- PRINCESS WENDYRELLA - Nagtatakang napasulyap ako kay naynay. "Tumutulong?" "O-oo. Siya ang misteryosong nagpapadala sa atin ng pera at package." Nagulat ako sa nalaman. Napatakip pa ako ng bibig nang sumulyap kay Sir Rick. Hindi ko napaghandaan ito. Sabi ko pa naman kay naynay noon na kapag nakilala ko lang kung sino ang aming mystery angel ay agad ko itong yayakapin ng sobrang higpit. Pero napaka-alanganin naman na yakapin ko siya ng sobrang higpit kasi ang pogi naman ng mystery angel namin ni naynay. Sa tantiya ko, nasa late 30's lang ang edad niya kung pagbabasehan ang kaniyang hitsura. Saka parang ang bango-bango niya. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. "M-maraming salamat, Sir Rick. Hindi ko naman po inaasahan na magpapakita po kayo sa ganitong pagkakataon. Wala man lang teas

