Chapter 9

1305 Words
Nasa Office na si Randy at halatang kanina pa nag-aabang. Gustong-gusto niyang makausap si Chloe tungkol sa nangyari sa kanila kagabi. Pagkakita niya sa dalaga, hindi niya napigilang mapangiti at makaramdam ng kaunting kilig. Ang ganda talaga ni Chloe, maganda na, seksi pa. Kahit sinong lalaki siguradong mahuhulog sa kanya. “Hi,” bati niya nang magkasalubong sila. Ngumiti ito nang matamis. “Hello.” “Can we talk? Huwag sana dito… somewhere more private. Maaga pa naman. Puwede ba tayo sa coffee shop malapit dito?” medyo alanganing sabi ni Randy. Tumango lang si Chloe at ngumiti, tila walang pag-aalinlangan. Sabay silang naglakad papalabas, pero bago pa sila makarating sa pinto ay nasalubong nila si Calix, palabas din ng opisina. “Good morning, Sir,” bati ni Chloe, may kasamang pa-cute na ngiti. Bahagya lang tumango ang kanilang supladong CEO, halos hindi man lang tiningnan si Chloe. Napailing si Randy. Grabe, baka bakla nga ang CEO nila, hindi man lang nakikita kung gaano kaganda si Chloe. Well, sabi nila maraming magaganda sa office pero wala raw siyang pinapansin kahit isa. Baka naman sobrang taas ng standards niya… baka gusto niya kasing yaman niya rin. Pagdating nila sa coffee shop, umorder muna sila at naupo sa isang tahimik na sulok. Pagkahatid ng mga inumin, sandaling natahimik si Randy bago naglakas-loob na magsalita. “Yung nangyari sa atin kagabi…” alanganing simula niya, hindi makatingin nang diretso kay Chloe. “Naalala mo ba ‘yon? O baka nadala ka lang… kasi medyo lasing ka na nun.” Napangiti si Chloe, isang matamis pero medyo pilyang ngiti. “Yes. Bakit? Nagustuhan mo ba?” Biglang napalunok si Randy, napatingin siya sa mga labi ni Chloe na parang naaalala pa rin ang lasa ng halik kagabi. Bahagya siyang napatango. Hinawakan ni Chloe ang braso niya, marahang pinisil. “Pwede naman tayo, eh,” sabi nito, mahinahon pero diretso. “Basta no strings attached… kasi may asawa ka na, ‘di ba?” Sandaling natahimik si Randy pero ngumiti rin, para bang nagkakaintindihan na sila nang walang masyadong salita. Pareho nilang alam kung anong klaseng relasyon ang papasukin nila, isang lihim na koneksyon na sila lang ang may alam Magkasabay na pumasok sa opisina sina Randy at Chloe. Hindi maitago ni Randy ang ngiti sa labi—parang mas gumaan ang pakiramdam niya matapos ang pag-uusap nila kanina. Grabe, ang swerte ko pa rin, naisip niya. Malakas pa rin pala ang appeal ko sa mga babae. Dahil doon, ganado siya buong umaga sa trabaho. Mas maaliwalas ang mood niya, mas mabilis pa nga siyang makatapos ng mga reports. Paminsan-minsan ay sumisilip siya kay Chloe mula sa kanyang mesa, at tuwing nagtatama ang kanilang mga mata ay palihim silang nagbibiruan ng tingin. Habang papalapit ang tanghali, napangiti si Randy. Mamaya, yayain ko ulit siya. Kahit simpleng dinner lang. Gusto ko lang siya makasama. Napansin ito ng isa sa mga officemates nila. “Uy, parang blooming si Chloe ah,” bulong nito sa katabi. “Oo nga, pati si Randy parang ang saya ngayon,” sagot ng isa, sabay kindat. “Hmm… baka may something?” Narinig ni Randy ang bulungan pero hindi niya pinansin. Sa halip, mas lalo siyang napangiti. Bahala sila sa chismis nila. Mamaya, yayain ko ulit si Chloe. Kahit simpleng dinner lang basta gusto ko lang siya makasama. Sa wakas, ang pinakahihintay ni Randy, oras ng uwian, dumating na rin. Halos hindi siya mapakali buong hapon, hinihintay lang ang pagkakataong makasama ulit si Chloe. Nakaabang siya sa labas ng opisina at agad na lumapit nang makita ang dalaga. “Ready ka na?” tanong niya na may ngiti sa labi. Ngumiti si Chloe. “Oo. Tara na.” Sumakay si Randy sa kotse ni Chloe. Kanina pa niya ito niyaya na kumain sa labas, at kanina pa rin siya excited. Habang nasa biyahe, panay ang tingin niya kay Chloe na parang lalong gumaganda habang binabaybay nila ang daan. Ngunit biglang napakunot ang noo niya nang huminto si Chloe, hindi sa restaurant na iniisip niya, kundi sa harap ng isang motel. Napatingin si Randy kay Chloe, medyo nagulat pero halatang kinikilig at kinakabahan. Ngumiti lang ang dalaga, saka marahang nagsalita: “Gusto mo pa bang kumain muna? O dito na lang tayo?” Halos mapangiti si Randy nang hindi sinasadya. This is it, bulong niya sa isip, habang ramdam niya ang bilis ng t***k ng puso niya. Sigurado ka ba dito?” mahina niyang tanong. Ngumiti lang si Chloe at marahang nagtaas ng kilay. “Bakit? Takot ka ba?” Napalunok si Randy. Sa loob-loob niya, sumagi ang mukha ng asawa niya. Mali ‘to… pero… Nang tingnan niyang muli si Chloe, naramdaman niyang bumibilis ang t***k ng puso niya. Pagkapasok nila sa room, pakiramdam ni Randy ay may kumakabog sa dibdib niya. May halong kaba, may halong guilt, pero mas nangingibabaw ang pagnanasa. Nang maglapit si Chloe at dahan-dahan siyang hinalikan, tuluyan nang bumigay ang natitirang konsensya niya. Sa gabing iyon, pinili niyang kalimutan ang lahat, pati ang asawa niya, kahit panandalian lang. Nang maglapit sila sa loob ng kwarto, hindi na nakapagpigil si Randy. Hinawakan niya si Chloe sa bewang at marahang hinila palapit. Naghintay lang ang dalaga, nakangiti, bago siya halikan ni Randy. Napakalambot ng mga labi nito, mabango ang hininga, halos mawalan siya ng ulirat. Ramdam niya ang init ng katawan ni Chloe sa bawat pagdikit ng kanilang balat. Hindi niya mapigilang halikan ito nang paulit-ulit, Lalo na sa maselan katawan nito at nag- concentrate Talaga siya sa pagitan ng mga hita nito. para bang gusto niyang tandaan ang bawat sandali. Yumakap si Chloe sa kanya, mas lalong pinalapit siya. Ang bawat paghinga nito ay may kasamang impit na ungol, lalong nagpapabilis ng t***k ng puso ni Randy. Sa sandaling iyon, nakalimutan niya ang lahat, ang asawa niya, ang trabaho, at ang konsensyang kanina pa kumakagat sa kanya. Ang tanging mahalaga ay ang init na bumabalot sa kanilang dalawa. Pagkatapos ng lahat, nakahiga si Randy sa tabi ni Chloe, habol ang hininga. Tahimik ang kwarto, tanging tunog ng aircon ang maririnig. Nakapikit si Chloe, mukhang kuntento, pero si Randy ay hindi mapakali. Habang nakatitig sa kisame, biglang sumagi sa isip niya ang asawa niya. Ano bang ginawa ko? bulong niya sa sarili. Ramdam niya ang bigat sa dibdib, para bang tinatamaan ng konsensya. Napansin iyon ni Chloe at ngumiti lang, saka humilig sa balikat niya. “Relax ka lang. Hindi mo kailangang seryosohin ‘to. Masaya lang tayo, ‘di ba?” malambing na sabi nito. Tumango lang si Randy, pero sa loob-loob niya, mas lalo siyang nabahala. Alam niyang mali ang lahat, pero naaalala rin niya kung gaano kainit ang mga halik ni Chloe kanina, at kung paanong saglit niyang nakalimutan ang lahat ng problema. Pag-uwi niya nang gabing iyon, halos hindi siya makatingin sa asawa. Tahimik lang siya habang kumakain, at nang mahiga sa kama, hindi siya dalawin ng antok. Paulit-ulit niyang naiisip ang nangyari kanina at ang matamis na ngiti ni Chloe. Itutuloy ko pa ba ‘to? tanong niya sa sarili. Alam niyang dapat tapusin na niya habang maaga pa, pero ang katawan at puso niya ay tila gustong bumalik kay Chloe. Napansin ni Belle na tila may kakaiba sa kilos ni Randy nang umuwi ito. Tahimik lang, halos walang imik habang kumakain, at parang malayo ang tingin. Nanibago siya, pero hindi na lang niya pinansin. Baka pagod lang sa trabaho, isip niya, habang nagpatuloy sa ginagawa. Abala si Belle sa pagsasampay ng mga nilabhan, malapit na rin siyang matapos. Kailangan pa niyang asikasuhin si Lira dahil may nutrition month program sa school kinabukasan. Sa kabila ng pagod, pinilit ni Belle na maging masigla. Gusto niyang mas maayos ang araw ni Lira at masaya ito sa program. Hindi niya napansin na si Randy, nakaupo lang sa sala, tahimik na nag-iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD