Naglalakad si Junrel kasama ang ilang mga opisyal at mga tao habang nakamasid siya sa paligid. May anim na units ang bawat shelter na parihaba at may istilong patatsulok ang bubong at halatang substandard na mga materyales ang gamit na plywood at yero. Ang ibang units ay may napinturahan na ng mapusyaw na berde samantalang ang iba ay hindi pa. O sadyang hindi na kayang mapinturahan dahil baka naubusan na ng budget. Kunsabagay, temporaryo lang naman ang lahat ng mga ito at kailangan pa ng mga tao ng tulong na makatayong muli pagkatapos ng trahedyang bigay ni Inang Kalikasan. “Are they going to be relocated if there’s enough budget for these people?” naitanong niya sa mga opisyal. Saglit na nagkatinginan ang mga ito sa isa’t isa bago nagsalita ang mayor na lalaking may malaking tiyan at me

