bc

BADBOY'S MAID (BSERIES #1 TAGALOG)

book_age18+
1.7K
FOLLOW
7.8K
READ
billionaire
possessive
others
playboy
gangster
drama
tragedy
sweet
bxb
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Warning: Wala lang, gusto ko lang maglagay ng warning.🤧🤧

                                     ---

DAHIL sa sunud-sunod na pangyayaring trahedya sa pamilya ni Mikaela Chin ay biglang gumuho ang mundo niya. Ang pamilya na dating isa sa mga sinasamba ng buong Santa Monica dahil sa sobrang yaman ay bigla nalang lumagpak.

Namatay ang ama niya dahil sa ambushed at pinatay din ang ina niya sa hindi malamang dahilan. Ang nag-iisang yaman nalang na meron siya ay ang kanyang kakambal lamang. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nasagasaan ito at na-coma.

Isang dagok sa buhay niya ang mga pangyayari. Sa kabila ng pangyayaring 'yon ay sinubukan niyang kayanin ang lahat. Ngunit may isa pang trahedya na mas malala kumpara sa nangyari sa pamilya niya. Bagay na ikinasisira ng buhay niya.

Dahil wala na siyang ibang mapupuntahan ay isang desisyon ang ginawa niya. Naisipan niyang mamasukan bilang katulong habang nag-aaral, pantustos sa gastusin sa araw-araw at pambayad hospital sa kanyang kakambal.

Subalit paano kung sa pagpasok niya bilang katulong ay sa isang binatang badboy siya maninilbihan?

Kaya ba niyang tiniisin ang ugali nitong kasing gulo ng mundo? O mahuhulog siya sa mga pang-aakit na patibong nito.

That man is Atthos Laurel--- The Barbaric Badboy in Santa Monica.

Mikaela Chin Rio--- The Badboy's Maid.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Mikaela Chin Rio's Pov Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa karatulang nakapaskil sa labas ng gate. May nakasulat ditong wanted kasambahay. Dahil desperada na ako sa buhay kaya napag-isipan kong mag-aaply. Kailangan ko talaga ng pera ngayon. Kung hindi lang nakakasira ng dignidad at pagkababae ang pagbibinta ng katawan ay baka pati din ‘yon papatusin ko magkapera lang. Sobrang higpit ng kapit ko sa laylayan ng damit na suot ko. Paulit-ulit din akong bumuga ng hangin na para bang susulong ako sa giyera. Hinga ng malalim Chin, hindi ka mamamatay. Pagkatapos kong pakalmahin ang aking sarili ay dahan-dahan kong inangat ang kaliwang kamay ko para pindutin ang doorbell. Ilang beses din itong tumunog bago may lumabas na ginang. “Anong atin Ineng?” Tanong ng matandang babae. Nakasuot ito ng pormal attire. Hindi naman mukhang amo dahil halata sa balat niya. Maitim at magaspang. “Mag-a-apply ho sana ako ng katulong? Pwede pa ho ba?” Magalang na saad ko. Biglang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “Oo, halika. Pumasok ka sa loob upang ma-interview.” “Sige po.” Sumunod ako sa kanya at medyo malayo din ang hinakbang namin bago kami umabot sa pintuan ng bahay. Sobrang laki ng bahay. Dalawang palapag ito. Nakakalula. Parang gusto ko nang umatras dahil sa sobrang laki nito. Paano pa kaya sa loob? Kakayanin ko ba? “Halika, pasok ka.” Sabi ng matandang ginang. Nilakihan pa niya ang pagbukas ng pinto. Pagpasok ko sa loob ay sobrang nalula ako. Hindi dahil sa pagkamangha, kundi sa isiping baka ako lang ang mag-isang maglilinis ng buong bahay. Grabe. Hindi pa naman ako sanay. Sumunod lang ako sa bawat hakbang ng matanda. Mahaba ulit ang nilakad namin hanggang sa huminto kami sa harapan ng nakasaradong pinto. Kumatok ang matanda ng ilang beses bago bumukas ang pinto. Pumasok siya sa loob pero nanatili lang ako sa labas. “Halika ineng.” Ay pati din pala ako. Pumasok na din ako sa loob at bumungad sa paningin ko ang malaking opisina. Oo opisina dahil ang daming papers na nakapatong sa dalawang magkahiwalay na desk. Sa tabi ng malaking divider ay may lalaking nakatayo. Parang may hinahanap ito. “Perseus, may mag-a-apply na katulong.” Sabi ng matanda sa lalaki. Perseus? Tinawag niya ang pangalan ng lalaki? Ibig sabihin hindi ito katulong? Lumingon ang lalaki sa gawi namin. Parang nasa late 40s na ito, pero nangingibabaw pa din ang kakisigan. Siguro gwapo din ang anak nito, kung meron man. “Okay manang.” Sabi nito at umupo sa swivel chair. Nilapag muna niya sa desk ang dalang folder at muling tumingin sa amin. “Good morning po.” Bati ko sa lalaking makisig. Tumango naman siya. “Have a sit iha.” “Sige po.” nagtungo ako sa upuang kaharap ng desk at umupo. Kinakabahan man ay pilit ko itong nilalabanan. “What's your name?” paninimula nito. “Mikaela Chin Rio sir.” kinakabang sagot ko. Suplado kasi siyang tingnan. Nakakakaba. “So, sabihin mo sa akin kung bakit ka mag-a-apply bilang katulong?” Mas lalo lang akong kinabahan sa dahil sa tanong niya. Paano nalang kung hindi ako papasa? “Kailangan ko kasi ng pera sir. Nasa hospital po ang kapatid ko.” Sagot ko sa tanong niya. “Ilang taon ka na?” “16 po.” Mahinang tugon ko. Baka sumablay ako dito dahil sa edad ko. “So estudyante?” Dahan-dahan akong tumango. “Opo.” “Sigurado ka bang kaya mong gampanan ang i-a-assign ko sayo?” Mabilis akong tumango. “Opo sir, kaya ko po.” “Good. Ganito. Bilang katulong, dito kana mamamalagi sa bahay na ito. 50k ang monthly mo. Ako na din ang bahala sa gastusin mo sa hospital at pati na sa pag-aaral mo. Simple lang ang gagawin mo, pagsilbihan mo lang ang anak ko.” Naguguluhan naman ako. “Po? Ibig sabihin hindi kayo ang amo ko?” T'saka, ang laki ng sahod huh. Hindi ko kayang tanggihan. Malaki talaga pangangailan ko e. “Oo. Ang anak ko ang magiging amo mo. Dahil hindi naman kami palaging naririto. Aalis din ako kaagad papuntang ibang bansa.” “Okay po.” sana naman mabait ang anak niya. Hindi pa naman ako nagpapa-api. “Lilipat ka din ng paaralan kung gusto mo?” Medyo nagulat naman ako sa sinasabi niya. “Po? Wala po akong pera pambayad sa mamahaling paaralan.” Naku naman, baka maubos pa pera ko entrance fee palang. O baka nga hindi magkasya ang isang buwang sahod ko. Iyong pinapasukan ko lang na paaralan ang may pinakamababang tuition fee. “Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin mo. Don't worry buo pa din ang makukuha mong sahod.” “Huwag nalang po. Okay na ako dun sa pinapasukan kong paaralan.” Hindi pwedi. Hinding hindi. “Ikaw ang bahala. Sasabihin mo lang sa akin kung gusto mong lumipat sa mas mahal na paaralan.” Hindi agad ako nakasagot. Bakit parang sobra-sobra naman 'yata ang ibibigay niyang pabor? Baka nangangagat ang anak niya kaya ganun nalang ang in-offer niya sa akin. Nakakakot naman. “Ano, okay lang sayo ang sahod?” Untag niya. “Opo sir.” Bahala na, kailangan sumugal mabuhay lang. Walang imposible sa taong desperada. “Good.” Sabi niya at tumingin kay sa matandang babae. “Manang, ipakita mo sa kanya ang room niya bago mo siya dalhin kay Atthos.” Atthos? Pangalan pa lang, hudas na. “Hindi pa dumadating si Atthos, Perseus.” Tugon ng matanda. Sino ba talaga ang matandang ‘to? “Dalhin mo nalang siya sa room ni Atthos para makabisado niya ang daan.” Wow, makabisado ang daan? Sobrang layo ba at ang daming pasikut-sikot? Tindi. Dinala ako ng matanda sa isang kwarto. Malaki ang kwartong ito at ang linis. May bakanteng kama na may kulay lila na bedsheet. Pati ang mga unan at blanket ay kulay lila. May malaking closet at may lagayan din ng mga sapatos. “Ito ang magiging room mo.” Sabi ng matanda. “Okay po manang. Salamat po.” Magalang na ani ko. Na miss ko ang ganitong atmosphere sa isang kwarto. Patuloy lang ako sa pagmamasid sa buong kwarto. Kinabisado ko kung saan banda ang mabilis na madadapuan ng alikabok. “Feel at home Chin. Chin nga ba?” Napangiti ako sa sinasabi niya. “Opo manang.” “Okay Chin.” ngumiti din siya. “Sige na, dalhin na kita sa room ni Atthos, dahil bukas, aalis na si sir Perseus. At uuwi din ako sa batangas.” “Po?” Nagulat ako sa sinasabi niya. Ibig sabihin suluhin ko bukas ang paglilinis ng buong bahay? Unang araw ko palang bukas, ang tindi na. “Dalawang araw lang naman ako dun. Babalik din agad ako dito pagkatapos ng dalawang araw.” Ahh, yun pala. Tumango nalang ako. Kaya ko naman siguro ang paglilinis ng dalawang araw. Kahit sobrang laki ng bahay na ‘to, oo kaya ko ‘yun. Kayang-kaya. Kahit kunwari lang. Sana talaga hindi masama ang ugali nung Atthos na ‘yon. Pagkatapos kong isaulo lahat ng pwedeng dapuan ng alikabok sa magiging kwarto ko ay dito naman ako sa kwarto ng magiging amo ko dinala ni manang Linda. Lina pala ang pangalan ng matanda. “Ito naman ang room ni Atthos.” Sabi ni manang Linda. Sobrang laki ng kwarto nung Atthos. Doblehin yata ng laki ang magiging kwarto ko nito. May sofa sa kaliwang bahagi at malaking kama naman sa kanang bahagi. Kulay abo ang ang bedsheet at ang mga unan at blanket. Ganun din ang tiles ng buong kwarto niya. May division din sa gitna at sa likod nito ay nandun nakalagay ang dalawang malalaking closet. Pinagitnaan ng dalawang closet ang malaking divider na may nakalagay na iba't-ibang klaseng relo, sun glasses at mga mamahaling perfume. Sa tapat naman ay may maliit na divider na may mga mamahaling sapatos at sa gilid nito ay may malaking istante na may nakalagay na mga PS4. Ang daming PS4 at nasa tamang format ang size ng mga ito. Hindi halatang mahilig a. Ang ding-ding naman ng buong kwarto ay kulay puti ang pintura at in fairness sobrang linis ng kwarto niya. Base sa mga gamit na nandito ay lalaki nga ang amo ko. Ang bango din ng air freshener. Nakakaantok. “Who are you?” Ay s**t! Muntikan na akong mapatalun sa gulat dahil sa taong sumisigaw sa likuran ko. Lumingon ako sa pintuan, at dun ko nakikita ang lalaking isang guhit nalang ang pagitan ng dalawang kilay niya. Sobrang kunot ng noo at parang nambibintang ang mga tingin. Sinasabi ko na nga ba't hindi maganda ang ugali ng Atthos. Pangalan palang, at mas lalo ang pagmumukha. Imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinabi ko. “Saan si manang?” Mas lalong kumunot ang noo niya. “I said, who are you?” “Ako si Mikaela-” “I don't care! Get out!” Aba letche! Nagtatanung kung sino ako tapos sasabihing wala siyang pakialam? Nakakapanginig laman. “Pero-” “GET OUT!” Muling sigaw niya at may paturo-turo pa siya sa pinto. Galit na siya niyan? “Hind ako-” “GET THE HELL OUT OF MY ROOM, STUPID!” Pinisti! Bigla nalang nag-init ang ulo ko sa inasta niya. “Manigas ka. Tinanggap ako ng papa mo bilang katulong, kaya ang papa mo lang ang susundin ko. Kung gusto mong sumigaw diyan, sumigaw ka. Sweldo lang ang sakin.” Ako pa talaga sinisigawan. Baka gusto niyang matulad sa taong huling sumigaw sa harapan ko, putangina! “Ano? Anong katulong pinagsasabi mo? I don't need a maid specially a stupid one!” “I don't care. Kung hindi mo ko kailangan, kailangan naman ako ng mga alikabok ng bahay mo.” Hindi ko gustong sagot-sagutin siya lalo na't first meet naming dalawa, but I need to. I really need this work. Sabi nga ni mama noon, kung hindi mo kayang paamuin sa mahinahong paraan ang lion, kamao ang sulusyon. Pero dahil nagtitimpi pa ako, saka ko nalang i-apply ang kasabihang ‘yon. “You really want to be my maid huh.” Ang galit na mukha niya kanina ay unti-unting nagbago. Napapalitan ito ng ngisi na akala naman niya kikilabutan ako. Naghihirap lang ako, pero hindi ako kayang sindakin. Nagtungo siya sa kama niya at ginulo ito. Ang bedsheet. Ang kumot. Pati ang unan. Pinunit niya ito ito at sinaboy ang laman na cotton nito sa buong kwarto. Nanalaki ang mga mata ko habang pinagmasdan siya. “A-Anong ginagawa mo?” “You want to be my maid, aren't you? My room is too clean for a maid like you.” Nagtungo din siya sa closet na nasa likod ng division kaya sumunod ako. Nagulat na naman ako sa ikalawang pagkakataon dahil ginulo din niya ang mga damit niya. Agad nagsitalsikan ang mga nakahanger na damit sa sahig. Pati ang mga mamahaling relo, sun glasses at perfume niya ay hinulog niya din kaya nabasag ang ibang perfume at sunglasses. Ang mahal ng mga 'yan. Samantalang ako, titiisin ang ugali niya magkapera lang. Psh. “Huy siraulo! Bakit mo ginagawa ‘yan?” Sigaw ko dahil hindi na talaga makatarungan ang ginagawa niya. Tama bang guluhin ang nasa ayos na mga gamit para lang may ipapalinis sa baguhang katulong? Kaya pala sobra-sobra ang in-offer na pabor ni sir Perseus sa akin dahil sira pala ang ulo ng anak niya. May turnilyo sa utak at palagay ko hirap tanggalin. “Clean up. The very clean one. ” Utos niya sa akin pagkatapos niyang guluhin lahat. Nagpupuyos ako sa galit habang walang kasing sama ang tingin na pinukol ko sa kanya. Nakakapanginig laman pero dahil katulong ako, at amo siya. I have no choice. Nagtungo ako sa banyo niya at kumuha ng walis at pandakot. Bumalik ako at agad winalis ang mga nagkalat na cotton. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang pera, hindi ko pagtiyagaan ang ulupong na ‘to. Nakakasira na nga ng araw, nakakapanginig pa ng laman. “In 30 minutes, that should be over." Sabi niya. Agad nabaling ang tingin ko sa kanya. “Ano? Ano ako machine?” “Bawat reklamo, bawas sweldo.” Sabi niya at printing nakaupo sa sofa habang naka-dekwatro. Agad naman akong naalarma. Hayop. Kung ganun naman pala ang usapan aba'y wala ngang magreklamo. “Sino may sabing may reklamano?” Patay malisya kong sabi. Mas binilisan ko pa ang pagwawalis dahil panay ang tingin niya sa relong hawak niya. Binibilang ang bawat ikot ng daliri ng relo niya. Parang tangang figurines. Pagkatapos ko sa nagkalat na cotton ay sinunod ko naman ang bedsheet niya at ang kumot. Mabilisang inayos ko ‘yon at yung dalawang natitirang unan. Mabilis ko namang natapos ang pag-ayos ng kama niya kaya agad akong nagtungo sa likod ng division at sinimulang walisin ang mga bubog galing sa perfume at sun glasses niya na nakakalat sa sahig. May basa pa. “15 minutes.” Ay shiti. Nagsimula nang magbilang si satanas. Halos doblehin ko ang kilos ko sa takot lang na mabawasan ang sweldo ko. Paghihirapan ko tapos ganun-ganun lang kabilis bawasan? Aba'y hindi naman pwede yoon. Pagkatapos kong walisin ang mga bubog ay agad kong kinuha ang mop sa banyo. Pinapadaanan ko ng mop ang basang sahig sa mabilisang galaw. “10 minutes.” Naiinis ako sa muling pagbibilang niya kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. “Pwedeng manahimik ka?” Sabi ko sa mahinang boses. Syempre boss ko pa din naman siya. Takot ko lang mabawasan ang sweldo. Siraulo pa naman ‘to. “Eyes on your work. Remember, I'll mess that up again when I see a piece of glass and anything else there.” Naka foker face na sabi niya. Asar! Dahil sa takot na mabawasan ang sweldo at makapaglinis ay tinriple ko ang lakas ko kahit nakakaramdam na ako ng pagod. Natapos ko nang linisin ang kalat niya vacuum naman ang kinuha ko. “7 minutes.” hindi ko pinansin ang pagbibilang niya dahil ma-distract lang ako. Mukhang iyon pa naman ang gusto niya. Focus ako sa pag-va-vacuum. Tagaktak ang pawis sa noo ko kahit naka-aircon dito sa loob. Pero mahina lang. Pinahinaan kasi niya dahil malamang naglilinis ako. “2 min-” “Done.” pagmamalaki ko sa kanya. Pinutol ko ang dapat na sasabihin niya dahil nakakaasar ang pagbibilang niya. Tumayo siya at tsinek ang buong kwarto. Para siyang tanga na sinilip ang sahig at tiningnan kung may kaunting lama ba. Pati ang dalawang bintana tsinek din niya kung may alikabok ba. Pagkatapos niyang magmukhang tanga sa paningin ko ay lumapit siya sa akin habang nakapamulsa. Gwapo sana, ugaling demonyo naman. Asar! “There's something worse than that." Nag smirked siya. “Payag na akong maging katulong kita, but on one condition.” “Hindi ko kailangan ang condition-” “Bawat reklamo bawas sweldo, isang tanggi kapalit sisante.” Pananakot niya. Galing talaga manakot ng ulupong na ‘to. Pasalamat lang talaga siya kailangan ko nang pera. “Anong condition?” Tanong ko. Wala na din naman akong magagawa. Takutin ba naman ako. Sana talaga hindi niya ko gawing killer sa condition niya. Busit. Dahan-dahang lumapad ang pagngisi niya. Lumapit din siya sa akin at bumulong sa tainga ko. “Lumipat ka sa paaralan na pinapasukan ko.” Aba matindi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
787.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
558.4K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.8K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
22.6K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

The Lone Alpha

read
123.2K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook