marinig ulit iyon.
Pagkatapos nilang mamili, naglakad na sila pabalik sa sakayan. Tahimik lang sila sa una, pareho yatang iniisip ang nangyari kanina sa tindahan.
Si Belle ang unang bumasag ng katahimikan. “Pasensya na po kanina, Sir. Pabiro lang talaga ‘yon. Alam niyo naman, mga tindera mahilig mang-asar.”
Napatingin sa kanya si Calix at bahagyang ngumiti. “Okay lang. Hindi naman ako na-offend.” Saglit siyang tumigil sa paglakad, saka idinugtong, “Actually… hindi naman masamang pakinggan.”
Napatigil si Belle at napatingin din sa kanya. “Ha?”
Ngumiti si Calix, medyo pilyo. “Yung sinabi mo… na asawa mo ako.”
Namula ang pisngi ni Belle at natawa na lang para maalis ang kaba. “Naku, Sir, baka seryosohin niyo ‘yon.”
“Hm,” simpleng tugon ni Calix, pero hindi naalis ang maliit na ngiti sa labi niya habang nagpatuloy silang maglakad.
Habang naglalakad, ramdam ni Belle na bumibilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa hiya, sa biro, o sa kung anong pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.
Pagdating nila sa sakayan, mahinahong kinuha ni Calix ang mga bitbit niya. “Ako na,” sabi nito.
“Sir, kaya ko na po—” pero pinigilan siya ni Calix ng tingin. Hindi ito masungit, pero may bigat. “Belle, hayaan mo na.”
Wala na siyang nasabi. Tahimik silang sumakay, pero pareho silang may ngiti sa labi, parang parehong ayaw matapos ang moment.
Nang maihatid si Belle, hindi muna umalis si Calix. Nag-park lang sila sa hindi kalayuan, tanaw ang bahay mula sa sasakyan.
“Sir, dito lang ba tayo?” tanong ni Ronald, ang kanyang personal na alalay, habang nagtataka.
“Yes,” matipid na sagot ni Calix. Hindi niya maalis ang tingin sa bahay ni Belle. Kitang-kita niya ito sa loob, abala sa pag-aayos ng mga pinamili at paninda.
Ano bang nangyayari sa’kin? bulong niya sa sarili. Simula nang makita niya si Belle, parang na-caught na ang attention niya rito. Hindi lang dahil maganda si Belle, kundi dahil may kakaibang paalala ito sa kanya.
Kamukha ito ng babaeng gusto niya noon pa, noong college pa siya sa La Salle. Yung babae ay taga-University of the East, simple lang, palaging naka-pony tail. Hindi nga niya inamin noon kahit kanino, pero halos araw-araw niya itong sinisilip kapag may event sa campus.
Napabuntong-hininga si Calix. Siguro kaya ako napabili ng ulam nuon. At bonus na lang na ang sarap niya palang magluto, parang luto ni Mama.
Napangiti siya sa isiping iyon. Speaking of Mama… Naalala niyang pauwi na ang mama niya galing Sta. Lucia. Kasama pa nito ang kapatid na si Tita Sofia, ang kapatid sa ina ng mama niya at ang mommy ni Lyka.
Napahawak siya sa manibela, hindi alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam niya.
“Sir, aalis na ba tayo?” tanong ulit ni Ronald.
“Wait lang,” sagot ni Calix, hindi pa rin inaalis ang tingin sa bahay. Sa di niya maipaliwanag na dahilan, gusto niya manatili lamang habang naghihintay na lumabas si Belle.