Napasunod ng tingin si Junrel kay Bop bago siya inaya ni Javier na pumasok na sa hotel. Dumiretso na sila sa kanyang suite at sinalubong naman siya ni Graciela at kinumusta agad ang lakad niya. “It was quite fun. So, ano’ng ginawa mo nang wala ako?” tanong niya sa kanilang wika. “I received a call from Queen Soledad’s cousin, Beatriz,” ang seryosong tugon nitong nakatitig sa kanya. Sinalubong niya ang sherry brown na mga mata ni Graciela. Kasabay niyon ay isang simangot. Ex-fiancée niya si Beatriz at kahihiwalay lang nila nang mahigit dalawang linggo bago siya umalis ng Espanya papuntang Pilipinas. “Ano’ng gusto niya? Sinabi ba niya sa ‘yo?” kunot-noo pa ring usisa niya sa kanyang chief of staff. “Señor Presidente, sa tingin ko ay dapat kayong mag-usap nang kayo lang. Ayoko namang—”

