Tinutulungan na si Bop ni Nena kung ano ang dapat niyang isuot para sa formal na birthday party na dadaluhan kasama si Martin. Parang gusto na niyang pagsisihan ang pagpaunlak sa imbitasyon nito bilang birthday date sa dadaluhang party ng lalaki. Kung hindi siguro dahil kay Junrel ay tinanggihan na niya si Martin. Iyon kung sa normal na mga araw niya. Ngunit hindi normal ang araw na ito dahil nalaman niyang na-love at first sight pala siya sa isang prime minister nang halos wala nga siyang alam kung hindi iyon ipinamukha sa kanya ni Nicole. She thought she was too pathetic. Ngunit ayaw niyang malubog sa naramdaman kaya heto siya at magliliwaliw sa isang party. Tuloy naalala pa niya ang unang sinabi sa kanya ni Martin nang kinaibigan siya nito sa kanilang Algebra subject ni Dominic. Magkak

