Jamie
Pagkagising ko ay tumambad sa akin ang puting kisame na sa tingin ko ay pagaari ng isang klinika..
Medyo nahihilo pa 'ko noong bumangon ako sa kamang hinihigaan ko.
" Oy! Gising ka na pala, maayos na ba ang pakiramdam mo? " tanong sa akin ni Leo na nandidito lang pala sa aking tabi. Siguro siya yung nagbantay sa'kin habang natutulog ako dito.
Na touch naman ako, sino ba namang di ma ta-touch e sobrang pogi ng nakabantay sakin plus alalang alala talaga yung mukha niya, naku! Baka crush n'ko neto, ayaw lang aminin. Hahaha
" ahh , oo medyo nahihilo lang ako, teka anong oras na ba? "Tanong ko dito, baka kasi di pa tapos yung practice at baka ma sermunan kami ni Drake.
" alas otso na ng gabi, pinapasabi na rin ni captain na bantayan na lang kita dito at huwag na munang bumalik sa practice. Napagalitan na rin yung nakatama sa'yo sa mukha. Siya rin pala yung bumuhat sa'yo papuntang clinic. Ayieeee, alam mo bang alalang alala kanina si captain habang nakatingin sa bulagta mong katawan?" Sabi nito na talagang nakapagpagulat sa akin.
" weh? Totoo? Di nga? Baka ikaw yung nagdala sakin dito? Sinabi mo lang na si captain para kuno kiligin ako?" Alam na rin kasi ni Leo ang pagka gusto ko kay Drake kaya di na'to lingid sa kaniya.
"Seryoso! Peksman, mamatay ka man hahahah.. oh kiligin ka muna diyan, tatawagin ko lang yung nurse para makalabas ka na dito , sabay na rin tayong kumain, nagugutom na'ko e, libre mo'ko ha, ang tagal ko kayang nagbantay sa iyo dito. Ginutom mo ako ng matindi tsk2. " sabi neto bago lumabas.
Oh em geeee.
Kung totoo talagang si Drake yung nagbuhat sa akin papuntang clinic.
Waaaaaaaaaah! I kennaaaaaaaat!
Like wtf??
Para akong damsel in distress na iniligtas ng kaniyang Knight in shining armour.
Pwede na'kong mamatay. Charot di pa pala pwede, di dapat ako mamamatay na virgin.
Pagkarating ng nurse ay pina-inom niya muna ako ng pain killer at saka hinaayan ng makalabas ng clinic. Sabi ko naman kay Leo ay hintayin na lamang ako sa Cafeteria dahil gusto kong magpasalamat muna kay Drake ng personal bago umuwi.
Pagkarating ko sa Field ay saktong sakto, katatapos lang nila mag practice at naghahabilin na lang si coach Fred ng mga kung anong puwedeng gawin bukas.
Pagkatapos nila mag meeting ay hinintay ko munang umalis lahat bago humarap sa prince charming ko. Hihihi.
Pagkakita niya sa akin ay aalis na sana kaagad ito ng bigla ko siyang harangin.
" a-ah s-sandali. " nauutal kong pagpigil sa kaniya.
Tiningnan niya lang ako ng may pagtatanong na tila ba hinihintay niya kung ano man ang nais kong sabihin.
" G-gusto k-ko lang p-palang magpasalamat sa p-pagdala sa-kin sa clinic. " nauutal at nahihiya kong sambit dito
Gosh, ngayon pa talaga ako nahiya sa kaniya sa kabila ng mga walang-hiyang pagpapapansin ko sa kaniya noon.
" 'Yon lang ba? Obligasyon ko kayong lahat ng mga miyembro, kaya pag may masaktan o madisgrasya sa inyo ay responsibilidad ko. " sabi niya.
Okay, ako lang talaga yung nag assume na tinulungan niya ako baka ay dahil may gusto na rin ito sa akin. Di naman masiyadong masakit, slight lang.
" ahh, g-ganon ba, but still I am really thankful kasi napaka responsable mong team captain, at huwag kang mag-alala, responsibilidad ko ring alagaan ka pag tayo'y maging mag-asawa na" pabulong kong sinabi yung huli na mukhang di niya rin naman narinig.
" Tinatanggap ko na ang pasasalamat mo, pwede ka nang umuwi at marami pa akong aasikasuhin. " sabay talikod nito sa akin at umalis na.
Napaka suplado talaga sakin ng baby ko. Huhu.
Hay, blessing in disguise rin pala yung pagkakatama ng bola sakin kanina . Magpatama kaya ulit ako bukas? Hahaha
Umalis na rin ako ng field para puntahan sa cafeteria ang damuhong si Leo. Nakalimutan ko palang magpasalamat sa kaniya kanina dahil sadyang na overwhelm lang ako sa katotohanang binuhat ako ni Drake..
Aaaaah. Sana pinicturan man lang kami ni Leo! Tsk2
Mukhang magiging maganda ang tulog ko mamaya at baka mapanaginipan ko pa yung nangyari kanina samin ni baby Drake ko..hihihi.
Magiisip na rin ako ng pwede kong ibigay sa kaniya bukas. Pagpapasalamat na rin sa pagtulong na ginawa niya sa akin kanina.
******************************************
We have a long weekend to enjoy kaya umuwi muna ako sa bahay. I am staying at my dorm together with my nerd dormmate and I think it is not necessary to introduce him 'cause he is not an important cast of this story lol.
I am quite sad kasi three days kaming hindi magkikita ng baby ko and I haven't given yet my Little gift for him dahil sa patulong niya sa akin noong nakaraan, mayroon kasing monitoring sa school and most of the faculties were tasked to have a general assembly, not including us students.
Pero okay na rin naman. I missed my family so much. It's been 3 months I think, noong last na umuwi ako sa amin.
I lived in the province at masasabi kong pinagpala kami sa yaman 'cause my family owned a sugarcane plantation, and a ranch, haciendero ako kung tatawagin. pero di dahil sa marami kaming pera ay nasusunod na lahat ng luho ko. My parents do not give my wants, bibigay lang nila sa akin yung mga kailangan ko, or the things that are nacessarily needed. I was also taught not to degrade and look down other people. Marunong din ako ng mga gawain bahay, basta huwag lang paglalaba. Indeed I was really grateful to have parents that are responsible in disciplining their children. Nag-iisa rin akong anak kaya sobrang mahal na mahal nila ako. They don't even buy the idea of me entering Manila, siyudad kasi ito and they can't look after me, kaka Grade 7 ko pa lang kasi noong lumuwas ako ng maynila para mag-aral and Tita Linda, kapatid ni Mom ang naging guardian ko bago ako tumungtong ng kolehiyo, but I just told them that I can take care of my self and I wanted to explore things by not having my self stucked in the province.
Pagkarating ko sa mansion ay sinalubong kaagad ako ng mga katulong namin. They gave me a warm welcome.
" I missed you Yaya! Where is Mom and Dad? " tanong ko kay Yaya Belen at binigyan siya ng mahigpit na yakap, she is my nanny since I was a kid at hanggang ngayon ay tinuturing niya pa rin akong bata, in a good way naman dahil gustong gusto ko rin.
"Namiss din kita iho, nasa rancho ang mga magulang mo, ikaw ay magbihis muna at sasamahan kita papunta doon. " sabi ni yaya.
Pumanhik muna ako sa itaas kung saan naroroon ang silid ko para magbihis. Doon na rin kasi kami kakain sa rancho kasama ang mga trabahador namin. My parents are very humble and down to earth,hindi sila nag aatubiling makipag-interact sa kanilang trabahador na sa tingin ko ay namana ko rin sa kanila.
I still remember those days na nakikisali ako sa pagpapaligo ng mga kabayo at nakikisabay sa tawanan ng mga trabahador , and I was really blessed to experienced a simple life kahit sabi nila na I was born with a silver spoon in my mouth.
Malapit rin ang rancho sa mansion, walking distance lamang ito sa tirahan namin kaya doon na rin minsan ang ginagawa kong tambayan.
Pagkarating namin doon ay agad kong sinalubong sila Mom at Dad ng super matinding yakaaaap na agad din naman nilang sinukli-an ng parehong intensidad.
" I really missed you sooooo muuuuch! Mom, Dad" naiiyak kong sabi sa mga to. Hindi kasi madalas ang paguwi ko ng naging college student na'ko dahil sobrang busy talaga ng college life ko, sabayan ko pa ng panglalandi ko sa ultimate crush ko ay sadyang wala talaga akong time para umuwi.
" We missed you too Jamjam" sabi ni mom, jamjam kasi ang palayaw ko.
" Get ready na, sabay sabay na tayong magtanghali-an , " sabi ni dad at agad kaming nag tipon-tipon para sa simpleng salu-salo.
Pagkatapos naming kumain ay agad akong pumunta sa unang lalaking minahal ko bukod kay dad. Si Bob .
Pagkarating ko sa kinaroroonan niya ay dali dali akong tumakbo papalapit sa kaniya at binigyan siya ng mahigpit na yakap at pinudpod ng halik ang kaniyang mukha.
Tuwang-tuwa rin siya ng masilayan ako dahil kitang kita ko ang pagwagayway niya ng kaniyang buntot at pagkiskis niya ng mukha niya sa akin, sabayan pa ng isang matindi niyang 'hmmmmmmmm'
Opo, isa pong kabayo si Bob, regalo siya sa akin ni mom at dad during my eighth birthday, tandang tanda ko pa, maliit pa lang tong si Bob noong niregalo ito sa akin.
Siguro naman akong nililinisan siyang mabuti ni Terry, oo nga pala? Nasan na kaya yung kumag na 'yon , hindi kasi namin siya nakasabay kumain at nakalimutan ko ring itanong sa Papa niya kung nasaan siya.
Si Terry ay anak ng trabahador dito samin. Kababata ko rin at talagang sobrang close naming dalawa. Tandang tanda ko pa na umiyak ito noong pumunta akong maynila. Pero nakakauwi rin naman ako dito kaya kahit papaano ay nagkakasama rin kami para mamasyal sa villa , yun nga lang di rin katagalan.
Habang hinihimas-himas ko si Bob ay may biglang tumakip ng mata ko. At alam ko na kung sino, mukhang yung kanina ko pa hinahanap ay nagparamdam na rin sa wakas.
" Terry alam kong ikaw 'yan, pakitanggal na ng kamay mo." Alam na alam ko kasi ang pabango niya dahil ako ang nagregalo noon tuwing umuuwi ako.
" Bayan! Nahulaan kaagad. " sabi neto at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik.
Magandang lalaki rin 'tong si Terry, maayos yung pangangatawan, chinito, matangos ang ilong, tanned yung balat dahil na rin siguro sa pag se-stay dito sa hacienda. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Grade 12 dito sa villa, huli na rin kasi ng makagpag-aral ito ng elementarya dahil sa kakapusan sa pera.
Sobrang close kami neto at siya na rin ang itinuturing kong kuya. Matanda siya sa akin ng dalawang taon pero hindi naman naging hadlang and edad at katayuan niya sa buhay para sa aming pagkakaibigan.
" namiss kita Jamjam, tagal mo bumisita dito sa probinsiya, marahil siguro ay nakatagpo ka na ng mas matikas at mas pogi sa akin doon" pagtatampo neto. Hahahaha gosh kung alam mo lang, super landi na ako doon sa maynila.
" 'to naman, busy lang talaga ako sa pag-aaral, huwag kang mag-alala , pag mag college ka na ay makakasama mo na ako ng madalas, haha" sabi ko dito. Plano kasi ni Mom na pag-aralin si Terry sa Emerald kung saan ako nag aaral kasi nakikitaan niya ng potensiyal itong si terry , matalino rin kasi ito at talagang napakasipag mag-aral. Di tulad ko na sobrang batugan hahaha.
" kaya nga , hindi na rin ako makapaghintay , at last matutupad na 'yong isa sa mga pangarap ko para sa pamilya namin. " madramang sagot nito, gustong gusto kasi niyang i-angat sa buhay ang mga magulang niya. Mapagmahal at magapag-aruga kasi talaga itong si Terry.
" oh tama na ang drama, samahan mo 'ko mamasyal, namiss ko rin 'tong lugar na 'to e" sabi ko sa kaniya sabay hila upang mamasyal.
***
Pagod na pagod ako nang umuwi sa bahay. Pano ba naman kasi e halos libutin na namin ni Terry ang villa sa pamamasyal, sumakit na rin ang pwet ko kasi naman! Naka dalawang oras kaming nagpatakabo ng kabayo, my gosh! Pero okay na rin 'yon atleast nakapagpractice ako mangabayo para sa pagdating ng panahong maging mag-asawa na kami ni Drake ay siya naman ang kakabayuhin ko..charot..hahahahha.
Umalis muna sila ni Mom para pumuntang Pier, susunduin kasi nila yung anak ng kumpare nilang businessman dahil daw may aasikasuhin dito sa probinsiya. Hindi ko pa nakikita yung kumpare nila Dad pero ang sabi daw neto ay matagal na silang magkatuwang sa nga negosyo at gusto ng kumpare ni Dad na makipagtulungan sa amin dahil na rin sa nagmamay-ari kami ng sugarcane plantation ay nais nilang gumawa ng businesness gamit ang aming mga tubohan. Pero dahil busy ang kumpare ni Dad ay ang anak na lamang nito ang pinadala dito para asikasuhin ang mga papeles paukol sa gagawing merging.
Pumanhik muna ako sa itaas at naligo na muna kasi feeling ko sobrang lagkit ko na. Pagkatapos kong maligo ay nahiga muna ako sa kama at maya maya'y dinalaw na ako ng antok.
***
Nagising na lang ako dahil sa katok na nagmumula sa aking pintu-an.
" Jamjam anak, bumaba ka na at kakain na tayo ng hapunan, andoon na rin ang kasama ng mama mo sa baba, mukhang magkakilala kayo dahil ang sabi ng mama mo kanina ay pareho kayo ng Paaralang pinapasukan ngayon" sabi ni Yaya Belen.
Huh? Sa emerald din pala nag-aaral yung anak ng kumpare ni Dad, well, malaki rin kasi ang emerald at talagang prestihiyoso.
Agad agad akong bumababa para makisalo na rin sa kanila. Gutom na rin kasi ako gawa ng matagal na paglalakwatsa namin ni Terry.
Noong nakababa na ako ay laking gulat ko na lang ng tumambad sa aking harapan ang Pinapangarap ko noon pa man.
PU*AN*IN*!!!!!
ANONG GINAGAWA NI DRAKE MY LOVES SWEETIEPIE HONEYBUNCH CUPCAKE STRAWBERRY CAKE KO DITO SA BAHAY NAMIIIIIIIIIIIN???
******************************************
" Parehas pala kayo ng pinapasukan netong si Jamjam iho? " tanong ni mudra kay Drake.
Sama-sama kaming kumakain ngayon sa hapag-kainan at hindi ko maiwasang ma tense dahil my goooosh! KASAMA LANG NAMAN NAMIN SI DRAKE! Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga magulang ko na isa akong baklush pero ang ikinababahala ko ay, HINDI NILA ALAM NA ANG ANAK NILA AY ISANG MALANTOD NA BADING! hahahha.. Sabi kasi nila huwag daw muna ako mag boyfriend at tapusin muna ang pag-aaral ko. Sa susunod na lang daw 'yung landi-landi pag nakapagtapos na 'ko.
" Opo tita, sa katunayan po niyan ay parehas rin kaming pinasukang paaralan noong highschool" hay.. sana all pinapasok.
" At kasama ko rin po siya sa Soccer Team. " dugtong pa nito.
" What? At kailan ka pa naging sporty ha Jamjam? " tanong ni dad.
" S-siyempre dad, alam mo n-namang bawal m-magkasakit ngayon d-diba? Kaya kailangan kong e-engage yung s-sarili ko sa sports. " nauutal kong sagot sa kaniya..
My gosh! Ayokong malaman nila yung kabalastugang ginagawa ko sa school noh! Ano na lang kaya yung sasabihin nila pag nalaman nila na ang unica ija nila ay habol ng habol sa isang lalaki.
" kung ganon ay madalas kayong magkasama netong si Jamjam? " tanong ulit ni mama na ikinatango lang ni Drake.
Okay? Ano to? Interrogation para sa magiging son-in-law ninyo? My gosh! BET!
" So tell me ijo, marami bang umaaligid-aligid dito sa anak namin? Baka kasi hindi makapagtapos ito at mabuntis" natawa na lamang si Drake sa turan ni Mom.
"MOM!" Eksaherada mother? Pano ako mabubuntis? San ko ilalagay? Sa itlog ko? My goodness.
" Mukhang wala naman po tita, sa katunayan po niyan... "
hindi niya muna tinapos yung sasabihin niya at biglang tumingin sakin ng may ngisi sa labi. Tae, imbes na kiligin ako ay sa tingin ko nagtayu-an bigla yung mga balahibo ko sa katawan.
DON'T TELL ME ISUSUMBONG NIYA KAY MUDRA AT PUDRA YUNG MGA PINANGGAGAGAWA KO SA KANIYA?
" Mukhang malabo pong may magustuhan yan sa paaralan, pagkatapos po kasi ng practice namin sa soccer ay uuwi na po kaagad yan para mag-aral, sa tingin ko lang po ha. " dugtong ni Drake sa sasabihin sana niya kanina.
Okay kinabahan ako doon aa. Akala ko mabubuking na 'yong pagiging talande ko sa kolehiyo.
" Mabuti naman kung ganoon, hindi pa kasi pwedeng mag boyfriend yang si Jamjam, malaman ko lang naku, kurot sa singit aabutin niyan sa akin."
Sabi ni mom na ikinatawa ni drake.
" Mom ! Ano ba, nakakahiya na." Sabi ko na lang dito. Medyo pabebe pa'ko non hahaha.
***
Pagkatapos naming kumain ay pinakiusapan ako ni mom na dalhin si drake sa guest room namin. Hay! Pwede namang sa silid ko na lang matulog si Drake aa? Pareho naman kaming lalaki, charot! Hahahha. Di bale na, magkaharap lang naman 'yung silid ko at ang guest room kaya okay na rin haha.
Pagkarating namin sa taas ay itinuro ko na sa kaniya yung magiging pahingahan niya.
" D-diyan na pala yung room mo, my room's in front, just knock k-kung may kailangan ka. " nauutal kong sambit sa kaniya.
" Okay " maikling sukli nito sa akin. Diba? May sa pipe kasi itong si drake pag kami yung magkasama at magkausap.
Papasok na sana siya ng bigla ko ulit siyang tinawag
" a-ahh captain. "
" Drake, just Drake, wala tayo sa pactice kaya di mo ako kailangang tawaging captain "
" o-okay, Uhm Drake, s-salamat pala kasi di mo'ko binuking kanina sa parents ko. Hehe" nahihiya kong sabi sa kaniya.
" Don't worry, I am not going to tell your parents about you being crazy for me, afterall, wala ka rin namang makukuha sa akin. Just to tell you frankly," sabi nito sabay tingin sa akin ng malalim na tila ba gusto niyang itatak sa isip ko ang sasabihin niya na nagbigay sa'kin ng takot at pangamba .
"I am straight as f*ck and I don't do gays, even in my wildest dream" Drake said in a cold tone, at pumasok na ito sa kaniyang silid.
Okay, ang harsh niya sa part na 'yon. Naluluha na lang akong pumasok sa loob ng kuwarto ko at don na tumulo ang luhang pinipigilan ko kanina.
Yes naman, ako lang naman talaga 'yung habol ng habol sa kaniya kahit alam kong wala rin namang patutunguhan ito. I don't know, I am just really obssesed with him kahit pa na alam kong mali. Yes na a-attract pa rin naman ako sa iba pero si Drake lang talaga yung tinitibok ng puso at butas ko simula pa lang. Mahirap ba 'kong mahalin? Well, for a STRAIGHT guy like Drake, maybe yes.
Maybe it is really fictitious that a straight guy will fall in love with a gay. Maybe it is because I read a lot of romance story of the same gender na akala ko ay pwede ring mangyari sa totoong buhay, and also applicable for me. But I was wrong, Drake is a living fact that a straight guy will never, NEVER gonna love a faggot like me.
Marami ngang libreng nagpapahayag ng nararamdaman nila para sa akin, pero I am too obssesed with Drake that even opening doors for others are so distant for me. I don't want others, I only wanted Drake. Kaya kahit mahirap siyang abutin, I am willing to take the risk by reaching the most hottest star even there is only a dim chance of having it.
But I am Jamie, a sexy , fresh Jamie. Kahit pa na makarinig ako ng mga masasakit na salita galing kay Drake ay di dapat ako magpapa-apekto kasi paano ko mahahabol ang pangarap ko kung una pa lang ay na discourage na ako? I was born with confidence and a strong heart, kaya kahit ilang beses niya pa akong itaboy ay gagawin ko pa rin ang lahat para makuha si Drake at mapa sa akin na ng tuluyan,
By hook or by crook.
Itutuloy...