-PETER PAN- Ilan beses ko nang pinaulit-ulit na panoorin ang "scandal" ni Princess. At hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako. Plano ko lang sana na manood ng mga kpop video ngayong Sabado pero biglang naagaw ang pansin ko sa desktop na may file name na "Maligno". Sa tuwing nakakaramdam ako ng lungkot ay pinapanood ko lang 'to. Matatawa na lang ako kapag umaarangkada na ang eksena ni Princess na nakahiga sa sahig ng music room na parang may sanib. Naalala ko pa, maaga akong pumunta sa Wow Academy noong first day of class. Gusto ko lang libutin ang eskwelahan na pagmamay-ari ni daddy. Una kong binisita ang music room. Nang makakita ako ng gitara ay agad ko iyon kinuha at sinimulang kumaskas. Sobrang nagulat ako nang makarinig ako ng sigaw sa labas kaya bigla akong napatayo sa upuan. Sa g

