Chapter 2

3045 Words
Drake "Bro! It seems like that gay is really obssesed on you, can you imagine? He even joined the soccer team just to be with you? Grabe talaga ang kamandag mo bro! " Liam retorted based on what happened earlier. Liam had been my best buddy since first year and he knew a lot of things about me, We are classmates and dormmates, yes I prefer staying on dormitories than in the house, boring and meaningless house to be exact. It's pretty obvious, that gay is head-over-heels with me, I noticed that since highschool, as far as I remembered, We were schoolmates back then , he was on the lower class class while I am included as a student of special classes. A lot of girls and gays were really into me. Giving me such gifts and love letters but I don't give even a single hint of attention to them, I am a boring and serious person,I don't mingle with other people except for Liam and my teammates. It's just that I don't have time for playing, I need to meet the expectations of my family, my parents to be exact kahit pa napipilitan lang ako. " He is not my type, kahit pa maging babae siya, I will not dare giving him a chance to be with me, I have a lot of things to do,and engaging in a relationship is not on my list as of now. " I told Liam "Finish the registration, I need to go to the restroom. Uuwi na rin ako kaagad 'cause I am still thinking on what will I do for the orientation tomorrow, see you!"pagpapaalam ko kay Liam at lumakad na. That gay has a lot of time pestering me, hindi ko rin naman siya pinapansin. I don't know why people keep on chasing someone even there is a possibility, well for that gay maybe a big possibility that I will not give back his admiration. I am not a homophobe but it is just creeping me out na nagmumukha na siyang stalker. Mababanaag ang iritasyon sa mukha ko, I need to go back to my dorm and take a shower and stop thinking about that gay. Perhaps I still have a lot of things to do and that might help on releasing this irritation I am feeling right now. I hope so. Jamie I am on my way para sa gaganaping orientation para sa mga newbies like me. I am still absorbing the idea of seeing Drake everyday. Well araw-araw ko naman siyang nakikita dahil walang palya yung pagbibigay ko sa kaniya ng pagkain during practice, at walang palya niya rin itong tinatanggihan. But at least, I'll be having a lot of time and being a part of this scocer team is my stepping stone in reaching my dream. Pagkarating ko sa field kung saan gaganapin ang orientation ay laking gulat ko na lang nang mapagtanto kong AKO PA LANG MAGISA DITO! tiningnan ko 'yung relo ko at nyemas, alas otso pa lang ng umaga at yung meeting is alas diyes. Sa sobrang pagmamadali at excitement siguro ay napaaga ako ng pasok, well it is not the usual me, sanay kasi akong late, buti na lang talaga at hapon pa yung pasok ko kung hindi naku aabsent talaga ako para kay baby Love Drake ko. Habang nagmumuni at naghihintay ako ng mga dadarating pa ay may biglang umupo sa tabi ko. Tiningnan ko naman kung sino at laking gulat ko na lang dahil my gosh! Punyetaaaa! Hampogiiiiiiiiiiiiiiii! Fudge nagkakasala na ako kay baby drake my loves ko. Chinito, makapal na kilay, matangos na ilong , siya yung tipong cute pero maangas ang datingan, kung baga parang boy next door na may pagka badboy.. in short pogi talagaaaaaa! Sobrang landi ko na..oo tanggap ko. Napatulala na lang ako sa angkin niyang kakisigan. "Uhm hi? Are you okay?" Nahimasmasan lang ako noong nagsalita na siya..shet yung boses ang hot, mababa parang kay baby loves ko, parang nilabasan ako gaga. " U-uh He-hello? Hehe" Gaga halata nako masiyado, nag sa-stammer nako..ang guwapo ba naman kasi ng nakahain ngayon sa akin. " Leo pala, kasali ka rin ba sa mga bagong recruit ng soccer team ng school? " tanong neto. "Ahh o-oo hehe.. ikaw ba? Btw I'm Jamie but you can call me Mine.. " landi kong sabi dito hahaha... " haha mapagbiro ka pala, First year pala ako, studying bachelor of science in Civil Engineering. " pagpapakilala niya. "Shuta really? Talino mo siguro sa math?" Nakakamangha kasi yung mga engineering students, at para dito kay leo na engineering yung kinukuha at may time pang maglaro at sumali ng soccer team ay talaga namang nakakabilib. " Hindi naman, medyo lang haha ..ikaw? Anong course mo? " tanong nito ulit. " HRM course ko pero pwede mo rin naman akong gawing main course mo." Paglalandi ko dito hahaha. I don't know masiyado akong komportable dito kay Leo kahit pa na kakakilala pa lang namin. " hahahahahah.. okay nakuha mo ako don aa, HRM pala course mo? Edi masarap kang magluto kung ganon? " " Marunong naman akong magluto , masasarap naman yung luto ko pero sa tingin ko ay mas masarap ako." Sabay kindat, biro lang naman tong akin e haha tingnan ko lang kung tatalab pa rin yung charm ko. " Bakit? Magpapatikim ka ba? " pagsakay niya sa panglalandi ko. Okay stop na, tama na landi, para lang ako kay Drake. " hahahaha heto naman binibiro lang kita" sabi ko sabay tawa ng malakas. May pa hampas hampas pa sa braso niyang mamasel.. shet ang tigas ng braso, libreng chansing haha. " hahaha, It's fine, based on your actions and how you speak, don't be offended but, are you gay? Because you know, you are just too beautiful to be a man" tanong neto sakin . Ay? Koya? Kanina pako nanglalandi , sobrang ganda ko naman para sa isang lalaki, haha " hahaha oo..bakla ako , bading , baklush. Bakit? Ayaw mo ba sa amin? " tanong ko dito, baka kasi homophobic ang isang to at bigla na lang akong bugbugin , dzuuuh ang laking tao pa naman neto kahit first year pa lang. " Hindi naman, actually I am into your likes, don't get me wrong, What I meant was mas malapit ako sa mga katulad niyo and I like to be friend with you, di mo naitatanong but I was raised by an LGBT couple, I have my Dad and my Papa and I very proud to be raised by both of them." Mahabang lintaya neto. Siyempre nagulat ako, pero based naman sa ugali netong si Leo ay napaka aprroachable nga naman neto, mukhang napalaki naman ng maayos. " Wow! really? I am really amazed na meron pala talagang LGBT married couple na kayang magpalaki ng kanilang anak. Siguro naman pwede na tayong naging friends? Tutal mukhang hindi ka naman takot sa mga katulad ko. Hahaha" " sure and I am thrilled to know you more Jamie, " sabi neto. Mukhang magiging maganda yung taon na ito para sa akin ahh.. hehehee. Maya maya lang ay nagsidatingan na yung mga seniors namin at ibang members ng soccer team. Mukhang kumpleto na rin kaming mga bagong salta, medyo konti lang yung sumali, about 20 lang siguro, di kasi mahihilig sa soccer yung mga magaaral ng Emerald e. Si Drake yung team captain kahit second year pa lang ito, grumaduate na kasi yung senior nila lasts school year at sa pinakitang galing at gilas netong baby ko e siya na yong ginawang team captain, malaki rin kasi yung ambag niya sa Laro noong nakaraang taon na nagpanalo ng aming school. Pumunta na kaming lahat sa designation AREA naming mga newbie para sa gaganaping orientation. Dala ko na rin sa bag ko yung pagkain na inihanda ko para kay Drake, baka siguro mamaya ko na lang ibibigay sa kaniya. Gosh! This is it na talaga! This is it spaghetti! ****************************************** "Soccer is one of the most popular sports in the world, whether played professionally or just for fun. Marami rin itong benipisyo katulad ng excercise at life lessons" pagsisimula ni Drake. Sobrang nakakamangha at nakaka inlove talaga pag seryosong seryoso na nagsasalita si drake, ang hot niya lang tingnan. Ugh . Heto na rin ata yung pinakamahaba at pinakamatagal na pagsasalitang nadinig ko sa kaniya, para sa akin lang ha, you know naman kung gaano ka ilap 'yang baby loves ko sakin. " I need you to know these important things when you play soccer, kailangan na kailangan niyo ito hindi lamang para gumaling but also to learn and experience the good things about this sport. " pagpapatuloy niya. "First is TEAMWORK! Soccer requires a great deal of teamwork. Each player has a different, important role to play. Trusting teammates to do their jobs is of the utmost importance to success. One person does not make a team, and the different skills and experiences of the players both individually and working together help to build confidence in each other." Teamwork lang ba? Easy, kaya kong magpa gangbang sa kanila kung gugustuhin nila charot. Haha "Second is discipline. At any level of play, soccer requires discipline. A player’s self-control must extend beyond the physical requirement of passing accurately, controlling the ball and working for good field position. Hostile opponents, rough tackles, a biased referee… there are hundreds of emotional challenges in every game, and a player’s emotional control can be the difference between winning and losing. That is the importance of Discipline. Hindi innate ang discipline, kaya kailangan niyo itong matutunan for the sake of yourself and for the team." Siyempre big check ako diyan, super madisiplina kaya ako, behave lang ako lagi hihi rawr. "Third, is hardwork, kung wala ka neto ay pwede ka ng umalis ng soccer team, we don't need you here kung tamad ka at batugan. " ay big check rin ako diyan. Super hardworking kaya ako lalo na sa pagpapapansin sa 'yo . "Fourth, you should set your goals. Ano ba ang goal natin why we play this sport? The biggest reason is that gusto nating manalo, right? Also, there are a lot of things soccer players do that can be measured. And where there is measurement, there is a sure chance of improvement. Setting goals helps achieve that improvement." Ikaw lang naman ang goal ko baby eh .hihi.. " Fifth is perseverance. Alam ko na ang iba sa inyo ay mga baguhan pa lamang sa larangan na ito, and you need to work hard, double your time at kakailanganin niyo ng perseverance at dedikasyon para magpatuloy sa larong ito. Soccer provides an enormous number of challenges that test and help build perseverance. Losing a big game, being cut from the first team, missing or conceding a goal that costs the game all these and many other challenges constantly pick at a player’s confidence and tempt him or her to quit. Kaya dapat ready kayo sa mga ganitong instances, huwag agad panghinaan ng loob because it might lead you to your downfall. " Ofcourse naman baby Drake ko, kaya di ako nawawalan ng pag-asa na maging tayo kahit pa na malabong magustuhan mo 'ko .. hay drama..saaad. " And last, the most important thing that you all need to consider," at bigla siyang ngumiti na talagang makakapaglaglag panty bago nagpatuloy sa pagsasalita. " Healthy competition. Like all good sports, soccer provides an avenue for healthy competition. It’s true that winning matches is much nicer, but we players learn not to react badly, regardless of the outcome. As they say, “ it’s the taking part that counts”. Maglaro kayo ng may ngiti sa labi, maglaro kayo dahil gusto niyo, iwasan ang magkasakitan, ika nga nila be a good sport as always, manalo matalo, be a good sport, 'yon ang pinaka essence ng larong ito. " " Iyan lang ang mga nais kong matutunan ninyo. Alalahanin niyong mabuti ang mga sinabi ko. Seryosohin niyo ang pagpasok niyo dito. Pumasok kayo dito para matuto, maglaro at irepresenta ang ating paaralan, kung nagpunta lang kayo dito para sa walang kabuluhang bagay ay maari niyo ng lisanin ang lugar na 'to" sabi niya sabay tingin sa akin.. Naku naman , mukhang mahihirapan ako dito aa. " Magiging istrikto ako sa nga practice, Heavy trainings at, Be punctual! Ayaw na ayaw ko sa mga late, meron lang kayong 5 lates and 3 absences para matanggal sa koponan. Ang practice ay magsisimula ng 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi para sa mga newbies kasi alam kong nag aadjust pa kayo sa schedules niyo, pero once na maging regular members na kayo ng team ay kailangan niyo nang mag sakripisyo para sa larong ito, including your studies. Kung may problema or nagkasakit, we need your excuse letters, kailangan valid. Gawin ninyo lahat ng makakaya ninyo para matuto." Mahabang lintaya neto. Captain na captain talaga ang datingan niya, hay... mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya. " May katanungan pa ba? Kung wala na ay maari na kayong umuwi o magsibalikan sa inyong mga klase. Ikinagagalak ko kayong makilalang lahat, let's enjoy this year teammates! Fighting! " " Fighting! " chorus naming lahat. Unti unti nang nagsialisan yung mga miyembro ng team, pero heto ako't naghihintay pa ng tiyempo para maibigay 'tong pagkaing inihanda ko para sa kaniya. " Oh? Di ka pa ba aalis? " tanong ni Leo sa akin. " ahh may itatanong pa kasi ako kay captain , masiyado kasing personal kaya hinintay kong makaalis muna lahat. " makalandi siguro... sabi ng utak ko hahah. " ahh ganun ba? Pano? Una na ako sa 'yo ha, may quiz pa kasi kami sa calculus, pa time na rin e.. Nice to meet you Jamie, ahh btw, kunin ko na lang sana yung number mo, you know mukhang tayo pa lang yung medyo close sa team e haha" sabi nito na may pa kamot pa sa ulo, ano to unggoy? Char pero besh ha, nag flex yung muscles..ughh . Ang rupok ko talaga. " sure, magpakilala ka ha! Baka pagtrippan mo lang ako" sabay bigay ko ng number ko sa kaniya. Tumawa na lamang siya at saka umalis na. " See you tomorrow! " pagpapaalam niya na sinabayan pa ng napakalanding kindat. Naku sunggaban kita diyan e . Noong si Baby Drake na lang yung natira , of course siyempre kasama rin yung epal na si Liam , ay agad na akong pumunta sa kanila. Sabay abot ng ginawa kong cupcake. "Ahh, Baby.. I mean Drake a-I mean captain! " nag salute pako. Gosh ba't ba kasi ako kinakabahan. " para pala sa 'yo sana tanggapin mo. " sabay lahad ng cupcake. Akala ko titingnan niya lang pero laking gulat ko ng tanggapin niya ito. Oh my gosh.. parang maiiyak na 'ko huhuhuhu. " ahh he-heto pa pala panulak, ba-baka kasi m-mabulunan ka at." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla niya itong pinutol. " This is fine, Sa susunod , don't bother to make food for me, tinanggap ko 'to ngayon dahil hindi ko gustong maging rude sa mga magiging ka team ko. " sabi nito. "T-that's fine, pagtanggap mo pa lang dito is more than enough already" tinanguan lang ako neto at saka umalis na sila ni Liam, yung kumag na Liam naman ay pasimpleng nginiti-an ako at nag thumbs up pa. Wow, mukhang magiging okay na ako dito sa kumag na 'to aa, mukhang supportive sa relasyon namin ng baby ko haha.. Umalis na rin kaagad ako pagkatapos ng nangyari. Di pa rin ako makapaniwala na tinanggap niya yung pagkain, at sana sa pag dating ng panahon ay ako naman ang tanggapin niya at hayaang mahalin siya habang buhay. Eeeeehhh..ang cheeesy ko naaa. Hahahah.. ****************************************** " Mali! Hindi tama ang pagkaka execute ninyo " " Balance! Proper posture sa pagsipa!" " hindi ganiyan! Matutumba kayo pag pinagpatuloy niyo pa yan!" " huwag sipain ng malakas. " Ilan lamang 'yan sa mga sigaw ni Drake. Halatang halata sa napakagwapo nitong mukha na sobrang dismiyado siya. " Break! I'll give you a Fifteen-minute break, drink your waters, pagbalik niyo ay dapat marunong na kayo, we've been doing this a week already yet simpleng execution lang ay di niyo alam!" Pagalit na turan nito, kanina niya pa kasi kami tinuturu-an, specifically me dahil talaga namang walang ka sporty sporty na nananalantay sa dugo ko. Gosh! I was born to become a beauty queen not a SOCCER PLAYER pero nang dahil kay Drake ay sinubukan ko pa rin tong lecheng larong to. " Are you alright? " tanong ni Leo sa'kin. Buti pa tong si Leo, marunong na kaagad kaya di niya na kailangan mag practice ng basics, naglalaro na kasi ito noon pang highschool kaya may alam na ito sa soccer. " O-okay lang, medyo nakakapagod, isang oras ba namang patakbo takbo tapos pasipa-sipa ng bola, " sabi ko dito na medyo hinihingal pa. Jusko! Eh halos patayin na kasi kami ni Drake sa matindihang practice, wala na nga akong time para landiin siya kasi after ng practice ay sobrang lowbat na 'ko kaya derecho uwi na. Di na kami nagkaka-abutan dahil ang practice nila ay hanggang alas nueve habang kami ay hanggang alas siyete lang ng gabi. " He's just being tough, alam mo naman sigurong sila yung nanalo last year diba? They put a lot of efforts para sa larong to dahil na rin sa pinepressure sila ng paaralan, kasama na rin ni coach. " sabi ni Leo. Gustong-gusto kasi talaga nilang mag grand slam sa larong to. Bilang team captain ay si Drake yung nagtuturo sa aming mga baguhan, sa kaso naman nila ay si coach Fred ang nagtuturo. " Kaya dapat nating pag igihan ang pag eensayo" dugtong pa niya. Napa-irap na lang ako. Kung di lang talaga dahil kay Drake ay nakuuuuuu! Baka wala ako ngayon dito at nagliliwaliw na lang sa kung saan saan. Pagkatapos ng fifteen minutes break namin ay agaran kaming bumalik sa soccer field. Tuloy-tuloy pa rin ang matindihang pag eensayo, kahit lupaypay na ang katawan ko ay pinipilit ko pa ring mag ensayo sa kadahilanang ayaw kong ma dissapoint sa'kin si Drake. Papatunayan ko na isa akong matiyaga at hardworking na tao, baka sakaling mapaibig ko siya sa ganitong pag-uugali. Sa kalagitnaan ng laro ay bigla akong tinamaan ng lintek na bola sa mukha. Napatumba ako't hilong-hilo hanggang sa maaninagan kong napapunta silang lahat sa kinalalagyan ko. At tuluyan na nga akong sinakop ng dilim at nawalan ng ulirat. itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD