“Nasa Tacloban na pala ang prime minister.” Ito ang narinig ni Bop mula kay Nicole na tila taga-update niya sa mga pangyayari ukol sa prime minister ng Espanya. Mula nang umalis siya sa hotel at dumating siya sa kanilang bahay kagabi ay laman pa rin ng kanyang isipan ni Junrel. At kung ano ang pakiramdam niya habang kasama ito. Kahit sa maikling panahon na pagkakilala nila ay inagaw na nito ang kanyang atensyon mula sa mga pangkaraniwang bagay na ginagawa niya kada araw. Tila nasira nito ang routine niya mula nang makatagpo niya ito sa isang insidente. “Sabi niya busy siya,” ang tila wala sa sariling tugon niya. Napatitig ito sa kanya. “Natural. Prime minister kaya siya. Pero… kumusta nga pala ang tour mo kagabi? Sino ang kliyente natin? Hindi man lang nagpakilala ‘yong babaeng tumawa

