Belle POV Wala kaming imikan ni Calix habang nasa biyahe pauwi ng lungsod. Tahimik lang ako, nakatingin sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw na mabilis na dumadaan. Pero sa totoo lang, wala naman akong nakikita. Ang isip ko, naiwan pa rin sa mga sinabi ng mama niya. Wala akong sama ng loob sa kanya, totoo naman ang lahat ng sinabi niya. Kailangan ko munang ayusin ang lahat sa pagitan namin ni Randy bago ako gumawa ng anumang desisyon. Pero paano nga ba aayusin ang isang bagay na matagal nang sira? Hindi ko inasahan na babalik pa si Randy pagkatapos ng lahat. Isang taon na ang lumipas mula nang iniwan niya ako, at sa bawat araw ng panahong ‘yon, tinuruan ko ang sarili kong mag-move on, tumayo, maging buo. Pero ngayon… bakit parang bumabalik lahat ng sakit? Bakit parang m

